Dali-dali akong pumili ng pagkain na sa tingin ko ay makakabusog. Hinintay ko muna si Markhel na nagbayad at tsaka kami pumunta sa table ni Jazzella.

I cleared my throat to catch her attention. Nang makita kaming nakangiti sa kanya ay umirap siya at dumaing. Ang sungit niya talaga.

I puckered but still sat in front of her, tumabi si Markhel sa akin. "Nasaan si Mayka?" tanong ko sa kanya para masimulan ang usapan. Nagkibit siya ng balikat habang sumubo ng pagkain niya.

"Ewan ko." Sagot niya.

Siniko ako ng katabi ko kaya tumingin ako sa kanya. "Sino si Mayka?" tanong niya. Hindi niya kilala ang kapatid ko?

"Si Kate," I said, turning to him. "Yung palagi niyang kasama, yung kapatid—"

"Mayka ang pangalan niya?" tanong niya na may kunot sa noo. I suppressed a laugh, amused because he doesn't even know my sister's name.

"Hala bes, ilang taon na kayong magkakilala, hindi mo man lang alam ang pangalan niya?" singit ni Jazzella habang nakatingin rink ay Markhel. "Alamin mo kasi ang pangalan ng binubully mo."

Ngumiwi siya sa sermon ni Jazzella. "Sorry naman, ang alam ko lang ay Fuertes siya."

Apat na taon nang schoolmates si Markhel at si Mayka pero madalas na tinatawag ang kapatid ko na 'Kate' dahil yun ang nakasanayan ng mga tao. Alam ng lahat na kapatid ko siya, kahit nung panahon na binubully pa siya. Hindi kami masyadong close noon kasi mailap siya sa akin. Ngayon lang kami nagkakamabutihan ngayong nagkaroon na siya ng lakas ng loob.

Nagkibit balikat si Jazz at tinignan kaming dalawa ng maigi.

"Galing ba kayo sa practice?" tanong niya kaya natigil ako sa pagkain. Ito na nga ba yung sinasabi ko eh. Sinipa ko si Markhel sa ilalim ng mesa, kasalanan niya to.

I blushed. "Oo, paano mo nasabi?"

She studied us meticulously and shrugged. "Malamang kasi naka-jersey kayo." Balewala niyang sagot.

"Obvious naman pala, eh bakit ka nagtanong?" pambabara ni Markhel. Jazzella's brow rose at his sarcastic statement. Sinipa ko ulit siya sa ilalim.

"Sorry ha, close tayo?" masungit niyang sabi at nagsimulang magligpit ng kalat. Tumayo siya tsaka niya kami iniwan ng walang paalam.

"T-Teka," tawag ko sa kanya pero nakalayo na siya kaya wala na akong naggawa kundi ang humugot ng malalim na hininga.

Masama kong tinignan si Markhel at siniko siya ng malakas. "Bwisit ka." Sabi ko. Tumawa lang siya kaya mas lalo akong nainis. Gago talaga. "Sumayaw ka sa stage, ngayon din."

Natigil siya sa pagtawa at tinignan ako na parang isa akong takas sa mental. "Ano?"

"As a punishment."

"W-What? Ano ka, hilo? Ayoko nga." Patanggi niya sa utos ko at nag-iwas ng tingin. I clicked my tongue and widened my eyes to dread him.

"Oh, you dare defy me?" I uttered, my voice low and dark. Baka nakalimutan niyang my orders are absolute. Kasalanan niya kaya umalis si Jazz.

Aangal pa sana siya pero nang makita ang masama kong tingin ay wala siyang naggawa kundi ang tumayo at pumunta sa stage.

--

Kelly's Point Of View

Naglalakad ako papunta sa prefect of discipline ng mag-isa. Ipapasa ko ang sanctions ko, ilang beses na kasi akong na-late at ngayon pa ako nagdesisyong gawin ang jugs ko. Ang sakit ng kamay ko sa kakasulat, mabuti na lang at wala kaming morning period ngayon.

The Top Teen ModelsWhere stories live. Discover now