Chapter Five

8.1K 193 8
                                    

CHAPTER FIVE

Minsan hindi mo na kailangan ng tanong para sumagot dahil sapat na ang nararamdaman

Iginala ko ang mga mata ko sa kabuuan ng lugar kung saan ako dinala ni Ace. It's actually a vacant lot where all you can see are grasses and trees. The cold thin refreshing air embraced my whole body, sending shivers down my spine.

"Ano bang ginagawa natin dito?" tanong ko sa kanya habang pinapanuod siyang ilatag ang kumot sa damuhan na nasa ilalim ng puno ng mangga.

"Chilling," simpleng sagot niya at agad na humiga sa kumot na inilatag niya sa damuhan. Ngumiti siya sa akin at tinapik ang pwesto sa tabi niya.

"Sa inyo 'to?" tanong ko at umupo sa tabi niya.

"Sa ating dalawa," nagulat ako sa sinabi niya, agad na kumunot ang noo ko at matamang tumitig sa gwapo niyang mukha, "I bought this months ago thinking that it's a perfect place to build a family with," nakangiting dagdag niya, "Ilang buwan na lang matatapos na tayo sa pagaaral kaya binili ko ito gamit ang ipon ko. Ipinangalan ko sa ating dalawa." Nakangiting saad pa niya.

"Ace, hindi mo naman dapat na gawin pa ito." Tugon ko, marahan naman siyang tumango.

"Alam ko, pero gusto ko," sagot niya at umupo, "Will you be my girlfriend?" tanong niya, I was taken aback at his sudden question.

Matagal na ring nanliligaw sa akin si Ace at sa totoo lang ay ito ang hinihintay kong tanong niya para maging opisyal na kami. Ngumiti ako sa kanya at marahang tumango. Malawak na ngiti naman ang pinakawalan niya at agad akong niyakap.

"Finally! After months of pursuing you," tama ang sinabi niya. Halos ilang buwan na rin magsimula nang manligaw siya at sinabi niya sa aking mahal niya ako.

Marahil ay mabilis lumipas ang araw, at iyon ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya. Parang kaming dalawa lang ang tao sa mundo.

"I-Ipapa-alam ba natin agad kina Nanay at Tatay?" tanong ko, tumango naman siya at ngumiti.

"Kahit kina Mama at Papa, doon din naman ang punta ng lahat bakit patatagalin pa, hindi ba?" tumango na lang ako. Mahal ko si Ace iyon ang totoo.

Nagsimula akong makaramdam ng kakaiba para sa kanya noong mga bata pa kami, iyon din ang dahilan kung bakit isinulat ko ang kwento nina Spade at Diamond na hanggang ngayon ay wala pang title. Tama si Ace, sa kwentong iyon ay siya si Spade at ako naman si Diamond.

Noong una, akala ko ay simpleng pagkakagusto lang ang nararamdaman ko sa kanya na normal lang sa isang bata, lumipat sila ng bahay at unti-unti itong nawala, iyon ang akala ko.

Kahit na hindi na kami magkapit-bahay kagaya ng dati ay madalas pa rin kaming nagkakasalubong dahil iisang paaralan lang ang pinapasukan namin noong high school, iisang unibersidad ang pinapasukan ngayong college, at ang nararamdaman na akala ko ay nawala na noon ay bumalik na naman nang lagi ko ulit siyang nakakasama.

"Nasimulan mo na ba ang kwento natin?" nakangiting tanong niya, ipinulupot niya ang kanang kamay sa bewang ko at ipinatong ang baba sa balikat ko. Umiling naman ako at ngumiti.

"Hindi pa," sagot ko, "hindi ko kasi alam kung paano ko uumpisahan." Dagdag ko. Ngumiti naman siya at marahang tumango.

"Maganda naman ang nasimulan mo, dagdagan mo na lang kapag kasal na tayo,"

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ko talaga uumpisahan, marahil ay tama siya. Pwede akong makakuha ng ideya na mailalagay sa nobelang iyon kapag tumagal pa ang relasyon namin.

A Wife's Point of ViewWhere stories live. Discover now