★ Friends or Foe

10.1K 170 14
                                    


Knights of Cornelia: Julio Smith

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Knights of Cornelia: Julio Smith

Don't become too nice in this world where everyone around you is wearing masks to fool you. Demons are sometimes real. Usually, they live inside us. But most of the time, they are around us. For example, the demon is fucking ruling the damn palace.

Bumuntong hininga si Lilith habang inuukitan ang bangkay ng maharlikang kanyang pinatay. Gamit ang talim ng kanyang espada, gumuhit siya ng pakpak ng paru-paro ang likuran nito. Kadalasan, maliit na marka lang ang iniiwan niya sa katawan ng mga ito. Ngunit sa tindi ng inis niya sa oras na iyon, gumugol siya ng oras para rito.

"Something's strange..." saka niya itinigil ang pag-ukit dito. "Parang hindi pa ako napapagod ngayong gabi. Parang hindi ako nauubusan ng lakas ngayon." Bahagya niyang pinagmasdan ang kanyang palad at ginalaw-galaw ang sariling kamay.

Pagkatapos niyang patayin ang pamilya ng Seige, mas lalong nagkaroon ng komusyon sa bayan. Hindi rin maiwasang mayanig ng palasyo lalong-lalo na't ang pamilya ng Seige ang namamahala sa mga bagong sandata't armas na ipinapadala roon.

Sa kabilang banda, hindi niya maiwasang magalak lalo na't umaayon sa plano niya ang lahat. Ang makuha ang atensyon ng hari't at mapabagsak ang makasariling pamamahala nito.

Nakarinig siya ng kaluskos sa dilim. Inayos niya ang balabal na nagtatakip sa kanyang mukha at nagsimulang pakiramdaman ang paligid. Dali-dali siyang tumakbo sa likuran ng malaking puno't simulang iginala ang kanyang paningin.

Umihip ang malamig na simoy na hangin kasabay ng pagsayaw ng mga dahon sa gitna ng dilim. Muli siyang nakarinig ng kaluslos, Pilit niyang inaaninag ang madilim na kakahuyan. Nagsimulang magliwanag ang paligid nang mahawi ang makakapal na ulap at lumitaw ang malaking buwan.

Ramdam niya ang malakas na enerhiya sa hindi kalayuan at mabilis na ihinarang ang espada sa kanyang mukha. Isang metal ang tumama sa kanyang sandata. Mabilis niyang iniwasan ang mga sumunod na pag-atake mula sa dilim at nagsimulang umalis sa kanyang pinagtataguan.

"Masyado ka namang duwag para umatake mula sa dilim." Panunudyo niya bago pa man dumaloy ang apoy sa kanyang palad. Kaagad niya itong ibinato sa imahe na gumalaw sa pagitan ng mga halaman.

Naaninag niya ang pag-iwas nito ngunit muling nagbato ng panibagong atake. Mabilis siyang napabalikwas nang makita ang matatalim na bagay patungo sa kanyang kinatatayuan. Halos mapamura siya sa kanyang isipan nang madaplisan siya sa hita ng isa sa mga iyon.

Nakaramdam siya ng lamig sa kanyang mga paa. Kumunot ang noo niya't pilit na ginagalaw ang sarili mula sa kinatatayuan. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang namumuong yelo na mabilis gumagapang sa kanyang binti.

"Fuck, isang maharlika na naman?"

Pinadaloy niya ang apoy sa kanyang espada at ihinampas sa namumuong yelo sa kinatatayuan. Natulak ng malakas na pwersa ang kanyang katawan. Bahagyang tumalsik ang kanyang dugo nang muling masugatan.

Karma ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon