Chapter 19

27.7K 255 7
                                    

         Tasha's POV

3 years later......

"Perfect Tasha!! Nice shot!"

Sabi ng photographer ko.

"Ok thats enough."

Sabi niya at umupo na ako sa upuan, ngayon isa na akong model ng isang sikat na magazine dito sa L.A lagi akong top 1 sa buong magazine, nagpapasalamat ako kay Dylan at tinulungan niya ako. At si Dylan ang manager ko, maraming  gustong kumuha sakin pero lahat ng yun tinanggihan ko dahil mas ok na ako kay Dylan, hindi ko aakalain na magiging model ako, totoo nga ang sinabi ni Dylan dati na may potensyal ako sa pag momodel.

"Ok ka na?"

Sabi ni Dylan habang naka silip sa pinto, tumango ako sa kanya at sinuot ko na ang damit ko at sumunod na sa kanya.

"Kamusta ang shoot mo?"

Tanong niya habang ang lalakad kami.

"Ok lang, gutong gusto ng photographer ang mga pose ko."

Tumango tango sya at sumakay na kami sa sasakyan.

"Bukas pwede na tayong umuwi ng pilipinas, masyado ka ng napapagod kailangan mo ding mag pahinga."

Natuwa ako sa sinabi niya, sa wakas makaka uwi na rin ako ng pilipinas, miss na miss ko na ang pamilya ko doon. Ilang buwan din akong  nandito sa L.A, puro trabaho lang ang ginawa ko dito, mas mabuti na sigurong lunurin ko ang sarili ko sa trabaho kaysa naman lagi akong nag iisip sa kanya.

"8:30 ang flight natin kaya mag ayos ka na ng mga gamit mo at matulog ka na ng maaga ok?"

Sabi ni Dylan ng makababa na kami sa condo na tinutuluyan namin.

"See you tomorrow."

Sabi ko at nag hiwalay na kami ng landas, pumasok na ako sa condo ko at napahiga sa upuan, sa wakas makakapag bakasyon na rin ako. Kamusta na kaya sya? Simula kasi ng umalis ako sa kanila wala na akong balita sa kanya, natuloy kaya ang divorce na sinasabi niya? Pumayag kaya ang asawa niya na makipag divorce sa kanya? Hindi ko alam kung may plano pa ba akong balikan sya or huwag na, baka nagkaayos na sila ng asawa niya or baka narealize niya na mas gusto niyang buo ang pamilya niya. Tumayo na ako at Inayos ko na ang mga damit na dadalhin ko at pasalubong na rin, hindi na ako makapag hintay na makauwi sa pilipinas bukas.

••••••••••••••

Ninoy Aquino International Airport.

"Na miss ko tong klima na to sobra."

Sabi ko ng maka baba ako ng eroplano.

"Welcome back then."

Sabi ni Dylan at kinuha ang ibang bag ko, minsan nga napapaisip ako paano kung sagutin ko na sya? Ang tagal na niya kasing nanliligaw sakin pero hindi ko sya magawang sagutin, alam niya naman ang reason ko pero handa naman daw syang mag hintay. Sya ang tumulong sakin kung bakit nandito ako ngayon, tinulungan niya akong humawak ng perang nakuha ko at sya din ang nag udyok na mag model ako dahil may kakilala daw syang may ari ng isang model agency. At tama ang sinabi ni Dylan na makukuha agad ako, nung una nahihiya pa ako pero nung tumagal tagal e nasanay na ako, nag popost na ako ng daring na picture, dahil kapag mas daring ang gagawin ko mas malaki ang offer sakin, isang beses ko lang nagawa ang mag model ng shirtless at ng mailabas yun sa magazine suno sunod na ang nag ooffer sakin kaya mabilis din akong nakaipon ng pera, hindi ko magagawa ang lahat ng iyon kung hindi kay Dylan. Kaya nga  pinag iisipan ko kung sasagutin ko na ba sya or hind pa.

"Tulala ka dyan, may problema ba?"

Umiling lang ako sa kanya at ngumiti.

"Hindi pa kasi ako nakakapag pasalamat sayo eh, kung hindi dahil sayo hindi ko to mararating."

Sabi ko sa kanya, ngumiti lang sya sakin.

"Wala yun."

Sumunod na ako sa kanya at sumakay na ng taxi, habang papalapit na kami sa bahay mas lalong nadadagdagan ang excitement ko dahil makikita ko na ulit sa wakas ang mga pamilya ko. Nag para na kami at nag bayad kay manong, hindi alam ng mga magulang ko na uuwi ako ngayon, tiyak na matutuwa ang mga yun na nandito na ako. Pinag tulungan namin ni Dylan buhatin ang mga gamit namin at kumatok na kami sa pinto, nakakadalawang katok palang ako ng bumukas na ang pinto.

"Ate!!!!"

Sabay yakap ng bunso kong kapatid na si Yvon.

"Ma! Pa! Si ate nandito na!"

Sigaw ni Yvon at pumasok na kami ni Dylan sa loob.

"Jusko anak bat di ka man lang nag sabi na uuwi ka, edi sana nakapag handa kami."

Sabi ni Mama at yumakap sakin, yumakap din ako kay papa.

"Akala ko next month ka pa darating dito eh."

Sabi ni Papa.

"Asan si Sophie?"

Tanong ko sa kanila.

"Tulog anak, jusko napakakulit ng batang yun."

Sabi ni Mama.

"Nga pala Ma may mga pasalubong akong dala kunin niyo na lang. Ikaw Dylan? Gusto mo bang magpahinga sa taas?"

Sabi ko sa kanya.

"Hindi na, uuwi na rin ako, sige po tita tito aalis na po ako, Alis na ako Tasha bukas na lang ulit."

At nag kiss sya sa cheeks ko at umalis.

"Aba'y kayong dalawa ba ay mag nobyo na?"

Tanong ni mama ng makaalis si Dylan.

"Ma naman, hindi pa po no, pero baka next month sasagutin ko na sya."

"Dapat lang, gustong gusto ko yang batang yan dahil sobrang bait. Wala akong masabi sa kanya, gwapo na, mabait pa nasa kanya na ang lahat."

Sabi naman ni Papa, napapa iling nalang ako sa kanilang dalawa at nag paalam para puntahan si Sophie, pag bukas ko ng pinto nakita ko syang natutulog ng mahimbing, lumapit ako at hinalikan sya sa noo.

"Nandito na si Mommy baby."

Sabi ko at hinawakan ko ang ulo niya, hindi ko alam na buntis ako ng umalis ako sa bahay nila Seth, 2 months na akong buntis nun, nung nalaman kong na buntis ako tuwang tuwa ako kaso malungkot dahil hindi ko naman makakasama ang tatay niya. Ang laking paghihirap ko habang nag dadalang tao ako, wala akong trabaho noon at ang selan ko pang mag buntis, buti nasa tabi ko si Dylan at sya ang tumulong sakin ng 9 months, kahit ng mangganak ako kay Sophie nandun din sya at di niya ako pinabayaan. Yung mga oras na yun gustong gusto kong sabihin kay Seth na nanganak na ako ang kaso pinigilan ko ang sarili ko, mas makakabuti na lang sigurong wag kong sabihin ang totoo sa kanya para wala ng gulo. Nagalit nga ang magulang ko nung una dahil nabuntis daw ako ng walang ama, hindi ko sinabi ang totoong kwento sa kanila dahil ayaw kong malaman nila ang totoo, pero natanggap din nila ako kinalaunan dahil nangyari na ang nangyari kaya pinatawad na nila ako. Masaya na ako kahit si Sophie ang souvenir namin, ok na ako basta nasa akin lang sya. Saka ko na siguro ipapakilala si Sophie sa Daddy niya pag malaki na sya, ayaw ko din namang hindi sya ipakilala kay Seth dahil kahit papano anak niya parin si Sophie. Hinalikan ko si Sophie sa noo at pinag masdan sya, hindi maipagkakailang anak sya ni Seth dahil sa hugis palang ng mukha kay Seth na pati ang mata, nakuha ko lang ay ang labi at ilong the rest kay Seth na. Humiga ako sa tabi ni Sophie at niyakap sya, medyo pagod din ako sa biyahe kaya kailangan ko munang mag paghinga kahit saglit. Pinikit ko na ang mata ko at binalot na ako ng antok.

To be continued....

Sasagutin kaya ni Tasha si Dylan or hindi? ;)
Enjoy reading!!! Please vote and comment :)

The NannyWhere stories live. Discover now