"Sophie, okay ka lang?"

Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Arc. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na nasa mukha ko. He then caressed my face and his other hand traced my arms down to my hands. Tiningnan ko iyon para makita kung anong gagawin niya.

Yun pala ay kukunin niya ang itim tali na ginawa kong bracelet sa kamay ko.

"Talikod ka muna. Tataliin ko ang buhok mo."

I pressed my lips and turned around like what he said.

"Thank you." Ani ko pagkatapos niyang itali ang buhok ko into ponytail.

He's really caring and thoughtful. Ganoon naman din ang iba pang myembro ng Euphoria pero mas grabe lang talagang mag-alaga si Arc kumpara sa iba.

"Ang dami mo sigurong ginawa ngayon. Halata sa mukha mong pagod ka."

"Yup, ang sakit nga ng likod ko 'e. I just wanna go home and lay down in my bed." Sagot ko sa kanya.

"Here." Inalok niya sa akin ang pagkain na dala ko. "You have to eat. Bawal kang magkasakit."

Kinuha ko ang lalagyan ng pagkain at binuksan ito. Nilantakan ko na agad ang spaghetti dahil gutom na rin talaga ako.

"Alam ko naman yun Arc. May gig tayo bukas at nakapag down na ang kliyente sa talent fee natin kaya bawal mag back out. Promise, itutulog ko lang itong pagod ko. Mawawal rin ito."

He shook his head and sipped into his cola. "That's not what I mean. Bawal kang magkasakit dahil on going pa ang thesis mo. You've been bragging about it for weeks, and I know how pressured you are right now. Sinabayan pa ng pagbabanda mo, mas lalo ka tuloy na stestress."

"Nah, I can do this. Hindi naman kayo sagabal sa akin. At yung thesis ko, kakayanin ko iyon."

"I know. But I'm worried Sophie. I don't like seeing you like this."

Napangiti na lang ako sa kanya. Sa sobrang bait ni Arc, hindi ko napigilan na kurutin ang pisngi niya. Nakaka-inis! Ano ba ang nagawa kong maganda noon para bigyan ako ni Lord ng kaibigan na ubod ng bait?

"Aray! Masakit yun ah." Reklamo niya. Nag peace sign na lang ako at nilantakan na ang pagkain ko.

Sabay sabay na kaming kumain lahat at nagpahinga lang ng ilang minuto bago bumalik sa pag pa-practice. We will do four sets tomorrow since its weekend at maraming costumer no'n sa bar.

In between our breaks, nag post ako ng poster ng gig namin sa Instagram account ko. The more I market our band on social media, the more audience we can reach.

Sa ngayon sa mga bar muna kami tumutugtog, but soon I know we will have a gig on a casino, or maybe even in a TV show. Hindi malabo na mangyari iyon dahil napaka talentado naman din ng mga kasama ko.

Dahil sa dami naming inensayong kanta, na extend ng dalawang oras ang practice. Hindi na ako nagreklamo kahit pagod na talaga ako.

Arc was very attentive to my actions. Pag nakikita niyang medyo lumulukot ang itsura ko, nagpapa water break agad siya. Kaya tuloy mas natatagalan kami.

"Okay, let's wrap it guys. Pagod na si Sophie." Anunsyo ni Arc sa lahat.

"Ha? May dalawa pa tayong kanta na hindi napapractice." Ani Karl sabay kamot sa ulo niya.

"You can bring a copy of the song's notes Karl. Sabayan mo lang kami."

"Baka magkamali ako." Karl frowned.

I understand him. He's just new to world of bands performing on stage. Ilang buwan pa lang siya sa banda and I know he's not yet used to this.

Nilapitan ko si Arc at tinapik sa balikat. "Arc, sige na. Practice na tayo, dalawang kanta na lang naman 'e."

Out of Bounds (Ugly Past Series #2)Onde histórias criam vida. Descubra agora