Chapter 25

26.3K 271 4
                                    

          Tasha's POV

Nagiging madalas na ang pagkikita namin ni Seth pero hindi niya pa din alam ang tungkol kay Sophie, hindi ko alam kung kailan ko sasabihin sa kanya ang totoo, siguro oras na para sabihin ko sa kanya na may anak sya sakin. Nandito ako ngayon sa condo niya para kausapin sya about kay Sophie, nag doorbell ako at agad namang bumukas ang pinto.

"Oh? Akala ko bukas ka pa pupunta dito, di mo ako matiis noh?"

Sabi niya habang naka ngiti, pinapasok niya ako at pina upo sa sofa.

"May gusto lang sana akong sabihin sayo kaso baka magalit ka."

Sabi ko sa kanya ng diretcho hindi na ako mag papaligoy ligoy pa.

"Ano naman yun?"

Sabi niya habang naka taas ang isang kilay niya, huminga ako ng malalim.

"May anak ka sakin Seth."

Tinignan niya lang ako.

"Anak? E hindi pa nga kita nabubuntis paano ako magkakaanak sayo?"

Sabi niya habang nakatingin sakin ng diretcho.

"3 years ago di ko alam na buntis ako noon ng umalis ako sa inyo, nalaman ko na lang yun yung umuwi ako ng probinsya at malaki na sya ngayon."

Nakita kong nagulat sya sa sinabi, hindi ko alam kung natuwa sya or hindi.

"Are you serious?"

Tumango ako sa kanya.

"Bakit ngayon mo lang sinabi sakin yan? Asan sya?"

"Hindi ka galit na nagkaanak ako sayo?"

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Are you shitting on me? Ofcourse not, noon pa lang gusto na kitang mabuntis para may reason akong hiwalayan si Abby. Asan sya ngayon? Anong gender niya?"

Natuwa ako sa narinig ko, akala ko hindi niya tatanggapin si Sophie.

"Halika, ipapakilala na kita sa kanya."

Agad syang tumayo at nag bihis na ng damit. At umalis na kami ng condo, ang dami niyang tanong habang nag mamaneho kami ni Seth, hindi na daw sya makapag hintay na makita ang anak niya, hindi ko nga sinasabi kung anong gender ng anak namin dahil gusto ko syang surpresahin.

"Itabi mo na lang dyan."

Sabi at bumaba na kami.

"Dito ka na nakatira?"

Tumango ako sa kanya at hinila ko na sya papunta sa bahay, nakaka isang katok palang ako ng bumukas na ang pinto at si mama ang nag bukas nun, nakita kong nagulat sya dahil may kasama akong ibang lalaki.

"Ma si Seth po ang Daddy ng anak ko."

Nakita kong nanlaki ang mata ni Mama sa sinabi ko at pinapasok kami sa loob.

"Sya ba ang tinutukoy mo sakin anak?"

Tumango ako sa kanya at tumingin sya kay Seth.

"Oo nga kamukha kamukha niya nga anak mo."

Sabi niya kay Seth.

"Good morning po."

Sabi ni Seth kay mama tumango lang sya.

"Wait lang at kukunin ko ang anak niyo sa taas."

At umalis na si Mama.

"Im so excited."

Sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko.  Maya maya nakita ko ng bumaba si mama at bitbit si Sophie, nakita ko ang reaction ni Seth ng makita niya si Sophie pababa ng hagdan, masaya ang mga mata niya ng makita niya ang anak niya.

"Come to mommy baby."

Sabi ko kay Sophie ng makalapit sila samin, lumapit naman sya sakin at tinignan si Seth. Pinaupo ko sya sa gitna namim at nakatingin lang si Seth sa kanya.

"Seth, si Sophie ang anak natin."

Agad niyang kinarga si Sophie at niyakap.

"My baby girl."

Sabi niya, at nakatingin ng masama si Sophie sa kanya, nangingilala sya siguro.

"Baby, ito pala ang daddy mo si Daddy Seth."

Tinignan niya ako at tumingin kay Seth.

"Daddy?"

Tumango ako kay Sophie.

"I av a daddy?"

Sabi ni Sophie sakin.

"Yes baby, i'm your daddy."

Ngumiti si Sophie sa kanya at niyakap sya ni Seth.

"You're  so beautiful baby."

Sabi ni Seth kay Sophie, tumingin sya sakin at ngumiti at ganun din ang ginawa ko. Nakita kong naka ngiti si Mama sa kanilang dalawa, natutuwa din siguro sya na nakilala na ni Sophie ang Daddy niya. Hinayaan ko lang mag bonding ang mag ama at tinulungan ko si Mama sa kusina para maghanda ng pagkain.

"Aba'y kagwapo naman pala ng Daddy ni Sophie, paano kayo nag kita niyan ulit?"

Sabi ni Mama habang nag hihiwa sya ng sibuyas.

"Mahabang kwento po ma, pero ok na po atleast nagkakilala na sila, yun lang naman ang importante eh."

Hindi naman na ako inusisa pa ni mama, kilala na niya talaga ako pag ayaw kong magkwento hindi na sya nag pupumilit pa. Lumabas ako ng kusina at nakita ko silang mag ama na nanunuod ng disney channel. Umupo ako sa tabi ni Sophie at ngumit sya, hinawakan naman ni Seth ang likod ko at hinagod hagod iyon.

"Thank you, hindi ko akalain na mag kakaroon ako ng baby girl, akala ko si Clyde lang ang anak ko."

Sabi niya, lumipat ako sa pwesto niya.

"Walang problema, minsan dalhin mo si Clyde dito para magkakilala sila ni Sophie."

"Tignan natin kung ipapahiram sakin si Clyde ni Abby."

Oo nga pala hindi na nga pala sila nag kikita masyado, niyakap ko na lang sya at ganun din ang ginawa niya.

"What if sakin na kayo tumira ni Sophie tutal kilala na niya ako eh."

Napatingin ako sa kanya.

"Seryoso? Agad agad?"

"Yes im serious, gusto ko na kayong makasamang mag ina lalong lalo ka na."

Sabi niya at kinurot ang ilong ko.

"Pag iisipan ko, hindi madali yang ganyang desisyon, kailangan pag usapan natin to ng maayos."

Sabi ko sa kanya, mahirap tong papasukin namin dahil kasal pa sya kay Abby, buti sana kung divorce na sila eh hindi pa naman.

"Ok bibigyan kita ng 5 days na mag isip ok?"

Tumango ako, ok na siguro ang 5 days para makapag isip ng maayos, niligay niya ang kamay niya sa beywang ko at sumandal kami pareho sa sofa para manuod ng pinapanuod ni Sophie.

"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya Tasha."

Sabi niya habang nakatingin sa t.v yumakap ako sa kanya at sinandal ang ulo ko sa dibdib niya.

"Masaya din ako dahil tanggap mo si Sophie."

Nilapat niya ang palad niya sa likod at hinagod hagod yun.

"Syempre naman, anak ko yan eh."

At bumaba ang kamay niya sa pwetan ko at pinisil.

"Ano ka ba, may bata oh."

Saway ko sa kanya.

"Ok."

At ngumiti sya, tinuon na niya ang mata niya sa t.v habang nagtatanong si Sophie sa kanya.

To be continued....

The NannyWhere stories live. Discover now