CHAPTER 37

5.4K 114 42
                                    

They both groaned pagkalabas nila ng banyo.

"Ugh. Ang baho." They both said. Hinang hina silang naupo sa kanilang swivel chair.

"Sayang yung mangga bes! Mangga yon!" Mangiyak ngiyak na reklamo sa kanya ni Sanya.

"Mangga na may bagoong yon bes!" She said. She sniffed. Humagalpak ng tawa sa kanila si Jaime.

"Oh my gash. Oh my gash." Saad ni Jaime na para pang naiiyak. Animo'y nagpunas pa ito ng luha sa tabi ng mata.

Ngali-ngali itong batukan ni Sanya.

"Maligo ka nga uli Nathan Achielleus Villacencio Lagdameo! Bakit ganyan ang amoy mo?" Irit ni Sanya na nakatakip pa ang kamay sa ilong.

"What? Maliligo ako? Why?"

"Ambaho ng pabango mo. Magpalit ka. Pati shower gel. Yung akin na lang ang gamitin mo!"

Aki pouted. "Fine. Yun na ang gagamitin ko mamaya."

"Mabuti naman."

"A-Aray, Muffin! M-Masakit na." Narinig nilang reklamo ni Thunder. Kanina pa pala kasing pinipisil ni Hero ang pisngi nito.

"Sorry na. Ang cute mo kasi." Lumabi pa si Hero kay Thunder. Kita nilang natigilan si Thunder dahil unusual na ginagawa ito ni Hero.

Madalas kasing eye roll, poker face at pagtaas ng kilay ang expressions ni Hero. Minsan pa, hindi nito alam kung paanong magre-react sa mga sweet gestures ni Thunder.

Kumunot ang noo ni Thunder habang si Hero naman, nagbabadya na ring umiyak. Kagat nito ang pang ibabang labi at humihikbi na rin.

"Patay." Sambit ni Nikolai.

Tumayo si Hero at saka padabog na tumayo. Nakasimangot na ito at namumula na ang ilong. Padabog nitong binuksan ang glass door saka walang lingon likod itong umalis.

Napanganga na lang si Thunder habang himas himas ang kaliwang pisngi. "Okay, what did I do?"

"I think you've upset her." Nakapangalumbabang sagot ni Nikolai.

"What? Why?" Takang tanong nito.

Nikolai just shrug his shoulders. "Beats me."

"Wait, at vaaaaakit ka may balbas at bigote, Sir Thundy-baby?" Tanong ni Jaime.

"H wanted it. I don't know what's with her these past few weeks. Lately, she's been eating a lot of strawberries. Strawberry shake, strawberry cupcake, cookies with strawberry. And even mangga with bagoong."

"Same with Sanz. Our kitchen smells like bagoong sometimes. With a hint of mango." Dagdag ni Aki. Lumabas kasi si Sanya pagka-walk out ni Hero. Malamang, sinundan nito iyon.

Napabuntong hininga ang dalawa. "Grabe." They both said.

"Kung ako sa inyong dos, ibinibili niyo nang mangga na may bagoong yung dalawa. Bago pa magtantrums yung dalawa. Sige, kayo rin." Jaime suggested.

"Saan ba meron?" Aki asked.

"Hmm, sa palengke. Marami don. Tas mura pa."

"Tara?" Yaya ni Aki kay Thunder.

"Let's go. Bro, can you follow Hero? She's in the cafeteria. Same with Sanz."

"Alright." Tumayo ito saka lumabas ng office.

Bumukas uli ang pinto at niluwa si Nikolai, "Oh, by the way. Bente lang ang kilo ng mangga." Saka sumara uli ang pinto.

"How did he knows?" Tanong ni Aki.

Hello, Neighbor! (COMPLETED)Where stories live. Discover now