Chapter 10: Meet Derek Enriquez the Gang Leader

7.1K 370 21
                                    

Andrei

Lumabas na siya ng clinic pagkatapos niyang sabihin 'yon baliw talaga siya. Siya lang ang unang baliw na nakilala ko na wala sa mental hospital.

"Buti ijo mababaw lang ang sugat mo" sabi niya habang nililinis ito.

"Ijo girlfriend mo ba siya ?"

Huh? Napatingin ako sa nurse at nagulat sa tanong niya.

"Hindi ko siya girlfriend baliw ang babaeng 'yon " sagot ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin.

"Alam mo bagay kayong dalawa " sabi niya sa akin ng nakangiti hindi na lang ako sumagot at tumingin sa may pintuan. Bagay? Nababaliw na ba ang nurse na to? Tao kami hindi lang halata kay Myka dahil baliw siya.

Myka

Pumunta ako sa room ni Rae/Rhea ang sigang bakla. Alam ko ang ang room niya dahil magkasabay kaming pumasok sa bawat room kanina at nakita ko ang room na pinasukan niya kaya baka classroom niya 'yon. At tama nakita ko siya na natutulog sa klase habang nagdidisscuss ang teacher nila. Napakasipag at gifted niya naman dahil nagagawa niyang matulog habang nakikinig sa teacher.

"Ma'am excuse me po kay Rae Cueto" sabi ko sa teacher nila. Tumango naman sa akin si ma'am at agad na tinawag si Rae.

"Mr. Cueto " tawag sa kanya ni ma'am nagising naman siya agad at tumingin sa akin. Tumayo siya at pumunta sa direksyon.

"Bakit ka nandito?" Cold niyang tanong sa akin ibang iba sa boses na narinig ko sa kanya kanina. Hanga rin ako sa baklang ito ang galing niyang magpakalalaki kahit hindi siya straight.

"May extrang uniform ka ba diyan?" Lumabas naman siya ng pinto at hinila ako sa may pader. Lumingon lingon siya sa paligid para siguraduhin na walang nakakakita sa amin.

"Hoy Myka hindi porket alam mo na, na bakla ako iisipin mo na rin na nagsusuot ako ng uniform na pambabae " inis niyang sabi sa akin.

"Hindi-hindi nagkakamali ka si Andrei kasi nasaksak" sabi ko sa kanya.

"Anu?!" Hindi niya napigilang napasigaw sa sinabi ko. Napatingin naman ang iba niyang classmate sa kanya para kasing pambakla ang tinig ng boses niya nang sumigaw siya.

"Anu?! " Malaking boses na lumabas sa bibig niya ibang iba sa boses niya kanina nang sumigaw siya.

"Nasaksak siya ng Black Knights pero ok na siya. Dinala ko na siya sa clinic pero yung uniform niya kasi puro dugo kaya baka may extrang uniform ka diyan magkasukat naman siguro kayo ng damit " sabi ko sa kanya.

Napansin ko naman na biglang nagningning ang mga mata niya sa sinabi ko. At ngumiti nang malapad. Kinikilig siguro dahil si Andrei ang magsusuot ng uniform niya.

"Sige sige meron ako sa locker, Kukunin ko " Pumunta kami sa locker room at kinuha na ni Rae ang kanyang extra na polo.

"Bigay mo 'yan hah sabihin mo ibalik agad kahit hindi pa nalalabhan " sabi niya sa akin na may halong kilig.

"Sige mauuna na ako, Si Andrei hah? Akin pa rin siya " mahinang sabi niya sa akin at fl-in-ip ang hair niya kahit wala namang ifi-flip.

"Walang sa'yo Rae akin lang si Andrei "sagot ko na lang at ngumiti sa kanya.

"Salamat pala " sabi ko sa kanya pero malayo na siya.
Napabuntong hininga na lang ako nang maalala ko si Andrei, nag aalala ako sa kanya. Bakit kasi napakasiga niya, lapitin tuloy siya ng gulo.

Naglakad na ako papunta sa clinic para ibigay na to kay Andrei pero nagulat ako ng makasalubong ko ang Black Knights at ang leader nila na si Derek. Ang lakas ng dating niya at nakakatakot ang aura niya. Ang cold ng mga mata niya at hindi ko maitatanggi na gwapo rin siya pero nakakaturn off siya dahil sa mga ginagawa niya.

Napansin ko na napatingin siya sa akin. Alam ko na sa akin lang siya nakatingin dahil ako lang ang nag iisang tao dito bukod sa mga kasama niya na nasa likod niya.

Nagkasalubong ang mga mata namin. Agad akong umiwas ng tingin at naglakad ng mabilis. Kailangan ko na tong ibigay kay Andrei baka mamaya ni-rerape na pala siya ng nurse.

Derek

Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa babae. Nakita ko nanaman siya.

"Bakit Derek? May problema ba?" tanong sa akin ni Miguel.

Umiling lang ako sa kanya at tumingin na sa harap at nagsimula na ulit maglakad.

"Derek kanina pala nabugbog sila Kevin, Sam at mga kasama niya sa garden" Tumingin ako kay Leo at pinakinggan ang mga sinabi niya.

"Pero nasaksak naman nila ang lalaki "

"Sino ba ang lalaki?"

"Si Andrei Rodriguez yung transfered student balita ko malakas siya sikat siya sa iba't ibang schools dahil lahat ng kumakalaban sa kanya laging talo, bugbog at minsan ang iba hindi na nakakauwi sa bahay, sa ospital na diretso nakakatakot siyang kalabanin " sabi niya sa akin.

"Andrei Rodriguez" Tatandaan ko ang pangalan mo kung sino ka man. Naririnig lang kita sa ibat ibang school pero ngayon nasa loob ka na ng campus. Nasa lugar na kita. Tingnan lang natin kung sino ang matatalo. Mukhang gusto kong makilala ka Andrei Rodriguez.

Mr. Poser Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon