CHAPTER 5

4K 93 2
                                    

"Ate Bayani!"

Papasok na dapat siya sa bahay. Napalingon siya sa tumawag sa kanya. It was Sean, ang bunsong kapatid ni Thunder. Kilala na niya ito, dahil nabunggo siya nito noon. Muntik pa nga itong matumba, buti na lang nahawakan niya agad.

"Hi, Sean! Good morning."

"Morning, Ate Bayani." Nakangisi nitong bati sa kanya. Napansin niyang may kasama itong dalawang bata.

"Sino sila?" Tanong niya.

"He's Zeno. Kuya Ethan's brother, and this is Seb, Ate Parris' brother." Pakilala nito sa dalawang kasama.

"Hi, ako nga pala si Hero."

"Hero? As in Bayani?" Tanong ni Zeno. Ang cute naman pala ng kapatid ni Ethan e. Masabi nga kay Georgina.

"Yup. Heroine, actually." She smiled.

"You're pretty, I like you." Sabi ni Seb.

"Hey! I like her too." Singit ni Zeno.

"Me too." Sabat ni Sean.

"So, you three like me?" Natatawang tanong niya sa tatlo.

Tumango naman ang tatlong bata.

"Well, I like you three also." She smiled. Their eyes were like twinkling.

"Ate Bayani, can we go there?" Tanong ni Sean.

"Magpaalam ka muna kay nanay mo, Sean. Pati na rin si Zeno at Seb."

"Alright, I'll be back." Pagpapaalam ni Sean. Naiwan ang dalawang bata sa kanya.

"Oh, kayong dalawa?"

"Mom and Dad's not at home, Ate Parris' is still at school." Sagot ni Seb.

"How about you, Zeno?"

"Mama's at the resto. Papa's at the company. Kuya Ethan's sleeping pa."

Bata pa lang, mga inglisero na. Grabe.

"Oh, so that's why you're both at Sean's."

"Yes, ate."

"Wala kayong pasok?"

"Wala po. Wala po si Teacher e." Sagot ni Zeno sa kanya.

"Ate Bayani! Nanay agreed! Uy, tara na!" Yaya ni Sean sa dalawa.

Pinagbuksan niya ng gate ang tatlo, sinalubong naman ito ni Stark.

"Be good, Stark." Bilin niya dito. Tumahol ito at kumawag ang buntot.

"Ate, where's Auntie and Uncle? Where's Kuya Twins?" Tanong ni Sean sa kanya.

"Auntie and Uncle aren't here. Pumasok kasi sila sa office, same with Kuya Twins."

Tumango naman si Sean at nagfocua uli sa panunuod ng tv. Magkakalapit ang tatlo sa mahabang sofa nila, nakabantay naman si Stark sa tatlo.

*

"Ate Bayani, uhm.. I'm.. I'm hungry na po." Untag sa kanya ni Seb, mukang nahihiya pa ito.

"Anong gusto mong kainin?"

Tila naman ito nagiisip kung anong gusto nito. "Ate! Can you bake?" Biglang tanong sa kanya ni Zeno.

"Yes, I can. Why? Gusto niyo ba magbake?"

Nagkatinginan ang tatlo at pare-parehas na tumango.

"Alright, anong gusto niyo?"

"Oreo muffins!" Sabay sabay na sagot ng tatlo.

Hello, Neighbor! (COMPLETED)Where stories live. Discover now