6. Banana in Bed (X)

16.2K 431 64
                                    



Strings and Chains

Chapter 6

NOTE: CHAPTERS WITH (X)ON THE TITLE OF THE CHAPTER ARE ALAM NIYO NA. BEWARE.


Nagising ako at kadiliman agad ang sumalubong sa akin. I clapped to turn the lights on. Naupo ako mula sa pagkakahiga at humawak sa ulo ko. I remember na sobrang sakit ng ulo ko kanina. I also remember that someone took care of me. A boy, no, it's a man. Pero sinong lalaki ang mag-aalaga sa 'kin kung ang nag-iisang lalaki sa pamilyang 'to ay ang tatay ko. My gad. Napahilamos ako sa mukha ko. Mas lalong sumasakit ang ulo ko sa kakaisip kung sino ang lalaking 'yon. Hindi naman puwedeng guni-guni ko lang 'yon. Una, iba na suot kong damit. Panglawa, wala na sakit ng ulo ko. It means effective ang gamot na pinainom niya sa'kin through kiss! Sht!

Napatalon ako sa kinauupuan ko nang biglang magring ang phone ko. Agad kong kinuha ang phone ko at tinignan ang caller. Nang makita kong tumatawag si Ura ay madali kong sinagot ang tawag nito.

"Hello?" Medyo inaantok pa ako at humikab pa. Tumingin ako sa orasan. Alas dyis na ng gabi.

"Maru! Kanina pa ko tumatawag sa 'yo! Hindi ka sumasagot! F-ck!"

Nagsalubong ang kilay ko nang marinig kong nagmura si Ura. "Alam mo namang wasted ako kaninang umaga. Kagigising ko lang. Ano ako si wonder woman na sobrang lakas?" pagsa-sarkastisko ko sa kanya.

"Maru-Sht! Sht! You won't believe this! Oh my gad!" Mas lalo ako'ng nagtaka sa tono ng pananalita ni Ura. It was not excitement, but rather it was fear.

"What? What happened? What's going on?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Ana! Ana Liverton... she... she... Oh my gad, Maru..." Mangiyak-ngiyak na sagot sa akin ni Ura. She can't even finish the whole f-cking sentence because she's trembling with fear.

"What about Ana? What happened to her?" tanong ko ulit.

"She died last night, Maru. She was found dead at a motel near our school."

I froze when I heard the word died. Sa sobrang pagkagulat ko ay natulala na lamang ako sa kawalan. My hands are trembling. I can't f-cking believe this. Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Was it my fault? Bakit hindi ako kumilos agad? Bakit... I had the whole chance to save her but...

"Maru, hey, hey." Nagising ako sa boses ni Ginger na ngayon ay ang kausap ko na sa phone.

"No one's at fault, okay? You did what you have to do. You checked her last night, right?" Napalunok ako at huminga ng malalim.

"But-" Magsasalita pa sana ako nang magsalita ulit si Ginger. "No. It's not your fault," isang determinadong sagot sa akin ni Ginger.

"Relax for a while. Bukas pupunta tayo kila Joseph, sa burol ni Ana."

"Okay. Don't worry. Magpahinga na rin kayo," sagot ko kay Ginger.

"Don't forget to take some meds for your hangover. Good night, Maru."

Bumagsak na lamang ang katawan ko sa kama na para bang kinuhanan ako ng malaking pursyento ng enerhiya sa katawan. Nanghina ako sa nalaman kong balita. This is too sad for the Liverton. Hindi pa nga nalilibing si Marian, sumunod naman agad si Ana. What I don't get is why is that the target seems only pretty girls? It is odd kasi sunod-sunod pa. Hindi lang 'yon, dalawang nangunguna pa sa listahan ng pinaka magagandang babae sa school. Top 1 at Top 2. Ako lang ba 'to? Pero bakit malakas ang kutob ko na parang target ang mga nasa listahan?

Strings and Chains (The Frey, #1)On viuen les histories. Descobreix ara