Pagkatapos kong sabihin yun. Tumalikod na ako sa kaniya at sumakay sa sasakyan ko. Inistart ko na yung sasakyan ko. Pero bago ako tuluyan umalis. Nilingon ko siya sa huling pagkakataon. Nakita kong nakatingin siya sa akin. Kahit masakit sa akin. Umalis nako habang patuloy pa rin sa pag iyak

Huminto ako dito sa park pero imbis na bumaba ako. Andito lang ako sa sasakyan ko habang patuloy parin sa pag iyak. Bakit ba lagi nalang ako umiiyak. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Hanggang ngayon parang naririnig ko pa rin yung sinabi niyang hindi na niya ako mahal. Paulit ulit kong naririnig ang mga katagang iyon. Bakit ganon lang kadali sa kaniya ang sabihin iyon? Hindi na ba talaga niya ako mahal? Ganon ganon na lang ba talaga iyon?

Binuksan ko ang radyo para kahit papano mabawasan ang nararamdaman ko. Para gumaan gaan ang napaka bigat kong nararamdaman

Hindi mo ba naaalala ang katulad ko?
Wala nabang ganap sa puso at damdamin mo
Tuluyan bang nalimot ang lahat
Wala man lang ba kahit na bakas?
At ang pag ibig natin ba'y talagang magwawakas?

Hindi ko alam pero imbes na patayin ko ay parang inaanyayahan pa akong pakinggan ang kanta

Hindi kaba nanghihinayang?
Nangyari ba'y ganon na lamang?
Wala na ba ang init nang pag ibig mo
Naglaho ba sa puso mo
Kaya't ngayon ang mahal mo'y hindi na ako

Nakakarelate ako sa kantang ito. Umiiyak ako habang nakikinig nang kanta. Pinaadar ko ulit yung sasakyan ko. Hindi ko alam kung saan ako papunta ang alam ko lang ngayon. Gusto kong makalimutan ang lahat nang nangyare ngayong araw

Siya ba'y katulad kong kayang tawanan ang hapdi?
At kung sakaling iwan mo ay kayang ngumiti
At sana man lang ay malaman niyang
Hanggang ngayo'y minamahal kita
Maghihintay parin ang puso kong nag iisa

Hindi ko alam pero huminto ako sa isang bar. Pinark ko lang yung sasakyan ko. Kinuha ko lang yung gamit ko at tuluyan nakong bumaba.

"Good evening ma'am" Bati sakin ng guard pero hindi ko siya pinansin at dire-diretso lang

First time ko lang pumasok sa bar. At wala akong alam sa alak nila. Gusto ko yung alak na makakalimutan ko lahat ng sakit

"Goodevening mam" Sabi nang lalaking nagbibigay ng alak.

Seriously?! Good?! Kung good edi sana hindi ako pumunta sa bar na to at hindi ako mag papakalasing. Sana magkama kami ngayon ni Troy masayang nanunuod ng Sarah habang kumakain ng popcorn sa bahay at nagkukulitan. Kaso isa nalang yon sa mga alaalang iniwan niya sa akin. Dahil hindi na niya ako mahal.

"Yung pinaka matapang niyo ngang alak" Sabi ko sa lalaking nagbibigay ng alak. Gwapo siya ah. Kaso manloloko to. Kita naman eh. Gwapo kasi kaya alam ko nang manloloko

"Seryoso po kayo mam?" Hindi makapaniwalang tanong niya

"Mukha ba akong nakikipag lokohan?!" Naiiritang tanong pabalik ko sa kaniya

Nagulat ata siya sa tanong ko sa kaniya kaya tumalikod siya at kinuha yung pinaka matapang nilang alak. Sandali lang ay, bumalik na siya at may hawak-hawak nang alak at isang maliit na baso na may lamang yelo. Hindi ko alam kung tama ba, pero pagkabukas ko ng alak ay dire-diretso kong ininom yon. Hindi naman sobrang laki. Kasing laki lang siya ng red horse.

Pero habang iniinom ko ramdam ko ang init sa lalamunan ko. Malamig naman siya kahit hindi na lagyan ng yelo. Ramdam kong nakatingin sakin at halatang gulat na yung lalaking nagbigay ng alak. Pagkatapos kong ininom iyon ay halata sa mukha ko ang pagkagulat sa ginawa ko. Habang tumatagal ay parang ramdam ko na ang pagkahilo, Epekto siguro iyon sa alak na ininom ko.

"Magkano?" Tanong ko sa lalaking nagbigay ng alak

"500 lang po mam" Binayaran ko na.

Akmang tatayo na nang maramdaman kong nahihilo ako kaya napakapit lang ako sa lamesa at upuan na inuupuan ko kanina.

"Okay lang po ba kayo mam?" Nag aalalang tanong sakin nang lalaking nagbigay ng alak. Tinanguan ko lamang siya tanda nang pagsabing okay lang ako

"Guard paki alalayan po siya palabas" Sabi ulit ni kuya

Lumapit sakin yung guard at inalalayan ako papuntang sasakyan ko. Nang makapunta na ako sa sasakyan ko mas lalong tumitindi yung pagkahilo na nararamdaman ko. Kaya nakaupo lang ako at sumandal sa sasakyan at tuluyan nang nakatulog

I Won't Give UpWhere stories live. Discover now