Chapter 34

48.2K 668 286
                                    

Hello sa inyo!!! Ito na po ang iniintay na UD niyo hahaha yung iba nagagalit na dahil hindi pa ako nakakapag update :) sorry naman po busy ako sa hiking eh :) at magiging busy pa po ako sa mga darating na week sana makapag hintay pa kayo sa darating na mga araw :)

         Seth's POV

Ilang araw pa ang nilagi ni Tasha sa hospital bago sya pinayagang umuwi ng bahay, dahil nilipat pa sya sa manila para mas mapadali ang kanyang paggaling. Hindi ako umalis sa tabi niya hangga't hindi pa sya gumagaling.

"Kaya ko naman na Seth, wag mo na akong alalayan."

Sabi ni Tasha habang kinukuha ang damit niyang pamalit.

"You sure?"

Tanong ko sa kanya at tumango naman sya.

"Malakas na ang katawan ko ok?"

At tumango ako sa kanya at pumasok na sya ng C.R para mag palit ng damit, excited na akong maka uwi kami ng bahay para makita na niya ang anak naming si Sophie. Tinanggal ko na ang mga gamit doon ni Abby at pinalitan ko na ng mga gamit ni Tasha. Buti hindi pa nag tatanong about kay Abby si Tasha kaya hindi ko pa nasasabi sa kanya ang totoo, pumayag na ding makipag divorce si Abby sakin kaya pwede ko ng pakasalan si Tasha kahit kailan ko gusto. Hindi na rin nakipag talo sakin si Abby about sa divorce namin dahil wala na rin naman na syang magagawa.

"Ang lalim ata ng iniisip mo, may problema ba?"

Napatingin ako kay Tasha na nasa harapan ko na pala, ang lalim na pala ng iniisip ko dahil hindi ko man lang sya napansin na lumabas ng C.R

"Kulang lang ako sa tulog."

Sabi ko sa kanya, saka ko na sa kanya sasabihin ang totoo.

"Ikaw naman kasi, sabi ko sayong matulog ka ng maayos, di mo naman na ako kailangan bantayan dito dahil kaya ko naman na ang sarili ko. Baka magkasakit ka niyan."

Sabi niya habang inaayos niya ang gamit niya.

"Ok ok, pag uwi natin matutulog ako."

Sabi ko sa kanya at ngumiti sya sakin.

"Good, baka ikaw naman ang magkasakit eh."

"Ok lang naman kung ikaw naman ang mag aalaga sakin."

Biro ko sa kanya pero hinampas niya lang ako ng mahina.

"Baliw, injured pa ako baka nakakalimutan mo."

Sabi niya ng naka ngiti.

"Lets go?"

Aya ko sa kanya at tumango sya, bayad naman na lahat at gamot na lang ang kukunin namin sa doctor para sa pain reliever niya. Nang makuha na namin ang lahat ng kailangan ay pumunta na kami sa parking lot at nag hihintay na ang sasakyan doon, tinawag ko anh driver sa loob para ilagay sa trunk ang gamit ni Tasha at pumasok na kaming dalawa at sumunod ang driver.

"Na eexcite na akong makita si Sophie."

Sabi niya sakin at ngumiti lang ako sa kanya.

"Don't worry makikita mo din sya mamaya pag naka uwi na tayo."

Sabi ko at hinawakan ko ang kamay niya, hinihintay ko syang magtanong about kay Dylan at Abby pero hindi niya ako tinatanong, siguro mas maigi na rin yun, baka ayaw niya ring pag usapan ang about doon. Biglang nag init ang ulo ko ng maalala ko kung anong ginagawa nila Dylan kay Tasha, kahit anong gawin ko hindi maalis sa isip ko ang ginawa nila kay Tasha.

"Kung ano man yang iniisip mo kalimutan mo na yun."

Napatingin ako sa kanya, alam niya siguro ang iniisip ko dahil kanina pa ako wala sa sarili ko. Kinuha niya ang kamay ko at pinisil niya iyon.

"Ang importante buhay ako ok?"

Napakunot anh kilay ko.

"Hindi mo ba alam na mamatay ako sa sakit ng mawalan ka na ng buhay? Gumuho ang mundo ko Tasha dahil kitang kita ko kung paano ka nawalan ng buhay alam mo ba yun? Hindi mo rin ako masisisi kung bakit ako nag iisip ng ganito dahil hindi ko pa din sila napapatawad sa ginawa nila sayo."

Naka tingin lang si Tasha sakin.

"Wag ka ng magalit, may dahilan naman kaya nagawa nila yun sakin eh."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Dahilan?"

Tanong ko sa kanya at tumango lang sya.

"Manong ihinto mo muna ang sasakyan at lumabas ka muna, may pag uusapan lang kami ni Tasha."

Ginawa naman ni manong iyon at lumabas na sya.

"Sabihin mo nga kung anong dahilan yun kung bakit ka nila kinidnap"

"Sa bahay na lang natin pag usapan to."

"No, ngayon na."

Sabi ko sa kanya at huminga sya ng malalim. Sinabi niya sakin ang totoo kung bakit sya kinidnap nila Dylan,hindi pala tanggap ni Dylan na ako pa din ang pinili ni Tasha kaysa sa kanya, ayaw niya palang maging kami ulit ni Tasha dahil ginawa naman daw niya ang lahat para mahalin ni Tasha pero bigo pa din sya. Nagawa niya pala yun dahil sa selos sakin.

"Nag mahal lang naman sya kaya nya nagawa yun, hindi ko rin sya masisisi dahil kasalanan ko rin naman. Pinaasa ko sya ng 3 years at heto ako sayo pa din ako bumagsak. Ganyan siguro talaga ang nagagawa ng pagmamahal. Gagawin ang lahat mapa sa kanya lang ang kaso mali ang ginawa ni Dylan, kinidnap pa ako para lang mahalin sya, kahit kasing anong gawin ko hindi ko maturuan ang puso kong mahalin sya. Sayo lang talaga tumitibok ang puso ko."

Nayakap ko si Tasha ng mahigpit.

"I know"

Hindi na ako nag tanong pa kay Tasha, siguro mas mabuting sa bahay na lang kaming mag usap para makapag usap kami ng mas maayos na kaming dalawa lang. Tinawag ko na si manong at umalis na kami.

To be continued....

Sorry kung medyo maiksi ang UD ko, wala ako masyadong maisip eh. Please vote and comment!!

#ImNobody #TeamNobody

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 03, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The NannyWhere stories live. Discover now