CHAPTER 2

4.7K 97 4
                                    

BV. Alam niyo yon? Bad Vibes! Asar! Kung kailan hindi siya masusundo ng kambal na pinsan niya, saka naman wala siyang masakyan. Badtrip yung prof niya, late na sila pinalabas. Psh.

Konti na lang talaga, gagawin na siyang Midnight Snack ng mga lamok. Busog na sila sa dinner. Lahat kasi ng dumadaan na jeep, puno. Alangan sumabit siya, di ba?

May isang black na Range Rover ang tumigil sa tapat niya. Gan'to na ba ang uso sa kidnappan ngayon? Naka-Range Rover na? E mas mahal pa ata 'to sa minsan na hinihinging ransom.

Bumaba ang tinted na window ng sasakyan.

"Hop in."

Oh? Sino 'to? Kumunot ang noo niya. Sino ba 'to?

"Hero, it's Thunder."

Ah, yung kapitbahay nila. "Hop in, Hero. It's getting late."

"Uh, okay."

*

She's humming JB's Sorry nang sabayan siya ni Thunder. Yun kasi ang tumutugtog sa stereo nito.

Is it too late now to say sorry? Cause I'm missing more than just your body. Is it too late now to say sorry. Yea, I kno-o-ow that I let you down. Is it too late to say I'm sorry now?..

Ang ganda pala ng boses ng kumag na 'to! Wth.

"Have you eaten?"

"Ah, ha?"

"I'm asking if you already ate?" Tanong nito sa kanya. Medyo spaced out kasi siya.

"Uh, hindi pa. Last na kain ko nung umagahan. Ay, hindi pala. Lunch. Kaya lang tinapay lang yon."

"What?"

"Ulitin ko pa?"

"Nevermind. Want to eat?"

"Saan?"

"We'll just see."

Nagningning ang mata niya nang makita niya ang Mcdo. "Kulog, pwedeng dun na lang?" Turo niya sa Mcdo.

"Uh, yea. Sure." Humanap lang itong ng parking at sabay na silang bumaba ng sasakyan nito.

"Go find a seat for us, I'll just order. What do you want?"

"Uhh, isang chicken ala king, tapos medium fries tapos isang medium na pineapple yung drink."

"Yun lang?"

"Extra rice na rin." Napakamot na lang siya sa may kilay niya.

"Alright." And he smiled at me. Eh? Bakit?

*
She's busy eating when her phone rings.

"Hello, Uncle? Nasa Mcdo po. Dinner na siguro 'to. Kasama ko po si Thunder. Sige po. Bye."

"What did he say?"

"Uh, ha? Uhm, buti naman daw at kasama kita. Hindi na ako magko-commute."

"What? Why?"

"E kasi, mago-OT si Kuya Cirius at Kuya Cymer. Si Uncle at Auntie naman, di ko sure kung anong oras makakauwi."

Hello, Neighbor! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon