Ayan nalang ang nasa utak ko. Paulit ulit.

Gustung gusto ko to sa totoo lang.. Sobra! Ang sarap sa feeling na ung bias wrecker mo, may gusto pala sayo MATAGAL NA? Pero ano meaning ng matagal na yun? Kelan pa?

Pero hindi ko maiiwasan na isipin ang mga nakakalungkot na bagay.

Paano si ate? Ayokong sumama ang loob nya sa akin. Parang magkapatid na rin ang turingan naming dalawa eh, wait! MAGKAPATID NAMAN TALAGA KAMI!

Isa pa, paano pag nalaman ng ibang ARMYs ang tungkol dito, mabilis pa naman kumalat ang balita pagdating sa ganito. Kahit pinaka-iniingatan ko tong sitwasyon na to, hindi malabong hindi kumalat ang issue na to. Natatakot akong mabash ng ibang ARMYs lalo na sa mga Jimin biased.

At isa pa, si V si Kim Taehyung. 😭
Alam ko hindi pa nya ako kilala hindi nya pa ako nakikita isa palang akong invisible na nilalang sa kanya, pero kapag may mga oras na naguusap kami ni Jimin ng ganito, lagi kong naiisip si V na paano na sya? Ayoko syang ipagpalit! Baka magselos sya? Ganto ganyan.

Alam nyo ung feeling ng ganun? Yung nagtataksil ka sa bias mo? Sa Ultimate Bias mo? Sobra ang care mo sa kanya pero sya, hindi ka manlang nya kilala.

Yung feeling na, andaming nega na dumadating sa utak ko! Nakakainis ung naiisip ko na paano kung biglang dumating kay V ung tungkol samin ni Jimin? Pero naisip ko lang, wala nga pala syang pakialam.. Yung ako lang ang nagiisip na baka magalit sya sakin, baka magselos sya kahit na never mangyayari yun.!

Eh feeling ko kasi nagtataksil ako sa kanya kapag may mga gantong nangyayari sa akin eh kaya nga NBSB (no boyfriend since birth) ako kasi feeling ko NBSB (Nakatadhana kay Bias Since Birth) ako.

Pero eto na. Malapit na kay V to, bias wrecker ko na mismo! Pero bakit ayoko parin?

Dahil..dahil.. Natatakot nga kasi ako na baka malaman ng mga ARMYs ang tungkol dito at baka magalit na sakin ng sobra si Ate.

Natatakot ako na mangyari yun.

Kahit gustung gusto ko itong mga nangyayari sakin ngayon, kahit napakaswerte ko, hindi parin maalis sa isip ko ung mga negative na bagay.

Pero kung si V naman ang kausap ko ngayon, sure ako pareho lang ang mangyayari eh. Kapag nalaman ng mga ARMYs, gyera na yan.

So ano gagawin ko?? Paano ko na patatakbuhin tong buhay ko?

Ang hirap!

Pero bakit ba parang ang advance ko magisip? Diko pa nga alam kung manliligaw sya eh, ni hindi pa nga kami ni Jimin tapos makapagisip naman ako masyadong advance.

"Alam mo, mahirap."

"Na paniwalaan?"

"Hindi.. Ay oo! Isa na rin yan. Pero ang mas mahirap ang sitwasyon ko, yung Ate ko, bias ka nya. Ikaw ang ultimate bias nya. Kasama ko sya dito sa bahay pero nung narinig nya ung sinabi mo, nakita ko ung pagkalungkot sa mukha nya bigla syang pumunta sa kwarto nya.. Ayokong nasasaktan ang ate ko. Isa pa, paano pag nakarating sa ARMYs to,? At lalo na si.. Si--"

"Si V?"

"O-oo."

"Ano bang meron si V na wala ako?"

Hindi na ako makaimik sa tanong nya. Seriously, nakaka speechless na. Parang gusto ko na magpalamon sa sofa na kinauupuan ko ngayon. Sa totoo lang, lahat sila pantay pantay walang labis, walang kulang para sa akin pero, si V talaga nakapagpapakilig sa akin simula umpisa palang.

"W-wala pero..."

"Pero sya talaga ang napupusuan mo?"

Dahil sa wala na akong maisagot, nagbigay nalang ako sa kanya ng OO look.

Maiintindihan nya na yun sure ako.

Nakita ko naman agad ang reaksyon nya na nalungkot agad. Please namaaan!

Parang awa diko rin kaya na makitang nalulungkot ang bias wrecker ko!!😭

"Hindi ba talaga magbabago ang pagtingin mo sakin? Talaga bang pangalawa nalang ako sa bias list mo? Hindi ba pwede manguna?"

Wala na talaga akong maisagot sa kanya .. Speechless na speechless na ako.. Gusto ko na magpalamon sa sofa..!😭😭

Please lang Jimin, wag mo ko tanungin ng ganyan. Please lang.

"Ano bang dapat kong gawin para manguna ako sa bias list mo?" Ang hiraap.. Sobra wala akong maisagot.. Kahit isang letra walang pumapasok sa utak ko para masagot ko sya.

"J-jimin.. S-sorry. K-kasi-"

"Ok lang, Rae maghihintay ako.."

Nakita ko ang expression ng mukha nya halatang sobrang lungkot nya please lang jimin wag mo ipakita sa akin ang ganyang mukha mo nasasaktan ako..

Nakita ko ang paghinga nya ng malalim at kasabay na iyon ng pananalita nya ulit.

"Uhmm, sige Rae, may gagawin pa ako.. Bukas nalang ulit.. Bye." Ayun na ang huling nasabi nya at napangiti sya pero halatang pilit lang yun. At pinatay nya na ang tawag.

Napa buga nalang ako ng hinga dahil sa nararamdaman ko ngayon.

Naipatukod ko nalang ang isang siko ko sa bandang hita ko at napahawak nalang ako sa noo ko.

Ayoko ng nakikitang nasasaktan maski isa sa mga idol ko. Ayoko ng nakikita silang malungkot.

Ayoko rin namang ireject si Jimin pero kailangan ko iyon gawin.. Dahil naka asa parin ako kay V.. Haaay Kim Taehyung ano ba kasing meron sayoo?? Kahit bias wrecker na yun, hindi ko parin sya masagot no?

Ang kapal din naman kasi ng mukha ko para ireject ko sya kasi fan lang naman ako tapos ang lakas ng loob ko na ireject sya? Yung ibang fan nga naghahangad na sana mapakasalan nila maski isa sa mga idol nila, kahit hindi nika bias ok na. Tapos ako eto? Bias wrecker na mismo tapos choosy pa ko?!

Ang tanga tanga ko rin kasi kapag ni-reject ko sya, si Jimin na yun! Marami ring umiidolo dun. Tapos ako irereject ko lang sya? Napakaganda ko naman para ireject ang isang Park Jimin?

Napag isip isip ko rin na baka kapag ni-reject ko sya, baka bigla nalang akong magsisi.

So ano ba talaga gagawin ko?! Irereject ko ba sya? Or tatanggapin ko na?

Kung irereject ko sya, i'm sure magsisisi ako at masasaktan ako at pati sya. Pero kung tatanggapin ko sya, masasaktan parin naman ako..

Haaaayy God help me please!😭😞😥😪😔😖💔💔

Lucky ARMY (continuation)Where stories live. Discover now