Chapter 29

21.1K 205 4
                                    

            Seth's POV

"Ano? Wala pa din bang balita brandon?"

"Im sorry dude, wala pa."

Nasabunutan ko ang buhok ko sa sobrang stress dahil dalawang araw ng nawawala si Tasha, walang makita ang mga pulis kung saan hahanapin si Tasha. Pinatay ko na ang cellphone at sinandal ko ang ulo ko sa upuan, dalawang araw na akong hindi nakakatulog ng maayos dahil hinihintay ko ang balita kung nahanap na nila si Tasha. Kahit pag tatrabaho ko hindi ko na nagagawa, buti nandoon si Daddy para asikasuhin ang ibang trabaho sa kompanya. Kamusta na kaya si Tasha, ok lang kaya sya? Pag nalaman ko lang talaga kung sino ang may gawa nito kay Tasha malalagot talaga sakin kung sino man sya, hindi ko na sya bubuhayin pa.

"Hijo mag pahinga ka muna."

Napatingin ako sa mama ni Tasha, nandito sya ngayon sa condo ko dahil gusto niya rin makibalita about kay Tasha.

"Ok lang po tita, mag papahinga din ako maya maya."

Tumango sya sakin.

"May pagkain sa mesa, kumain ka na lang, uuwi muna ako sa bahay, balitaan mo na lang ako pag nakita na nila si Tasha"

Ngumiti ako at tumango sa kanya at umalis na sya at nang ako na lang mag isa sinandal ko ang ulo ko sa upuan. Biglang pumasok sa isip ko si Dylan, simula kasi ng nawala si Tasha hindi na rin namin nakikita sya at hindi na rin nag paparamdam. Hindi tulad nung nandito pa si Tasha eh laging nasa bahay nila si Dylan pero ngayon wala rin sya, agad kung tinawagan ang mama ni Tasha at tanungin kung nasaan si Dylan ngayon. Di rin nag tagal sinagot ng mama ni Tasha ang tawag ko.

"Hello tita asan ka na po ba?"

Sabi ko pagka sagot na pagka sagot niya ng cellphone niya.

"Nasa taxi pa ako hijo, bakit?"

Sabi niya.

"May itatanong lang po sana ako kung pumupunta pa ba dyan si Dylan sa inyo."

"Hmm.. Wait kailan ba huling pumunta yung batang yun dito."

Sabi niya at Ilang minuto ang lumipas bago sya sumagot.

"3 days ago na, hinanap pa nga niya si Tasha dito eh, sinabi kong nasa iyo sya at umalis din sya agad, bakit?"

"Wala po, natanong ko lang salamat."

At binaba ko na ang cellphone, hindi kaya sya ang kumuha kay Tasha? Kasi kung 3 days ng hindi nag papakita si Dylan doon 3 days na ding nawawala si Tasha. Agad kong tinawagan ulit ang nanay ni Tasha.

"Hello hijo."

"Tita ano pong surname ni Dylan? At saan sya nakatira ngayon?"

Tanong ko sa kanya, si Dylan ang suspek ko sa pagkakawala ni Tasha, kasi sya lang naman ang malapit doon at nabalitaan ko na manliligaw niya si Dylan dati. Hindi kaya nasaktan sya ng malaman niyang kami na ulit ni Tasha? Masakit sa kanya yun dahil 3 years syang nanligaw kay Tasha, kaya duda ako na sya ang kumuha kay Tasha.

"Dylan Posey ang buong pangalan niya at sa pagkakaalam ko nakatira sya ngayon sa dating bahay nila dito sa maynila."

At sinabi niya pangalan ng subdivision at nagulat ako ng sinabi niya ang subdivision kung saan ako nakatira dati. Nag paalam na ako sa kanya at nag isip, hindi kaya si Dylan ang pinakilala sakin ni Tasha dati na pinakilala niyang lalaki? Hindi ko kasi masyadong tanda ang mukha niya dahil hindi naman ako interesado sa kanya. Tumayo ako at nag bihis, kailangan kong puntahan si Dylan sa kanila, kung nandoon sya hindi sya ang kumuha kay Tasha pero kung wala sya doon sya nga talaga ang suspek ko sa pagkakawala ni Tasha. Agad akong sumakay ng kotse at umalis, mabilis akong nag patakbo ng sasakyan para makarating lang doon, tinanong ko guard kung saan nakatira si Dylan Posey at tinuro naman nila sakin, hindi kalayuan ang bahay niya sa bahay ko. Naka ilang doorbell ako bago bumukas ang gate at nakita ko ang isang may edad ng katulong.

"Yes sir?"

Sabi niya ng makita ako.

"Ahmm.. Nandyan ba si Mr. Posey?"

Sabi ko sa kanya, tumango sya sakin.

"Opo wait lang po."

Ibig sabihin hindi si Dylan ang kumuha sa kay Tasha? Paalis na sana ako ng lumabas ang katulong.

"Sir tuloy daw po kayo."

Tumango ako sa kanya at sumunod.

"Maupo po kayo, pababa na po sya."

Sabi ng katulong at umalis na, nilibot ko ang paningin ko at puro pictures Dylan at ng Daddy niya may kasama din itong batang lalaki parang nasa edad 6 pataaas kapatid niya siguro yun, ilang minuto lang ay may naririnig na akong mga footstep mula sa hagdan at pagtingin ko hindi si Dylan ang nakita ko kundi Daddy niya.

"Yes Hijo? Anong kailangan mo sakin?"

Eh? Akala ko si Dylan hindi naman pala.

"Ang totoo po talaga si Dylan po ang hinahanap ko hindi po kayo, hindi ko naman alam na kayo ang tinawag ng katulong niyo."

Umupo sya sa tapat ko.

"Ganun ba? Wala dito si Dylan, minsan lang umuwi dito yun hijo, baka nasa states or nasa province sya ngayon. Bakit? Anong kailangan mo sa kanya?"

Napa kunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ganun po ba? Asan po sya ngayon?"

Kailangan kong maging cool lang sa pagtatanong para hindi ako mahalata

"Kakatawag niya lang sakin kahapon pero hindi niya sinabi kung nasaan sya, anong kailangan mo sa kanya?"

Paano ko ba sasabihin sa kanya kung anong kailangan ko talaga kay Dylan? Napatingin ako sa picture na nasa tabi niya, picture ni Dylan at ng kapatid niya ang nandoon.

"Saan po kinuha yang litrato na yan?"

Tumingin sya sa gilid niya at kinuha ang frame.

"Ito ba? Sa batangas ito kinuha, dito kami nag babakasyon tuwing summer, kapatid niya naman tong kasama niya, ang cute nila no?"

Tumango lang ako.

"Saan po yan sa batangas?"

Tinignan niya ako, baka nag hihinala na sya dahil puro tanong ako sa kanya. Sinabi naman niya kung saan banda sa batangas sila nakatira, tumango ako at umalis na, agad kong tinawagan si Brandon para pumunta ng Batangas, pumayag naman sya at mag dadala sya ng mga pulis. Baka nandoon ngayon si Dylan, hindi naman siguro maramang maniguro di ba? Paano kung tama pala ang hinala ko na si Dylan ang kumuha kay Tasha? What if kung hindi si Dylan?  Sabi ng isang isip ko, bahala na kailangan mag try ako para malaman ko kung sya nga talaga.

To be continued....

Im so so sorry guys for the slow update, im so very busy this past few days :( babawi na lang ako next time ok? :)

Follow me on twitter: @arleenrapattoni

Like my page: ilovemyself_0907

The NannyWhere stories live. Discover now