Chapter 27

24K 246 12
                                    

           Seth's POV

Ilang oras na akong nag hihintay kay Tasha pero hindi pa din sya dumarating, kinakabahan na nga ako eh. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko ang cellphone niya pero out of coverage sinubukan ko naman sa bahay nila. Ilang ring pa lang ay may sumagot na sa kabilang linya.

"Good evening po, Si Seth po ito, itatanong ko lang po sana kung nandyan si Tasha?"

"Ikaw pala hijo, naku hindi naman pumunta dito si Tasha ngayon, akala ko ba nandyan sya sayo?"

Kinutuban na ako ng sabihin niyang hindi umuwi si Tasha.

"Opo pero ang sabi niya uuwi sya dyan para kumuha ng damit, 2 hours na po syang hindi bumabalik simula ng umalis sya dito."

Sabi ko sa mama ni Tasha.

"Ano?!"

Yun lang ang sinabi niya at nagpaalam na ako, ayaw kung mag isip ng kung ano ano dahil baka mamaya may pinuntahan lang sya, pwede pa naman akong maghintay ng ilang oras eh. Kinakalma ko ang sarili ko dahil ayaw kong magisip ng kung ano ano. Inasikaso ko na lang ang dalawang bata at pinatulog sa kwarto, ng makatulog ang dalawa tinignan ko ang oras at 9:00 pm na ng gabi. Gusto ko ng tumawag ng pulis kaso naalala ko kailangan muna mag 24hours na nawawala sya bago sya hanapin, nanuod lang ako para malibang ako pero hindi pa din ako mapakali. Sinasabi ko sa sarili ko na dadating sya, nasa tabi ko lang ang phone ko incase na mag text or call sya. Di ko namalayan na naka tulog na pala ako.

••••••••••••••••

Nagising ako na sumakit ang leeg ko at pag dilat ko ng mata maliwanag na at naka bukas pa din ang t.v, pinatay ko ang t.v at tumayo pumunta ako ng kwarto baka nandyan na si Tasha pero pag bukas ko ng pinto wala pa din sya. Doon na ako kinabahan at tumawag ako sa bahay nila Tasha, naka ilang ring bago may sumagot sa kabilang linya.

"Hello?"

Narinig ko ang boses ng papa ni Tasha.

"Hello, good morning po pasensya sa abala pero itatanong ko lang po kung nandyan si Tasha? Si Seth po ito."

"Hah? Hindi umuwi dito si Tasha kahapon pa, ang alam namin nandyan sya sayo at si Sophie."

Shit, binaba ko na ang phone at tumawag na ng pulis, ilang minuto lang ay nandito na sila.

"Good morning sir, ilang oras na po bang nawawala ang asawa mo?

Tanong sakin ng isang pulis.

"She's not my wife, girlfriend ko ang nawawala."

Tumango tango lang sya.

"Wala ba syang kasama ng umalis sya kahapon? May dala ba syang sasakyan?"

"Wala syang kasama kahapon at oo dala niya ang kotse niya"

Nag tanong lang sya sakin kung anong oras umalis si Tasha at sinabi ko naman yun.

"Pahinge na lang kami ng litrato niya para ipahanap na namin sya ngayon."

Tumango ako at pumunta sa kwarto, buti may picture ako ni Tasha, inabot ko na sa kanya iyon at umalis na. Saktong lumabas ng kwarto si Sophie at hinanap ang mama niya.

"Good morning baby girl, mommy will be back soon."

Pag sinabi kong wala pa ang mommy niya iiyak pa naman sya, at ang hirap niyang patahanin.

"What do you want to eat?"

Sabi ko sa kanya at binuhat ko sya.

"Bread."

The NannyWhere stories live. Discover now