"Sure ka bang ayaw mo mag rice?" Tanong ko sakanya. Pinatong niya yung ulo niya sa balikat ko. Inakbayan ko naman siya para mas komportable siya.

"Sa dinner na lang. Jayle.. Inaantok na ko.." Obvious nga sa boses niya. I rub her arm.

"Just finish your last class okay? Hahatid kita after your class." tumango lang siya.

Dumating rin agad sila Alec pero si Sam medjo nahuli. Siya yung huling nagpaluto eh.
Ewan ko ba pero lingon ako ng lingon. At yun nga paglingon ko sa kaliwa ko nandun na yung hinahanap ko. Nakatingin din siya sakin pero inirapan ako agad. What the heck?

"Mon, oh eto na." Binigay ni Sam yung food ni Mon. Ako nalang yung kumuha kasi tinanguan lang siya ni Mon na nakapikit sa balikat ko. "Oh Eris! Join us na." Tawag pa ni Sam sa grupo nila Athena.

Pumayag naman agad sila tsaka umupo sa tapat namin. At nasa harap ko pa talaga si Athena. Na hindi manlang ako tinignan. Problema neto?

Pero teka muna. Kailangan nang kumain ng bestfriend ko. "Mon? Kain ka muna please?" bulong ko kay Mon. Umayos na siya ng upo.

"Share tayo..." Sabi naman niya sakin. Sasagot na sana 'ko kaya lang nagsalita si Athena.

"Ay Monique, I cooked food for Lj kasi kaya its fine kahit di na kayo mag-share." Then Athena eyed me na parang try mo lang tanggihan, jombag ka sakin ganern!

Yung mga kasama naman namin sa table may nagulat, may nasamid. OA ha? Feel ko nawala yung antok nila eh hahaha.

"For Lj? Why?" Mon asked tsaka ako tinignan.

Nilagay na ni Athena sa harap ko yung tupperware na may pasta na medjo mainit pa. Ang daming cheese non as for my request tas may dalawang slice din ng chocolate cake sa isa pang tupperware. Kakapadala niya lang yata sa driver nila.

Alam ko hindi ako gutom kanina eh pero kingina nagutom ako bigla. Tas naalala kong kailangan kong sumagot kay Mon kaya lang nagsalita ulit si Athena.

"Request niya. Anyway lets just eat." Di nalang sumagot si Mon.

Nakita ko namang wala pang drinks si Athena kaya tumayo ako. Tinanong agad ako ni Mon.

"San ka pupunta?" Mon.

"May bibilhin lang ako." Tas pumunta 'ko sa stand ng milkshake. Bumili ako ng strawberry flavor tas bumalik agad sa table namin.

"Here." Inabot ko kay Athena.

Ngumiti siya sakin. "Thank you." Sheeeeet! Ang ganda! Napangiti rin tuloy ako tsaka umupo na ulit sa pwesto ko.

Though I know na nagtataka na sila, 'di nalang kami umimik ni Athena.

Nagkwentuhan nalang sila about school and stuffs. Tahimik kong kinain yung food na niluto niya and asusual heavenly nanaman yung lasa. Minsan nagtataka 'ko kung bakit BA course niya eh at hindi culinary. Tanong ko nga minsan.

After kumain tumambay kaming lahat sa ilalim ng malaking puno malapit sa soccer field. Damn ang sarap matulog kaagad. Ang fresh ng hangin.

Sila Alec, Lance, Mark, Gab, Adam, Mon, Eris, Jess and Denise nag-uusap sa kaliwa ko tas si Sam nasa kabiliang part ng puno, nakikinig ng music. Si Cloud pumunta sa building ni Shine. Nasa kanan ko naman si Athena. Parehas kaming nakasandal sa puno at may agwat kaming dalawa.

"Uhm anong oras uwi mo?" Tanong ko to start the conversation.

"Two thirty. You?" Tanong niya rin. Nakatingin lang ako sakanya. Pinagmamasdan ko siya. Nililipad yung mangilan-ngilang buhok niya at tumatabing sa maganda niyang mukha. Sobrang ganda.

Think TwiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon