Chapter 7

17.9K 611 20
                                    

LUMIPAS ang buwan na maayos ang relasyon nila X at Jham hanggang magtapos sila ng college. Kaya sinimulan na rin ni X magtrabaho sa kumpanyang pag-aari ng pamilya nila. Si Jham ay ganun din nagsimula na rin itong magtrabaho sa kumpanyang hawak naman ng kanyang ama.

"Misis, susunduin kita mamaya." Ani X kay Jham ng marating nila ang kumpanya kung saan nagtratrabaho ang nobya. Nakangiti naman itong binalingan ni Jham.

"Okay! Mag-ingat ka sa pagdrive, see you later." Habilin dito ni Jham. Agad naman tinawid ni X ang pagitan ng mga labi nila at agad din naman itong tinugon ni Jham. "Sige, bye." Nakangiting ani Jham at hindi na niya hinintay pang ipagbukas siya ni X ng pinto nang sasakyan.

Ng makababa ng sasakyan si Jham ay nakangiti pa itong binusinahan ni X bago niya pinausad ang sasakyan patungo sa kumpanyang hawak niya.

"Good morning sir." Bati ng secretary ni X sa kanya pagdating nito ng opisina. Ni ngiti ay hindi ito tinugon ng binata. Tuloy-tuloy lang ito hanggang marating niya ang mismong opisina niya.

"Sir, gusto po niyo ng kape?" Malambing na anang secretary ni X.

"NO," matigas nitong sagot. "It's time for work not for drinking coffee." Anitong kinayuko ng secretary niya.

"Sorry po sir." Hinging paumanhin dito ng secretary niya at mabilis na tumalikod kay X.

Ganun si X sa opisina. Maging sa labas kung halata niya sa isang babae na may habol ito sa kanya ay wala siyang pakialam kung tawagin siyang snob or bastos. Basta ayaw lang niyang bigyan ng chance ang mga babaeng mag-assume na may gusto siya sa mga ito. Ganun siya kaloyal sa girlfriend niya. Mahal niya si Jham at walang nino man na pweding pumantay sa pagmamahal niya dito.

Para kay X ay nasa tao rin naman yan kung magpapatalo ka sa tukso. Kung kaya mo itong iwasan at pigilan ay gawin mo. Ika nga walang tukso kung walang magpapatukso.

Lumipas ang oras at alanganing lumapit ang secretary ni X sa kanya. "S-sir." Mahina at tila kinakabahang tawag nito kay X.

"YES?"

Ni umangat ng mukha ay hindi ginawa ni X. Abala lang siya sa mga papeles na nasa harapan niya.

"Gusto ko lang po ipaalala sa inyong meron po kayong meeting with Mr. Fabella, Sir." Malumanay nitong aniya kay X.

"Okay! What time?" Seryoso nitong tanong.

"11:00 am po, sir." Sagot naman ng secretary niya sabay lapag nito ng papers sa mesa ni X. "Nandyan po ang kailangan niyo sa meeting niyo kay Mr. Fabella, sir. At ang address po ng meeting place niyo." Paliwanag ng secretary niya.

"Okay! Thank you." Agad din naman umalis ang secretary niya sa takot na magalit na naman ang boss niya.

Ng makita ni X ang meeting place nila ni Mr. Fabella ay agad niyang tinawagan si Jham. "Hey! Missis, are you busy?" Bungad nito agad sa nobya.

"Not really, bakit?" Malambing ditong tanong ni Jham.

"Mmmm! Ano kasi misis. Um! Pwede mo ba ako samahan, meron akong business meeting with someone?" Malumanay nitong aniya kay Jham.

"Hmmmp! Sure, sabihin mo na lang kung anong address ng meeting place niyo at doon na lang tayo magkita." Ani Jham.

"Sige misis, isesend ko na lang sayo ang address." Saad naman dito ni X. Kaya matapus nilang mag-usap ay agad ipinadala ni X ang address kung saan ang meeting place nila ni Mr. Fabella kay Jham through message.

SAMANTALA dahil sa tinuran ni X kay Jham ay dali-dali siyang nag-ayos ng gamit niya at sarili ng matanggap niya ang message ng nobyo. Nagpaalam agad siya sa kanyang ama bago siya lumabas ng kumpanya nila. Pagkalabas niya ng pag-aari nilang kumpanya ay agad siyang sumakay ng taxi. At habang nasa loob siya ng taxi ay biglang nagring ang tawagan niya.

You Belong With Me(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon