"What?" Takang tanong ko sa kaniya

"Walang pagkain" sabi niya sabay poker face ulit

Psh. Akala ko naman may masama na siyang balak. Jusmiyo kinabahan ako dun

"Bili tayo?" Tanong ko sa kaniya

"Okay lang?" Nahihiyang tanong niya

"Psh. Tara" tumayo nako lumapit sa kaniya at hinila ko ang kanang kamay niya palabas ng bahay niya

"Kunin ko lang yung sasakyan" paalam niya at akmang aalis na nang pigilan ko siya

"Pwede bang mag motor nalang tayo?" Naalangang tanong ko sa kaniya

"A-ah e-eh sigurado ka?" Tanong niya -_______-

"Yayayain ba kita, kung hindi?"

"Ah eh sabi ko nga, Sandali labas ko lang yung motor" at umalis na siya pumunta sa garahe niya at nilabas ang motor. Ilang sandali lang ay dumating na siya

"Tara" yaya niya sa akin. At agad akong sumakay sa motor

Pinaandar niya na yung motor ng mabilis kaya agad akong napayakap sa bewang niya mula sa likod

"Uso mag dahan-dahan" Hindi niya ata narinig. Sisipain ko na to -______-

Ilang minuto lang ay nakarating na din kami sa super market na malapit sa village namin. Pinark niya lang yung motor niya at agad na din kaming pumasok para bumili nang makakain namin para sa movie marathon namin

"Pizza?" Tanong niya

"Fries" sagot ko naman sa simpleng tanong niya -_____-

"Burger?" Pag iiba niya ng tanong

"Ice cream" Sabi ko at parang sumang ayon naman siya kasi napangiti siya nang pasimple

"Alright. Jollibee?" Duh! Hindi kaya masarap don -______-

"McDo" tsk. Nagpoker face na naman siya -______-

"DAIRY QUEEN" Sigaw namin parehas. Ayun nagkasundo din kami

At pagkatapos nang pagtatalo namin ayun binili din namin lahat ng pinag awayan namin. At pagkatapos pumunta na agad kami sa bahay niya.

Nang makarating na kami sa bahay niya agad niyang isinalpak ang balang papanuorin namin. At ngayon eto nakaupo kami parehas sa sofa niya at parehas kaming may hawak na pagkain. Pizza sa kaniya, Fries sa akin

[>] That thing called tadhana

Wala naman kaming pinag usapan masiyado habang nanunuod kami. Hanggang sa matapos eto kami nanunuod at hindi parin ako tumitigil sa kakaiyak

"Ang *sniff* ganda ng palabas no? *sniff*" Sabi ko sabay punas sa luhang kanina pa tumutulo sa mata ko

"Anong nakakaiyak dun?" Weird na tanong niya

"Wala nakakarelate kasi ako kay angelica" sabi ko at buti naman at tumigil na yung luha ko sa kakatulo

"Nasaktan ka na?" Seryosong tanong niya habang nakatingin siya sa mata ko

Dahan-dahan akong tumango, tanda sa pagsagot ng oo

"Nino?" Tanong niya ulit

"Lalaking hindi ako kayang mahalin sa kabila nang lahat ng ginawa ko sa kaniya" Gheeeez! Wag kang umiyak dito fiona! Nakakahiya

"Kaya kaba naglasing kagabi?" Waaaah!! Naaalala niya pa pala yun? Malamang fiona kagabi lang yun eh -_______-

Sa gitna nang pag uusap namin biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ng pantalon ko. Si dad

From: Daddy

Baby uwi ka saglit may pag uusapan tayo

"Ah eh sorry ha? But i have to go" sabi ko sa kaniya narinig ko siyang nang bye pero nginitian ko nalang siya at agad na akong lumabas ng condo niya

Nang makarating na ako sa bahay naabutan ko si dad na nakaupo sa sala at napatingin siya saakin nang marinig niyang sinara ko ang pinto

"Oh baby andyan kana pala" nginitian ko nalang siya at umupo sa sofa malapit sa kaniya

"Napadali ang pag alis mo. Nakakuha na ako ng ticket at mamayang madaling araw ang flight mo" sabi ni dad

Hindi naman sa ayaw ko pero hindi din kasi ako nakakaramdam ng excitement eh siguro dahil sa mahihiwalay ako sa magulang ko?

"Okay po" yan nalang ang nasagot ko, Wala narin naman kasi akong magagawa kahit sabihin kong ayoko eh. Pag sinabi ni dad, Sinabi niya

Umakyat nako sa kwarto at paghiga ko

*kriiiiiiing kriiiiiiing*

Nakatulog pala ako. Pagtingin ko sa orasan 2am na pala. Naligo nalang ako at inayos ko na ang gamit ko kaya eto ako ngayon ihahatid ako nila mom sa airport

Ilang oras lamang ay andito na ako sa loob ng airport at papunta na ako sa eroplanong sasakyan ko

"Bye philippines, Hello America"

I Won't Give UpWhere stories live. Discover now