Chapter 63: Red Day

3.6K 180 12
                                    

Myka

Napansin ko habang tinuturuan ko siya ay parang sa akin lang siya nakatingin hindi sa itinuturo ko sa kanya. Tumingin ako sa kanya tama nga.

"Nakikinig ka ba sa akin?" tanong ko sa kanya ngumiti lang siya sa akin at tumingin sa papel.

"Oo basta ikaw " sagot niya at tumingin ulit sa akin.

"Magseryoso ka naman sa pag aaral " iritable kong sabi sa kanya dahil naiilang ako.

"Seryoso naman ako sa'yo ah " sagot niya habang nakatitig sa akin. Naiilang ako sa ginagawa niya kaya umiwas ako ng tingin sa kanya.

"May tanong ako" Napatingin ako sa kanya ngayon seryoso siya hindi katulad kanina.

"May pag asa ba ako?" Nagulat ako sa tanong niya sa akin. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Tumingin ako sa kanya, nakatitig lang siya sa akin at hinihintay ang isasagot ko sa kanya. Meron ba?

*Krriing* Nabunutan ako ng tinik nang tumunog ang bell na sign na ng lunch. Tumayo na ako at tumingin sa kanya.

"Mag lunch ka na" sabi ko at maglalakad na sana palabas.

"Sandali, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko" sabi niya at tumayo rin. Hindi ko pa alam ang isasagot ko sa ngayon.

"Please Derek mag aral ka muna"

"Pero lunch time na" Tsk. Pinipilosopo pa ako nito.

"Hindi ko pa alam ang isasagot ko" sabi ko sa kanya napansin na naging malungkot siya sa sinabi ko sa kanya pero hindi ko talaga alam. Naglakad na lang ako palabas ng room niya.

Derek

P

arang sinabi mo na rin na wala talaga. Pinagmamasdan ko lang siya habang naglalakad palabas sa room. Wala nga ba talaga? Tumayo ako at sinundan siya hanggang sa labas ng room at nang pag tingin ko sa labas. Naka abang si Andrei at nilapitan niya si Myka. At sabay silang naglakad.

Hindi ko ba talaga mahihigitan si Andrei? Sinaktan siya ni Andrei pero bakit ganon? Mahal niya pa rin kahit nasaktan na siya?

Mas gwapo naman ako kay Andrei pero bakit si Andrei pa rin ang gusto niya?

Nag aral na ako para matuwa siya sa akin maturn on. Hindi na ako nakikipag away. Nagiging good boy na rin siguro ako dahil sa kanya.

Ginagawa ko na ang lahat para sa kanya pero hindi naman niya nakikita dahil iba ang tinitingnan niya.

Andrei

"Bakit mo ako hinintay?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami sa corridor papunta sa canteen.

"Gusto ko kasing makasama ka" sagot ko sa kanya nang hindi manlang siya tinitingnan. Lumingon ako sa kanya at nakita kong napangiti siya pero nang mapansin niyang nakatingin ako ay bigla nalang nawala ang ngiti sa labi niya. Tinago niya pa pero nakita ko naman.

Pumasok na kami sa loob ng canteen at tumingin sa mga pagkain.

"Anong gusto mo?" Tanong ko sa kanya habang tinitingnan ang mga pagkain.

"Ikaw" Narinig kong bulong niya. Tumingin ako sa kanya pero nagpatay malisya lang siya at tumingin sa pagkain.

"Ano ba ang masarap?" tanong niya habang nililibot ang tingin sa ibat ibang pagkain.

"Ikaw" sagot ko at ngumiti ng kaloko loko sa kanya. Nagulat naman siya sa sinabi ko at bigla akong hinampas sa braso.

"Bastos!" Siya at tiningnan ako ng masama at inirapan.

"Hala hindi ba pwedeng masarap kang kasama dahil masaya ako kapag kasama kita?" Napansin kong kinilig siya sa sinabi ko at bigla siyang tumalikod sa akin.

"Bahala ka galit pa rin ako sa'yo" sabi niya habang nakatalikod sa akin. Ay nagtatampo siya sa akin pero ang cute niya first time ko lang siyang makita na nagtatampo o nagpapabebe lang siguro.

"Sorry na. Nababaliw ka na naman" Agad naman siyang humarap sa akin nang nakakunot ang kilay.

"Nababaliw agad hindi ba pwedeng nagpapabebe lang ako? Wala ka man lang effort para suyuin ako" sabi niya sa akin at sumimangot. Ang ganda niya kapag galit siya. Sana lagi na lang siyang galit.

Inakbayan ko siya at hinila papunta sa akin.

"Ano ba! Close tayo?!" Aba ang sungit naman nito. Ngayon ko lang siyang naging ganito kasungit. Binabawi ko na pala ang sinabi kong sana lagi na lang siyang galit.

"Tumigil nga kayong dalawa" Nagulat kami nang magsalita ang manang sa harap namin. Kanina pa yata siya nag aabang sa bibilhin namin.

"Kung bibili kayo bumili na kayo hindi sa naghaharutan kayo diyan marami kayang nakapila" Sermon niya ulit sa amin . Agad akong tumingin sa mga pagkain yung una ko na lang makita yun ang bibilhin namin.

"Dalawang fried chicken with rice and catsup and dalawang spaghetti" sabi ko sa tindera. Kinuha niya na ito at nilagay na sa tray at pagkatapos ay binigay na sa akin. Inabot ko na rin ang bayad sa kanya. Tumingin ako kay Myka. Nakasimangot pa rin siya at nang makita niya akong may hawak na tray ng pagkain ay nauna na siyang maglakad.

Mukhang nagtatampo pa rin yata siya. Baka siguro meron siya? Tumingin ako sa palda niya.

O.o

Nagulat ako nang makita ko ang pulang spot sa palda niya. Meron nga siya. Nagmadali akong lumapit sa kanya at tinapon sa may palda niya ang tray na hawak ko na may spaghetti at friend chicken with rice na may catsup.

*Crack* Papunta ang lahat ng atensyon sa natapon na pagkain sa may palda ni Myka.

"Hala!" Si Myka at hinawakan ang palda niya na mantsa ng catsup at spaghetti sauce. Pinunasan niya ito ng panyo para matanggal.

"Sorry Myka"

"Andrei naman kasi eh bakit mo ginawa yun? Yan tuloy yung palda ko namantsahan para tuloy akong tinagusan" sabi niya habang pinupunasan ang mantsa sa palda niya. Kung alam mo lang na may tagos ka. Tumingin ako sa mga estudyante nakatingin silang lahat sa amin. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya palabas ng canteen.

"Sa CR mo na lang punasan 'yan" sabi ko sa kanya pinauna ko siya para matakpan ko ang palda niya na may mantsa nga catsup, spaghetti sauce at dugo para hindi siya mabastos ng mga lalaki at mapahiya.

"Bakit kasi tinapunan mo ng pagkain ang palda ko?"

"May tagos ka"

Napansin ko ang pagkagulat niya at bigla siyang namula sa sinabi ko sa kanya.

"Ano ba'yan nakakahiya!" sabi niya at bigla niya ako ng hinila sa may likuran niya.

"Takpan mo hah!" Masungit na utos niya sa akin. Kaya pala masungit kasi may dalaw.

"Andrei biglaan ito wala akong baon" Bulong niya sa akin.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Ako ang maghahanap ng napkin niya?

"Ibili mo naman ako. May extra akong palda sa locker pero walang ano dun ibili mo ako bibigyan kita ng limang piso" Pagmamakaawa niya sa akin. Ako nga ang bibili?

Nakarating na kami sa CR ng mga babae at sakto namang wala nang mga babae. Pumasok siya sa loob at naiwan ako sa labas.

"Andrei ibili mo ako please" sabi niya mula sa loob na may halong hiya.

Wala na akong magagawa. Kailangan kong gawin para sa kanya.

"Sige" sabi ko

"Kunin mo na lang sa bag ko ang susi sa locker" sabi niya sa akin. Binigay niya sa akin at ang bag niya at pumasok na siya sa cubicle doon.

Umalis na ako sa CR at naghanap na ng pagbibilhan.

Mr. Poser Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon