Chapter 32

21.5K 216 23
                                    

             Seth's POV

"Ano yung sasabihin mo sakin?"

Sabi ko kay Brandon.

"Dude hindi ka makakapaniwala sa nalaman ko, kahit ako hindi rin makapaniwala."

"Sabihin mo na nga kung sino."

Sabi ko sa kanya, huminga muna si Brandon ng malalim.

"Kasabwat si Abby sa pagkawala ni Tasha pati ang manager niya na si Dylan, pero ang bumaril kay Tasha ay si Dylan talaga.Nakita namin sila sa may kakahuyan, may bahay doon at doon pala tinago si Tasha nila Dylan at Abby."

Para akong binuhusan ng maraming hollow blocks dahil sa narinig ko. Hindi ko akalain silang dalawa ang gagawa nito kay Tasha, bakit nila ginawa yun sa kanya? Ang dami kong katanungan sa isip ko.

"Where are they?"

Tanong ko kay Brandon.

"Naka kulong na silang dalawa."

At sinabi niya kung saan nakakulong ang dalawa. Tinalikuran ko na sya at iniwan, narinig ko pang tinawag ako ni Brandon pero hindi ko sya pinakinggan, sa halip pumasok ako sa kotse ko at pinaandar yun, gusto kong suntukin si Dylan ngayon din dahil sa ginawa niya kay Tasha. Ilang minuto lang ay nandito na ako sa sinasabing prisinto ni Brandon. At sinabi ko sa pulis kung meron bang naka kulong na Dylan at Abiegale at tinuro naman niya sakin agad kung nasaan ang dalawa, malayo pa lang ako sa kanila bigla ng tumaas ang mga dugo ko kaya hindi ko napigilan na masapak si Dylan sa mukha, hindi nila ako napansin dahil naka talikod silang dalawa.

"You're a piece of sh*t."

Sabi ko habang sinusuntok si Dylan sa mukha, buti naka posas sya kaya hindi rin sya maka ganti sakin. Inawat lang ako ng mga pulis ng makita nilang duguan na si Dylan.

"I want to kill you right now!!!!"

Sigaw ko sa kanya habang pinupunasan niya ang mukha niyang may dugo.

"At ikaw?!"

Turo ko kay Abby pero umiiyak na sya.

"Tinanong kita di ba? Anong sagot mo? Hindi mo alam?! Pero yun pala meron!! At ngayon ko lang nalaman na magkakilala kayong dalawa!!"

Susugurin ko sana si Abby pero hinawakan ako ng mga pulis.

"Sir babae po yan."

Sabi ng isang pulis sakin.

"Hindi niyo ba alam na patay na si Tasha?! Hah?!! Pinatay niyo syang dalawa?!!"

Nakita kong nanlaki ang mata nilang dalawa.

"H-hindi ko sinasadyang patayin sya."

Sabi ni Dylan na gulat na gulat.

"Hindi?! Anong hindi?! Kaya pala ang daming tama ng baril niya?! Hindi mo sinasadya?! G**o ka pala eh!!"

At nakawala ako sa hawak ng mga pulis at sinuntok ko si Dylan kaya natumba sya sa kinauupuan niya, wala na akong sinasanto ngayon, wala akong pake kung mapatay ko siya, gusto kong ibuhos sa kanya ang lahat ng galit ko.

"Seth!!!!"

Narinig ko si Brandon at inawat niya ako.

"Your almost killed him."

Sabi niya sakin.

"Mas mabuti yun!!!"

Tumataas ang dibdib ko sa sobrang galit ko kay Dylan.

"Pulis na ang bahala sa kanila."

Sabi niya sakin.

"Gusto kong makulong silang dalawa ng habang buhay, kung kinakailangan kong magbayad ng malaki gagawin ko basta mabulok lang sila sa kulungan."

"Noooooo!!!!"

Sigaw ni Abby at tinignan ko sya ng masama.

"Kailangan pa ako ng anak ko Seth, please don't do this to me."

Umiiyak sa sabi ni Abby.

"Kayo? Naawa ba kayong dalawa ng kinidnap niyo si Tasha? Panigurado na nag mamakaawa sya sa patakasin sya pero hindi niyo ginawa!! Pwes! Ito ang dapat sa inyong dalawa!! At wag kang mag alala aalagaan ko si Clyde at hinding hindi mo na sya makikita pang muli at hinding hindi ko sasabihin sa kanya ang nangyaring ito sayo."

Matigas kong sabi kay Abby.

"Please Seth!! Noooooo..."

Tinalikuran ko na sila at naririnig kong nag mamakaawa si Abby pero hindi ako naawa sa kanya kahit konti. Pumunta ako sa hepe at nag file ng mga kaso, at sinabi kong gusto silang mabulok sa kulungan habang buhay, at nakasuhan nga sila ng pagkakabilango ng habang buhay kaya nag paalam na ako sa hepe at nakita ko si Brandon sa labas at naka sandal sa kotse niya.

"Ok ka na ba?"

Tanong niya sakin at umiling ako.

"Sa tingin mo magiging ok ako? Wala na ang pinakamamahal kong babae at ina ng anak namin."

Tinapik tapik lang ako sa balikat ni Brandon.

"Ganyan talaga pag nagmamahal, kailangan mong tanggapin ang wala na."

Payo ni Brandon.

"Gusto mong ihatid kita sa bahay niyo?"

Alok niya pero umiling ako.

"Pupunta muna ako sa hospital, gusto kong makita kahit saglit si Tasha kahit sa mga huling sandali lang."

Tumango sya sakin at pumasok na ako sa sasakyan ko at pinaandar ito. Di rin nag tagal nasa tapat na ako ng hospital, hindi ko alam kung papasok ba ako sa loob or hindi na eh, pero na pag pasyahan kong pumasok na lang, kahit saglit lang ay makapag paalam ako sa kanya ng maayos, nilock ko na ang pinto at bumaba na ng kotse.

To be continued....

Wassup!!! Finally!! Naka isip din ako ng maisusulat sa chapter na to :) wala kasi akong maisip kaya di ko magawang ma-update itong chapter na to :) ito na guys ang pinaka hihintay niyong update ko :) i hope you like it :) please vote and comment!!! :)

#ImNobody #TeamNobody

The NannyWhere stories live. Discover now