STRINGS AND CHAINS
CHAPTER 17
"Hey, Maru! Maru!"
Nagising ako sa katotohanan nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Ura. Nandito kami sa tambayan namin. Nag-uusap kami pero nakatulala lang ako sa kawalan. Masyadong maraming nangyari kagabi to the point na hindi ko alam kung ano ang unang pro-problemahin ko. Ang malaman ang sikreto ng pamilya mo ay isang kagimbal-gimbal na pangyayari sa buhay mo. I am no longer safe. Kahit saan ako magpunta ay paniguradong may mga nilalang o taong magtatangkang patayin ako.
"Bakit?" Matamlay kong sagot sa kanila.
"Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Ginger. Tumango ako.
"Okay lang. Pangit lang gising ko. Ano ulit 'yong pinag-uusapan natin?" tanong ko.
"Nabalitaan mo ba 'yong nangyari kay Joseph?" tanong sa akin ni Ura. Kumunot-noo ako. Masyado na akong outdated sa pangyayari rito sa school.
"Anong nangyari sa kaniya?" tanong ko.
"Naaksidente siya," sagot ni Ginger.
"Kailan?"
"Kagabi." Si Ura naman ang sumagot.
"Bakit daw?" tanong ko.
"Well, ang tsismis, may humahabol daw kay Joseph kagabi," sagot ni Ura.
Humahabol?
So far, ang Liverton pa lang ang inaatake nila.
Liverton...
Ana, Marian, and now si Joseph naman? Bakit? Anong mayroon sa mga Liverton at sila ang target nila Jax? Kailangan kong makausap si Joseph. He's in danger. I need to know why they are the targets at kung bakit ginagawa 'to nila Jax.
Ngumiti ako sa dalawa. "Saang ospital dinala si Joseph?"
***
Pagkatapos ng klase ay agad akong dumiretso sa ospital kung saan na-admit si Joseph. Naglalakad ako sa hallway at hinanap 'yong kuwarto niya. Walang katao-tao sa hallway na mas lalong nakapagpakaba sa akin. Nang makita ko ang kuwarto kung saan nags-stay si Joseph ay nagtaka ako.
Bakit bukas ang pinto?
Dahan-dahan akong lumapit at sumilip sa loob. Mas lalo akong nagulat nang makitang wala si Joseph sa loob. Agad akong pumasok at chineck 'yong bathroom pero wala siya. Nakita ko 'yong bintana na bukas. Sumilip ako doon at tiningnan ang paligid. Mas lalo akong nagtaka dahil nasa third floor kami.
Kung mayroong umatake kay Joseph, paniguradong si Joseph ang dumaan dito sa bintana.
At ang tanong, kung tatalon ka mula rito at kung isa kang normal na tao, paano ka magsu-survive lalo na't ang taas nito?
Liverton...
Something is not right.
Sila pa lang ang mga target ngayon. Bakit sila? Anong mayroon sa mga Liverton at sila ang inaatake ng mga incubi?
Nagulat ako nang biglang sumara 'yong pinto kaya agad akong tumingin doon. Nawala ang kaba sa dibdib ko nang makita si Rai.
"They're still here," wika ni Rai kaya agad akong kumunot-noo.
"Who?"
"Incubi," sagot niya saka niya ni lock ang pinto.
"Delikado rito. Gusto mo na bang umuwi?" tanong niya.
YOU ARE READING
Strings and Chains (The Frey, #1)
VampireAfter her scandalous break up with her ex-boyfriend, Maru experienced paranormal activities in her room. Someone was crawling to her bed, sleeping next to her, and touching her. She couldn't discern how the bloody guy could always crawl up to her a...
