"Ma, pa, alis na po kami!" Sabi ko sa kanila.

"Sige girls, pagbutihin nyo ang paghahanap sa koryano nyo haha! Magpakasaya kayo. Ingat kayo ha." Mama.

tumango naman kami bilang pagsagot ng oo. Paalis na sana kami nang marinig namin ung pahabol na boses ni papa.

"Teka teka oy, anong oras kayo uuwi?"

"Not sure pa, pero hindi kami magpapagabi!" Ako.

"Ok. Ingat kayo ah!"

"Opo pa, ma, alis na po kami byyyeee!" Paalam namin ni ate.

Lumabas na agad kami ni ate.

----at the mall----

Pagkapasok palang namin ni ate, may nakita na agad kaming koryana dalawa. Di naman maganda pero ang cute....... Nung bangs! Keke.

"Ooyy san tayo dederetso?" Tanong ko kay ate pagkalabas namin ng supermarket.. Sa Supermarket kasi kami banda pumasok eh.

"Uhmm.. Ikot ikot muna. Hunting na agad!" Nag ngitian naman kami ng nakakaloko whahah!

Habang naglalakad lakad kami dito sa loob ng mall, medyo marami ding nagtitinginan samin! Ano bang meron? Hindi naman masama or weird ung tingin nila.. Medyo nakangiti naman sila tapos kung makatitig sa pananamit namin wagas! Okay so ganon ba talaga kapag magkaibang magkaiba ang pananamit namin? Ngayon lang ba sila nakakita ng magagaling manamit? Charot! Parang kasing pinagcocompare nila ung pananamit namin ni ate eh.

Umakyat na kami ng 2nd flr, Pagka akyat namin shemay ang daming korean! Nyahahahah! Oryt! Eto nanaman papansin mode na us! May isang direksyon sa may kanan may mga lalaking koryano hahaha! Marami silang magkakasama parang may pinaguusapan sa gilid.

Eto nga kasi kaming papansin, dun na kami dumaan papunta kami sa bilihan ng posters!

Whahaha teka kinakabahan ako..

Habang naglalakad kami papalapit sa direksyon nila, pinapakinggan namin bawat salitang lumalabas sa bibig nila .. As if namang maintindihan namin? Haha kinikilatis na rin namin kung may gwapo dun hahaha!

Ayan na 10 steps nalang madadaanan na namin silaaa.😍

Wait! Ang gugwapo lahat! Shemay! Waaaah! Hahahahahaha!

9 steps left

7 steps left

4 steps left

3

2

Ayan na sobrang lapit na namin.. Nyahahaha..

Ayan na shemay madadaanan na namin silaaa..

Medyo malapit kami sa kanila eh kahit na napakalawak ng daanan, wahaha!

Ayan na naguusap sila ahhaha. Binabagalan namin ni ate lakad namin habang malapit lapit kami sa mga yun.

Yung mga boses nila whaha! Titig na titig talaga ako sa mga mukha nila eh buti nga walang nakakapansin sakin na nakatitig ako sa kanila eh.

Mang makadaan na kami sa kanila, may isang boy na koryano medyo nagkabanggaan ung siko namin, pero sinadya ko yun whahaha!

Kaya ayurn napansin ko tumingin sya sakin. Edi syempre napalingon din ako sa kanya na kunyare di ko sinasadya ung pagkasagi ng siko naming dalawa.

Nagsalita agad ako na parang nagpapanic at nag salit sa kanya.

"Mianhe" sabi ko.. Waaaaah shems medyo natatawa ako na kinikilig wahahah ung itsura nya, hahahaha ung mukha nya parang ung mukha ni Jimin nung kabataan nya ung mukha nya sa ginawa nilang graduation song dati.

Ayy nako naalala ko nanaman tuloy sya..

"Ok." Sabi nya sakin na walang reaksyon sabay lumingon na sa mga kasama nya..

Ahh so ganon? Badtrip naman parang ang junget ng ugali.. Hahaha dapat nagsorry manlang ulit sya eh.

Hindi napansin ng mga kasama nya ung pagkasanggi ng siko namin eh..

"Asdfghjkl Yadong."

Wtf?

Y-ya-yadong?!

YADONG?!!

Hala?!

Hahahahaha!

Nang makalagpas na kami ni ate sa mga lalaking koryanong yun, bigla kaming nakarinig ng isang boses naman di namin naintindihan ung una pero klarong klaro sa tenga namin ung word na YADONG eh.

Kaya nagkatinginan kami ng WHAT? look at natatawa look.

Shemay ! Hahaha! Promise! Yadong talaga narinig namin eh.

Agad naman kaming lumingon sa mga koryanong yun nang hindi pa naman kami kalayuan pero pagkalingon namin, nakita namin sila na naglalakad na pababa habang nagtatawanan.

Nagkatinginan naman kami ni ate agad na natawa hahaha! Ano kaya ung unang word bago sabihin nun ung yadong?! Hahaha di kasi namin maintindihan eh kainis!

Sira ulo din pala ang mga koryano whahahahaha!

-----------------------------------------
A/N: heey hahaha sorry sa mga nagbabasa kung meron man, medyo sabaw na ung mga UD ko haha! Wala talaga akong maisip na ma i UD eh. Ayan muna sa ngayon. Next chapter nyan, nasa mall parin sila. Keke! Exciting 😂😉

Lucky ARMY (continuation)Where stories live. Discover now