"D-dad."

Tawag nito sa ama. Kagat-kagat ni Jham ang pang-ibabang labi.

"So, what happened. It's working or I must kick you now out of my house?" Anang ginoo na nakatingin kay X na napakamot ng batok. Papalit-palit naman ng tingin sa dalawa si Jham dahil hindi niya maintindihan ang usapan ni X at ang kanyang ama.

"I made it tito." Sagot dito ni X na nakangiti.

"Good. But we have a deal. And don't forget that. Dahil kapag lumubo talaga ang tiyan ng anak ko ng wala sa oras ay magpaalam kana dyan kay manoy at titirahin ko yan." Anang ginoo na kitawa ni X.

"Hindi mo pweding tirahin ito tito, kapag ginawa mo iyon ay paano tayo magpaparami ng lahi." Hirit nito sa ginoo. Kaya napasimagot ang ginoo. Dahil naisahan siya ni X.

"Hon, come on. Hayaan muna ang mga bata. Malalaki na sila. Alam na nila ang tama at mali." Boses ng ina ni Jham na kinalaglag ng panga niya. Naguguluhan talaga siya sa mga ito. Ang weird kasi nila at parang siya lang ang walang alam sa usapan ng mga ito.

Agad ngang umalis ang mommy at daddy ni Jham at naiwan sila ni X. Kaya agad nitong isinara ang pinto bago niya hinarap ang binata.

Mabilis namang itinaas ni X ang dalawa niyang kamay ng pamaywangan siya ni Jham.

"So, meron ba akong hindi nalalaman dito?" Nakapamaywang niyang tanong kay X na napakamot ng batok.

"Misis, ang totoo niyan ay nakausap ko na sina tito at tita bago ko pa man akyatin ang pader sa labas at itong bintana ng kwarto mo." Sagot nitong kinagitla ng mukha ni Jham.

"What? You mean---

--yeah! Alam nila tito na liligawan kita. Kinausap ko sila at sinabing mahal kita. Pumayag naman ang parents mo na ligawan kita. Yun nga lang e kailangan kong mag-ingat dahil bawal daw kitang," tila hindi ito makaapuhap ng sasabihin kung pano niya ipapaliwanag sa dalaga ang ibig niyang sabihin. "Uhm! Ano, you know. Baka mabuntis daw kita. Your a girl and I'm a boy kaya posibleng mangyari iyon." Anitong kinapula ng mukha ni Jham.

"S-sinabi ba talaga nila Daddy ang bagay na yan?" Paniniguro nito. Tumango naman si X bilang sagot. Agad na hinila ni X si Jham kaya pareho silang bumagsak sa kama.

"I love you, syzýgouz." Anitong kinakunot ng noo ni Jham dahil hindi niya alam ang huling katagang sinabi ni X sa kanya. "It means, misis in greek." Paliwanag nito sabay halik nito ng tungki ng ilong ni Jham.

"I love you too, mister." Nakangiti na nitong aniya kay X. Ilang segundo lang ang dumaan ng tawirin ni X ang pagitan ng mga labi nila. Masuyong siniil ng binata ang mapupulang labi ni Jham na kailan man ay hindi pagsasawaang halikan ni X.

Buong puso rin namang tinugon ni Jham ang nakakawala sa hwesyong halik ni X. At bago pa man lumalim ang palitan nila ng halik ay agad din itong pinutol ni X.

"Baka makalimot ako at hindi ko kayang kuntrolin ang sarili ko," anito agad kay Jham. "Kailangan kong kuntrolin ang sarili ko. Dahil ayaw kong biguin si tito. Mahal kita kaya handa kung gawin ang lahat ng imposible." Saad nito kay Jham. Masaya naman si Jham na marinig ang mga katagang naririnig niya ngayon kay X.

"Okay. Let's sleep then." Aya ni Jham sa binata. "Yeah! We should sleep now." Pagsang-ayon naman dito ni X. Kaya agad silang umayos ng pagkakahiga at nagpasyang matulog.

KINABUKASAN ay sa bahay na rin nila Jham nagbreakfast si X. Dahil hindi na ito hinayaan pa ng dalaga na dumaan na naman sa bintana ng kwarto niya at akyatin ang pader palabas ng bahay nila.

Kaya ng umuwi si X sa bahay nila ay mataas na ang sikat ng araw. At dahil wala silang pasok sa university ay kumpleto ang pamilya nila X sa bahay lalo pa at weekend. At maging ang daddy nila ay wala itong pasok sa opisina. Kaya naman ng marating niya ang bahay ay agad nitong nabungaran sa kanilang malaking sala ang magulang at mga kapatid. Kakamot-kamot naman siya ng batok na lumapit sa mga ito.

