ANG MGA PULANG SAPATOS

En başından başla
                                    

LOLA: Eto ang pera, Tagagawa ng Sapatos. Halika na, Karen.

TAGAGAWA NG SAPATOS: Pero, ginang--

KAREN: (sumabad) Handa na ako, Lola.

LOLA: Magandang araw, Tagagawa ng Sapatos.

TAGAGAWA NG SAPATOS: Pero, ginang--

KAREN: (sumabad) Magandang araw, Tagagawa ng Sapatos.

(Umalis ang Lola at si Karen.)


EKSENA II

PANAHON: ng sunod na Linggo, pagkatapos ng simba.

LUGAR: sa tahanan ng Lola.

ANG LOLA.

KAREN.

MGA KAPITBAHAY

(Nakaupo ang MGA KAPITBAHAY kasama ang LOLA sa reserbang silid dahil Linggo noon.)

UNANG KAPITBAHAY: Hindi kita nakita sa simbahan ngayong araw, Lola.

LOLA: Hindi ako makapunta, pero pinapunta ko si munting Karen.

PANGALAWANG KAPITBAHAY: (nang mahiwaga) Ay, oo; nakita namin siya! Nakita siya ng lahat!

LOLA: (nang mapagmalaki) Tumitingin nga sa kanya ang mga tao; lubha siyang maganda.

PANGATLONG KAPITBAHAY: Hindi tumingin ang mga tao sa kanyang mukha ngayong araw.

LOLA: (naalarma) Ano'ng ibig mong sabihin?

PANGATLONG KAPITBAHAY: Tanungin mo si Karen kapag umiwa na siya. Hindi kami ang para magdala ng mga kwento.

LOLA: (dumungaw sa bintana) Eto na siya!

PANG-APAT NA KAPITBAHAY: Tanungin mo lang siya sa sermon at mga himno!

LOLA: (nang mapagmalaki) Sasabihin niya sa akin ang halos lahat ng mga salita na sinabi ng pastor. Matalino siyang bata--ang Karen na iyon.

(Pasok si KAREN.)

KAREN: Andito na ako, Lola! Magandang umaga, Mga Kapitbahay.

MGA KAPITBAHAY: (nang malamig) Magandang umaga, Karen.

LOLA: Ngayon sabihin mo sa akin ang tungkol sa sermon, Karen. Ano ang teksto?

KAREN: (na may pagkalito; nabubulol) Ang teksto? Iyon ay--iyon ay--Ay, sasabihin ko sa inyo iyon maya-maya, Lola. Gusto kayong kasuapin ng ating mga Kapitbahay ngayon.

UNANG KAPITBAHAY: Ay, hindi! Mas gusto naming marinig na sabihin mo sa iyong Lola ang tungkol sa sermon at musika.

LOLA: Anong mga himno ang kinanta nila, Karen?

KAREN: (tulad kanina) Mga himno? Kinanta nila--tingnan ko--kinanta nila--

(Tumigil siya sa pagkalito.)

LOLA: Aba, Karen! May sakit ka ba?

PANGALAWANG KAPITBAHAY: Hindi, Lola, walang sakit si Karen. Nahihiya siya. Hindi niya inisip ang magandang musika ni ang sermon nitong umaga. Hindi ba totoo iyon, Karen?

KAREN: (nahihiya) O-oo--

LOLA: Ano ito?

PANGATLONG KAPITBAHAY: Sabihin mo sa iyong Lola kung ano ang iniisip mo sa simbahan, Karen.

KAREN: Iniisip ko ang tungkol sa--tungkol sa--aking mga bagong sapatos.

LOLA: Ang gandang bagay na pag-isipan sa simbahan--isang pares ng mga simpleng itim na sapatos!

Mga Dulang PambataHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin