7. Highway to Hell

13.3K 425 47
                                    



Strings and Chains

Chapter 7

I can sense that there are lots of meanings behind that smile. He wants something from me. I know it. Uminom siya sa kapeng inorder niya na kahit ako hindi alam kung paano niya nakuha dahil wala ng mga tao dito sa loob ng coffee shop. Kumain siya ng sa sliced cake na dala-dala niya kanina. Nakita kong tumango-tango pa siya habang kinakain 'yong cake.

"It's delicious. You should try it too."

"No, thanks," sagot ko agad.

Muli siyang nainom sa kape niya saka siya umupo ng komportable sa upuan niya. Tumingin siya ulit sa akin at ngumiti.

"Medyo may pagkamasungit ka pala, Ms. Maru? Kaya nahihirapan din 'yong ex mo na lumapit sa 'yo," wika pa nito kaya mas lalo ako'ng naging alerto sa kanya. Paano niya nalaman 'yan? Is he stalking me?

"How did you know that?" tanong ko sa kanya. I didn't see him in school. I only saw him once and it was with Ana. Sa parking lot pa. If he was so busy luring out Marian and Ana, may oras pa rin siya na magstalk sa akin? Wow, multi-tasking.

"Connections?" sagot niya sa akin saka siya natawa ng bahagya.

"What do you want?" diretso kong tanong sa kanya. 'Wag na tayo magpaligoy-ligoy pa dito. Alamin na kung saan din tutungo 'tong walang kuwentang usapan namin.

"Ako? Wala. Napag-utusan lang ako," sagot niya kaya napakunot-noo ako.

"Ang utos sa 'kin. Patayin ka. 'Yon lang naman," dugtong pa niya.

Hindi ako makapaniwala sa sinagot niya sa akin. Patayin... lang... naman ako? Lang? Nila lang niya lang ang pagpatay?

"And does it benefit you?" tanong ko. Patigasan muna tayo. Survival instincts. 'Wag magpanic. 'Wag matakot. Breath in, breath out. Kailangan magsurvive. I will survive!

He shrugged. "Well... yeah, maybe."

"How?" tanong ko ulit.

Ngumiti siya sa akin. "You're smart, Ms. Maru. Pero hanggang dito na lang ang friendly talk natin. Let's go," aya niya saka siya tumayo.

Tumingin siya sa akin. Naghihintay na tumayo ako. Nag-aalangan ako na tumayo pero baka dito na ako matuluyan. Baka makasigaw ako sa labas or makatakas. Bahala na. Tumayo ako at sumunod sa kanya. Nagulat ako nang makitang wala na ang mga bodyguard ko sa labas. Katulad ng ginawa niya no'ng kinuha niya si Ana, tumingin-tingin muna siya sa paligid. Chine-check kung may makakakita ba sa kanya. Nakita ko ang pulang kotse na nakaparada sa harap ng shop. Binuksan niya ang pinto sa likod. Tahimik ako'ng pumasok doon.

Nang naglakad siya patungo sa driver's seat, chineck ko agad kulang ilang percent pa ng battery ang meron ako. Iniisip ko kung sino ang tatawagan ko. Sila Ginger ba? Si Ura? Kapag tinawagan ko sila at hinayaan lang ang call baka isipin no'n prank lang 'yong ginagawa ko. Oras ko lang naman patungo sa yakap ni kamatayan ang mawawala kung i-t-try ko.

Kaya bago siya makapasok at makaupo sa loob ng kotse ay agad kong tinawagan si Ura. Sinagot naman niya agad. Wala ako'ng idea sa sinasabi niya. Ang tanging dinadasal ko ngayon ay makaramdam 'tong babaeng 'to.

Pero agad na nawala ang pag-asa ko na maligtas nang makita kong binaba ni Ura ang tawag ko. Walang hiyang babae 'to! Dapat tini-train 'to e!

"Puwede bang magpatugtog ka?" request ko sa kanya kaya napatingin siya sa salamin para tignan ako.

"Sure." Nagpatugtog siya ng kanta at napamura na lang ako sa tugtog.

Highway to Hell.

Strings and Chains (The Frey, #1)Where stories live. Discover now