"Anak, saan ka galing at ngayon lang umuwi?" Tanong agad sa kanya ng inang si Kate.

"Mom, kung saan titigil ang pag-inog ng mundo niya siya galing." Sabat ng kapatid ni X na si Alexandra. Kunot noo naman ang ginang na binalingan ang anak dahil hindi niya makuha ang ibig ipakahulugan ni Alexandra sa tinuran.

"Doon po ako natulog sa bahay nila tito JM." Sagot nito. Maging ang ama ni X ay napaangat ang mukha sa narinig.

"You like her?" Tipid na tanong ng kanyang ama na kinatango niya. "Hindi ko lang po gusto Dad. Kundi mahal ko rin po siya. And she love me too." Proud nitong aniya sa ama na napangiti.

"Anak, alam mong parang anak ko na rin si Jham. Kaya siguraduhin mo lang na hindi mo siya paiiyakin. Kundi ako mismo ang hahambalos sayo." Saad ng kanyang ina. Natatawa namang nagkibit balikat si Xander sa tinuran ng asawa sa kanilang binata.

Dahil sa tinuran ni Kate kay X ay agad itong nilapitan ng binata sabay halik niya dito sa noo. "Hindi ko maipapangako ang bagay na yan Mom. Baka kasi biglang umiyak si Jham. Pero sisikapin ko pong iiyak lang siya dahil sa kaligayahan." Anito sa kanyang ina na agad siyang tinapik sa balikat.

Matapos makausap ni X ang kanyang pamilya ay agad din siyang umakyat sa kwarto niya upang makaligo. At pagpasok pa lang niya sa kanyang silid ay nakatanggap agad siya ng text message mula sa mga kaibigan niya.

Natatawa na lang siyang binasa ang mga iyon. At wala rin namang matinong sinabi ang mga kaibigan niya kundi puro kabaliwan lang naman. Matapus niyang basahin ang message ng mga kaibigan niya ay saka siya nagmessage kay Jham.

"Misis, I'm home."

Message from Alexander.

"Good. Ayaw kung sumasabit ka pa kung kani-kanino. No kapitbahay, no mabingka from kalapating mababa ang lipad." Message ni Jham. Dahil sa nabasa ni X ay agad niyang tinawagan ang dalaga.

"Hmmp. Bakit napatawag ka mister?" Bungad dito ni Jham.

"Misis, I swear God. Hindi ako tumikim ng GRO. Takot akong mahawaan ng sakit galing sa iba. You know what I mean." Anitong kinangiti ni Jham sa kabilang linya. Alam naman yun ni Jham. Kaya umiiwas sa mga babaeng kung kani-kanino na lang bumubuka si X ay dahil takot siyang mahawaan ng sakit daw mula sa mga ito.

"Mmm! Pasalamat ka mister at kilala kita. Kundi baka kahit itaga mo sa pwet ng kawaling maitim e hindi kita paniniwalaan." Saad dito ni Jham na kinatawa ni X. Dahil nasali pati ang pwet ang kawali. "Ano palang ginagawa mo ngayon?" Maya ay pag-iiba ni Jham ng usapan nila.

"Nothing. Nakaupo habang kausap ko ang misis ko. And I miss her. Gustong-gusto ko siya ngayon yakapin at halikan ng paulit-ulit." Anito. Hindi naman maiwasan ni Jham na hindi kiligin.

"Ang lalaking ito talaga, kahit simpleng sasabihin lang niya e kinikilig na ako," ani Jham sa isip. "Baliw ka talaga, maligo kana nga lang dyan."  Sita ni Jham kay X na kunwari ay walang epikto sa kanya ang tinuran ng binata.

"Okay Misis, susunduin kita dyan mamaya ha." Anito. "Saan tayo pupunta, mister?" Tanong naman sa kanya ni Jham.

"Kung saan mo gusto pumunta ay sasamahan kita." Sagot nito sa dalaga. "Hmmp. Sige, gusto kong pumunta sa mall." Ani Jham na nagpangiti kay X.

"Perfect. Sige, sunduin kita dyan before lunch misis." Anito. "Copy that mister. Sige, maligo kana at maliligo din po ako." Anitong nakapaskel ang ngiti sa mukha niya.

Matapos makipag-usap ni X kay Jham ay dali-dali siyang pumasok sa banyo para maligo. Excited na siyang makadate ang girlfriend. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Para siyang dinuduyan sa saya. Masarap pala sa pakiramdam na ang babaeng mahal mo ay mahal ka rin niya.

TBC.

➡Maniwala kayo dyan kay Alexander na walang natikman na ibang putahe. Gigisahin natin ng mabisto kung nagsasabi ba siya ng totoo.....hahaha!!!!! Thank you and God Bless.

You Belong With Me(Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang