CHAPTER 9

3.9K 83 8
                                    

"Nay, where are we going?" Tanong ni Thunder.

"Sa beach." Sagot lang ng nanay nitong si Sky.

"Where?"

"Laiya, San Juan, Batangas." Sagot uli ng nanay nito.

Hindi na masyadong naiintindihan ni Hero dahil inaantok na siya. Nakakandong na ngayon si Sean at nakaunan sa dibdib niya. Tulog na tulog na rin ito. Isinandal niya ang ulo sa may bintana ng sasakyan nina Thunder. Nang mapansin yon ni Thunder ay kinabig niya ang ulo ni Hero sa may balikat niya. Hindi siya nakuntento dahil mukang nahihirapan si Hero. He wrapped his arms in Hero's shoulder. Sumiksik si Hero sa may leeg niya.

Napansin naman iyon ng nanay ni Thunder na si Sky. Inilabas nito ang phone niya at saka kumuha ng selfie na kasama si Earth.

"Ang gwapo talaga o." She said. She heard her husband chuckled.

"Well, you're beautiful." Kinuha nang malayang kamay nito ang isa niyang kamay tsaka hinalikan ang likod ng palad niya.

Ilan taon na sila, at ilan taon na rin silang kasal, pero hindi pa rin mapigilan ni Sky ang kiligin dahil sa asawa niya.

"Psst, hubby. Tingnan mo yung tatlo sa likod. Tingnan mo sa rearview mirror mo." Untag niya kay Earth. Sumulyap naman ito doon at napangiti.

Payapang natutulog ang anak nilang si Thunder. Si Sean naman, kanina pang tulog sa kandungan ni Hero. Samantalang, si Hero naman ay nakasiksik ang muka sa leeg ni Thunder.

Pasimpleng kinuhanan ni Sky sila. Si Earth, naka-sideview na seryosong nagda-drive. Habang yung tatlo, tulog sa likod. She posted it on her account.

"@skyavillacencio: Off to beach with loves. <3 #TulogPaMoreMgaAnak"

She tagged her son Thunder, her husband Earth and her soon-to-be daughter-in-law, Hero. Maya maya lang ay tumunog ang phone niya.

"@summersamaniego: Ingat kayo! At ano yong nasa likod? Happy family lang ang peg ha?"

"@danaalvarez: Yizz naman! Pa-beach beach na lang ha? Ingat kayo. Ayie, love is in the air! <3"

"@gabbydelamerced: Lezz go to the beach, each. Ingat kayo! Love love talaga. <3"

"@finnauytiengco: Love love na ba? Ingat kayo!"

"Hihihi. Bagay sila." Nasabi na lang niya.

"Who?"

"Thunder and Hero."

"Really, wife? You're pushing them?" Natatawang sagot ni Earth.

"Aba, oo naman! Hubby, hindi pa kaya nagkaka-girlfriend yung anak mong yon."

"Well, you have a point." Earth chuckled.

"See? Suplado kaya niyan. Ganun ba talaga pag gwapo, suplado?"

"I think so? Pogi problems."

Natawa na si Sky. "Wow, Hubby ha. Pumo-pogi problems ka na ngayon ha."

Napatawa na lang din si Earth. "Ganyun talaga."

"Oo na." She pauses and laughs. "I love you."

"I love you, too." Earth smiled. Pucha ang gwapo talaga ng asawa niya. Grabe na dizz!

*

"We're here." Untag sa kanya ni Earth. Nasa beach resort sila ngayon ng pinsan niyang si Yvo. Na asawa ng kapatid ng ate ni Lance na si Loju.

"Is Yvo here?" Tanong ng asawa niyang si Earth sa kanya.

"Wala ata. Si Chase ata ang andito."

Sinalubong silang mag-asawa ni Chase. Ang panganay nina Yvo at Loju. Naiwan pa kasi sa sasakyan si Thunder at Hero dahil tulog pa si Hero. Hawak naman niya ang bunso nilang si Sean.

Hello, Neighbor! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon