TAT. [ 5 ]

1.2K 51 12
                                    

Break Down

Napakurap ako nang may ilaw na pumatay-sindi sa aking gilid. Napalingon kami ni Donny sa pinanggalingan noon at nadatnan si Sofia na hawak-hawak ang kanyang telepono na may malokong ngisi sa kanyang labi.

Tila napaso ay agad kong binawi ang aking kamay mula kay Donny at nag-iwas ng tingin.

What am I doing? Bakit hinahayaan ko itong gawin sa akin ang kung ano man ang naisin niya?

Akmang lalapitan ko si Sofia nang tumakbo ito papalayo sa akin. Alam niyang gusto kong burahin ang litratong kanyang nakuha.

Nagpatintero kami sa loob ng masikip kong dressing room. Ngunit dahil hapit sa aking katawan ang aking suot ay nakalusot ito sa akin at umabot sa korridor ang aming habulan.

"Sofia!!"

Binilisan nito ang pagtakbo at iwinagayway pa ang telepono, "Habulin mo ko!" hamon nito.

Sa inis ay hinila ko pataas ang aking palda. Katamtamang taas lamang upang makagalaw ang aking mga binti at maabutan ko si Sofia.

"Humanda ka talaga sa akin kapag naabutan kita!" banta ko.

"Kung mahahabol mo ako." aniya.

Para kaming mga batang naghahabulan. Kung kanina ay medyo naiinis ako at ang tanging nais ko lamang ay mabura ang aming litrato, ngayon ay nasisiyahan na ako sa aming ginagawa. Pati ang mga staff at crew na aming nadaraanan ay nawiwili sa amin.

Natigil lamang kami nang pumalakpak muli si Direk Mac. Doon na lamang ako nakaramdam ng pagod at pagkalagkit. Basang-basa ako ng pawis at gayon din si Sofia na hinahabol ang kanyang hininga.

"Last scene na. Ang gustong manood, sumama ang ayaw, hintayin lang kami dahil may announcement pa ako." aniya sa striktong tono.

Nagkatinginan kami ni Sofia. Sa estado naming ito ay wala kaming ibang pagpipilian kung hindi ang magpaiwan.

Pinahid ko gamit ang aking mga palad ang naglandas na butil ng pawis sa aking mukha. Hulas na hulas na siguro ngayon ang kolorete sa aking mukha. Sana nga lang ay hindi ako mukhang payaso o zombie.

"Hindi niyo man lang ako inaya sa laro niyo."

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nagitla ako sa aking nasilayan. Si Nash ay may hawak na bimpo at tissue habang nangingiti sa amin ni Sofia.

"Basang-basa ka oh." aniya at inabot sa akin ang bimpo niyang bitbit.

"Ahm, bihis muna ako Shar." paalam ni Sofia na may malisyosong ngisi.

Pinandilatan ko ito bago tuluyan kaming iniwan ni Nash. Inabot ko sa kanya ang bimpo at pinahid iyon sa aking mukha.

"Salamat." I beamed at him.

"No biggie. Ayoko lang makakita ng clown dito sa set. You know how they frighten me." kibit-balikat niya.

Inirapan ko ito at pinagpatuloy ang pagpupunas sa aking sarili. I missed our banters. I did not expect that we will be talking this way again. Parang bumalik ako sa nakaraan...

"Clown ka diyan. Ang ganda at sexy'ng clown ko naman." bawi ko.

He snorted, "Ohhhh, grabe ang confidence. Hindi ko alam kung saan ka humuhugot ng ganyang kumpyansa kung wala ka namang basehan."

I scoffed at his statement, "Aba Aguas, I think you need to get your eyes checked. Hindi mo na-aappreciate ang isang grasya mula sa langit tulad ko."

He bursted into laughter. His deep manly voice echoed in the corridor. The sound waves shook my frail heart too. Imbes na pumeke ng pagkainis ay may ngiting tumakas sa aking mga labi. Nash is laughing because of me. I made him happy...

Twisted and Turned. { NashLene }Where stories live. Discover now