13. Fruit Salad (XXX)

14.6K 312 56
                                    



May X sa itaas. Alam niyo na 'yan.

Strings and Chains

Chapter 13

Hatak-hatak ko si Rai palabas ng school. Hinatak ko siya patungo sa gilid, sa parking lot, kung saan hindi kami makikitang dalawa. Tumingin ako sa paligid. Wala naman masyadong tao dito. Ayos na para makapagusap kami tungkol sa mga incubus na 'yan.

"Pumatay?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kaniya.

"Why do you think killing someone is an easy way out?" tanong ko sa kaniya.

"If your enemy died, then there will be no problem anymore," sagot niya sa 'kin.

Wow, logic nga naman ng asong 'to.

"At alam mo rin bang kapag pumatay ka ng isang tao, mas lalo lang lalala ang sitwasyon pagkatapos ng ginawa mo?" tanong ko sa kaniya. Doon siya natahimik. Mukhang may experience na.

"Naka-ilan ka na?" tanong ko.

Kumunot-noo niya. "How many girls did I have sex with? Wrecked? Or killed?"

Bakit ba masyadong straightforward 'tong si Rai? Walang preno. Naiinis na ako ah.

"Alam kong nakadami ka na sa babae. Pati rin ba sa pagpatay?" tanong ko sa kaniya.

Hindi siya umimik sa tanong ko. Sa halip ay tumingin lamang siya diretso sa mga mata ko.

"Does it bother you?"

"Yes!" sagot ko agad. Sinuklay ko ang buhok ko at lumayo sa kaniya. It's hard to accept that he had already killed not once but many times! At hindi ko matanggap na kaya niyang kumuha ng buhay ng isang tao na ganoon na lamang kadali. Naiinis ako. Naiinis ako kung bakit nangyayari 'to. Bakit naiisip niya na ang pagpatay kila Jax ang natatanging paraan para maayos ang problema na 'to.

Killing is a sin. I don't care if he's a vampire. Ipinanganak siyang ganyan but it doesn't mean that he should live like that for the rest of his life.

"Is this your choice?" tanong ko sa kaniya.

"Did you choose to be like this, Rai?"

"Why do you care?" tanong niya kaya't mas lalong nag-init ang ulo ko. Hina-highblood ako ng asong 'to!

"Why do I care?" I mimicked him. Nakaka-offend. Dapat na bang gumuhit na ako ng linya sa pagitan naming dalawa? Ito na ba 'yon? 'Yong kuwe-kuwestiyunin ko kung ano bang mayroon sa aming dalawa?

"You barged into my life, Rai! Hindi mo ako tatanungin ng ganyang bagay dahil 'pag ako kinuwestiyon itong-itong mayroon tayo. Sinasabi ko sa 'yo, I'll end this real quick."

Inis na inis akong tumingin sa kaniya pero 'yang pagmumukha niya poker face pa rin. Ang sarap sapakin!

"Tutal nandito na rin naman tayo. Ano nga ba tayo? Ikaw? Ako? Ano 'to? Anong ginagawa natin? Naglalaro? Sex buddies? Sex partners? Pet with benefits? P*t*ng*na, ano?" tanong ko sa kaniya.

Hindi muli siya nagsalita. Tila nagulat din sa tanong ko. Sa halip na sumagot sa tanong ko ay laking gulat ko nang hawakan niya ako sa kamay at hinatak patungo sa kotse niya.

"Ano 'to? Ano 'to?" tanong ko sa kaniya saka niya ako sapilitan na pinasok sa loob. Umupo ako at umirap sa kaniya. Ang sama ng tingin ko habang naglalakad siya patungo sa kabila. Nang makaupo siya sa driver's seat ay agad akong napahawak sa seatbelt nang bigla niyang pinaharurot ng pagkabilis-bilis ang sasakayan.

Strings and Chains (The Frey, #1)Where stories live. Discover now