★ Summerstorm

9.2K 207 15
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


SUMMERSTORM

Thunder crackled through the air, echoing like a primal roar as if emanating from the palms of Markeus's hands. A brilliant flash of light accompanied each clap of thunder. He remained stoic, his expression unreadable as he gazed upon the spectacle he had wrought. With a subtle gesture of his hand, the thunder subsided.

Natanga silang lahat nang mapansing unti-unting naglalaho ang sugat na natamo ng hari sa nakalipas na tunggalian. Ni hindi magawang makakilos ng grupo ni Lilith dahil sa natunghayan. Ramdam na ramdam din nila ang mas mataas na uri ng enerhiyang nagmumula sa paligid nito.

"Dahil uhaw siya sa kapangyarihan, hindi imposibleng gamitin niya ang bagay na 'yan. Hindi ako nagkakamali sa teyorya ko." Aniya habang pinagmamasdan ang nangyayari.

Aside from the black aura surrounding the king, she noticed a mingling yellow light behind him. She took a step sideward and strained to discern the source of that light, Her irritation grew as she finally made out what was happening clearly. 

"Nabalewa lang ang pakikipagtunggali ko dahil sa kanya." Anis niyang sambit.   

Sa likod ng hari mula sa ikalawang palapag ng sirang balkonahe, natanaw nila si Shanaia. Nababalot ang kamay nito ng dilaw na liwanag at patungo iyon sa direksyon ng hari. Ito ang naging dahilan para maghilom ang mga sugat nito. Kulang na lamang ay bumaon ang kuko niya sa sandatang hawak-hawak dahil sa inis. Kung kailan nalalamangan na niya ito, nawalan lang ng saysay ang lahat.

"Sadyang naiwanan ba ni Shania ang kokote niya sa laban na 'to? Ano ba sa akala niya, ililigtas siya ng hari dahil sa ginawa niya?" bulalas naman ni Katrina. "Nakakasukang isipin na pinsan ko pa siya dahil sa pinaggagawa niya!"

"Kung saan siya makakuha ng pakinabang ay doon siya papanig. Hindi na nakakapagtaka kung pipiliin niyang pumanig sa mas makapangyarihan." komento naman ni Xavier sa gilid. "Sumusunod siya sa tingin niya'y mas nakakataas. Panggagamot lang ang kanya niyang gawin at hindi siya marunong sa pakikipagtunggali kung kaya't aasa siya sa mas may kayang gumalaw para sa kanya."

"Sadyang makasarili lang 'yang babaeng 'yan!" Asik ni Kat. "Wala siyang pakielam kung ang taong inaalalayan niya ang dahilan kung bakit namatay ang pamilya niya. Walang kwentang anak, walang kwentang kadugo!"

"Hindi niyo madidiktahan kung ano ang gustong gawin ng isang tao. Pero, kaya niyong gumawa ng paraan para mahimasmasan sila sa desisyon nila sa buhay." Nagtungo siya sa harapan ng mga ito habang diresto ang tingin sa hari.

Natigilan siya sa paglalakad nang hawakan siya ni Xavier sa kamay. Pumihit siya ng tingin at nakita ang nag-aalala nitong mukha. "Hindi mo kakayanin ng mag-isa 'to. Hindi natin alam kung anong klaseng salamangka ang kaya niyang gawin ngayon."

"Hindi ko talaga kakayanin 'to kung gagawing komplikado ng babaeng 'yon ang lahat." Saka siya tumango at nilingon at direksyon ni Shanaia. "Hanggat paulit-ulit niyang ginagamot si Markeus, hinding-hindi ko mapapatumba 'yan."

Karma ButterflyWhere stories live. Discover now