CHAPTER 41 (pt.2)

Mulai dari awal
                                    

Walang pag-aalinlangang lumapit siya sa kanyang anak at niyakap ito,hindi niya alam ang gagawin sa mga oras na yun.Bigla niyang napansin ang isang pares ng itim na sapatos sa harapan niya,ng iniangat niya ang kanyang ulo para tingnan ito ay ----

*BANG*

Narinig ni Fernando ang dalawang malalakas na putok at dahil sa isa siyang pulis ay agad niyang nalamang baril iyon.Bigla siyang nakaramdam ng kaba,tinungo niya ang lugar kung san narinig niya ang mga putok.

Agad nanghina ang kanyang mga tuhod ng makita ang kalagayan ng kanyang mag-ina na naka handusay sa sahig at wala ng buhay.

Agad natawag ng atensyon niya ang isang naka-itim na lalaki sa harap ng pintuan.

"Alejandro?Anong ginawa mo sa mag-ina ko?!" bulyaw niya sa kapatid

"Pinatay ko sila,papatayin ko kayo" isang malademonyong ngiti ang kumurba sa kanyang labi

May tatlong lalaki na pumasok sa gate ng kanilang buhay at kasamahan ito ni Alejandro

Biglang naglabas ng isang baril si Alejandro at itinutok sa kanyang kuya

"Magkita tayo sa empyerno" - Alejandro

Bago niya pa ito mapaputok ay agad na napigilan ni Francis ito.

Hindi makagalaw si Fernando sa kaniyang kinatatayuan dahil hindi niya lubos maisip na nagyayari ito sa kanyang pamilya.

"Wag niyo na akong tulongan,sunugin niyo na ang bahay na 'to at patayin lahat Argh!walang ititira" bulyaw ni Alejandro sa kanyang mga tauhan habang nakikipag-agawan si Francis ng baril sa kanya

"Dad!!sina Yzel at Kirsten nasa kwarto nila!!"

"Dadddd!!iligtas mo sina Yzel!!"

Ng marinig niya ang sigaw ng anak ay agad na bumalik siya sa kanyang katinuan at tumakbo papunta sa kwarto nina Yzel at Kirsten

Nilingon niya pa si Francis dahil nag-aalala siya sa maaaring mangyari sa anak.

"Sige na Dad!!!"

Nahagip naman ng paningin niya ang dalawang lalaki na papunta sa kinaroroonan niya,at isa naman ay abala sa pagtatapon ng gas sa paligid ng bahay.

Nasa hagdan palang ay sumisigaw na si Fernando nagbabasakaling marinig ng dalawang anak

"Ate,ang ingay sa labas?" - Kirsten

"Ssh!wag ka na lang maingay baka mahuli tayo ni kuya"

"Yzel Samantha!!"

Narinig ni Yzel ang tawag ng ama kaya lumabas muna siya sa cabinet at tumayo sa bukas na pintuan ng kanilang kwarto.Nakita niya ang ama na hingal na hingal na papalapit sa kanya

"Samantha!kunin mo ang kapatid mo,magtago kayo sa loob,kung maari'y tumakbo na kayo!" sigaw nito

"Ano pong nangyayari?"

"Hindi ito ang oras para ika'y magtanong,umalis ka na't iligtas si -----"

Biglang naabutan ng isang tauhan ni Alejandro si Fernando at agad na sinipa ito.

Pero hindi ito sumuko at sinuntok ang lalaki

Ng masuntok niya ito ay agad itong nagpagulong-gulong sa hagdanan

*BANG*

"Grabe ang lakas din ng anak mo ah?HAHAHA!" sigaw ni Alejandro,wala siyang balak na lingunin ito dahil alam na niya ang nagyari sa panganay niyang anak.

Nanlalabo man ang mata ay agad niyang kinarga si Yzel at ipinasok sa kwarto,ini-lock niya agad ang pinto "Nasan ang kapatid mo?Nasan si Kirsten?"

"Nandiyan po sa cabinet,bakit po?"

Agad na tumayo si Fernando at binuksan ang cabinet "Hi dad!" - Kirsten

Kinarga niya ito at itinabi kay Yzel.Naririnig na niya ang mga malalaks na katok sa pintuan kaya kinakabanahan na siya para sa mga anak.Nahagip ng mga mata niya ang isang bukas na bintana,isa lang agad ang naisip niya.Kinarga niya ang dalawa at pinatayo sa bintana,sinilip niya ang baba ng bintana na nanginginig pa sa kanyang plano

"Mahal kayo ni Daddy"

"Papa?"

Malapit ng masira ang lock ng pinto.

Binigyan niya ng tig-iisang halik sa noo si Yzel at Kirsten

"Tumakas na kayo!!"

Agad niya itong itinulak,mula sa ikalawang palapag pababa.

"AHHHHHHHHHH!!"

Kasabay nun ang pagkasira ng pintuan at iniluwa nito ang nakangiting si Alejandro,nag-uumpisa ng magliyab ang paligid kaya maiinit narin sa loob

"Demonyo ka!"

"Ang ganda nga eh,para naring empyerno 'tong bahay mo.KUYA!"

*BANG*

"One shot,one kill"

Hindi siya nakunteto at nilaslas niya ang leeg nito

Agad siyang lumabas ng bahay at sumakay sa kanyang kotse paalis ng parang walang nangyari

Ang magkapatid naman ay nagpagulong-gulong sa kanilang bakuran,agad nahimatay si Kirsten,si Yzel naman ay mulat parin ang mga mata,nasaksihan niya ang ginawa ng lalaki sa Daddy niya,kinuyom niya ang kanyang mga palad at tahimik na umiyak.

Nakita niya ang kapatid na duguan ang ulo,pero dahil sa nabigla ang katawan niya sa pagkakahulog ay di siya makagalaw.

Ramdam niya ang init sa paligid dahil sa nilamon na ng apoy ang kanilang bahay.

Makalipas ang halos kinse minutos ay sunod-sunod na nagsidatingan ang mga pulis,ambulansya,mga media at bumbero

"Tulong" dahil sa ingay batid niyang walang nakakarinig sa kanya

"Tulong.."

"Tulong.."

"Tulong.."

"TULONG!"

Paulit-ulit siyang humingi ng tulong pero kinalaunan ay nawalan din ito ng malay



To be continued...

DEATH SCHOOL (Under Construction)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang