Chapter Three

8.6K 202 4
                                    

CHAPTER THREE

Mas matimbang ang salita at gawa kaysa sa puro salita lamang.

Marahan kong iginala ang mga mata ko mula sa labas ng bahay nina Ace nang igarahe niya sa labas ang kanyang sasakyan. Mula sa labas ay isinisigaw na nito ang karangyaan ng buhay nila. Saglit akong tumingin kay Ace at nginitian siya.

"Si Yumi?" tanong ko sa kanya pagkababa namin ng kanyang sasakyan.

"Baka nasa loob na kasama si Frank." Ang tinutukoy niya ay ang kanyang kaibigan. Marahan naman akong tumango at sinabayan siya sa paglalakad papasok sa kanilang bahay.

Hindi karamihan ang mga bisita niya kagaya nang sinabi niya sa akin. Sa tingin ko ay mga malapit lang na kaibigan at mga kamag-anak nila. Sa kabilang banda ay nakaupo sina Yumi at Frank, may tatlo pa silang kasamang lalaki at isang babae na hindi ko kilala ngunit pamilyar ang mga mukha. Marahil ay sa kaparehong unibersidad namin sila nagaaral.

Nilapitan namin sila ni Ace, sinalubong naman ako ni Yumi ng isang matamis na ngiti at yakap.

"Dito ka sa tabi ko," tumango ako at agad na umupo sa tabi ni Yumi.

"You must be Heart?" nakangiting tanong ng babae, tumango naman ako at ngumiti, "Amaya," inilahad niya ang kanang kamay niya na tinanggap ko naman, "Totoo nga na maganda ka," namula ako sa sinabi niya at ngumiti na lang.

"N-Nice to meet you." Saad ko.

"She's my cousin," si Yumi ang nagsalita. Kaya pala halos magka-mukha silang dalawa. Pero para sa akin ay mas maganda parin si Yumi na halata sa mukha ang pagka-dugong hapon, "malakas ang tama niyan kay Ace, pero huwag kang magalala, tanggap naman niya na ikaw ang gusto ni Ace, kaya nga sinagot niya si Stan eh." Natatawang dagdag ni Yumi na hindi ko na lang binigyan ng pansin.

"Ayos ka lang ba?" tumingin ako kay Ace na nakaupo sa tabi ko.

"Oo naman." Nakangiti kong sagot. Tumango naman siya at tumayo.

"Alam ni Mama at Papa na pupunta ka. They actually wants to see you," medyo kinabahan ako sa narinig pero marahan akong tumango.

"S-Sige. Para ma-kumusta ko rin sila." Sabay kaming tumayo at nagpa-alam sa mga kasama namin sa mesa. Umakyat kami sa ikalawang palapag at tahimik na naglakad. Hindi ko akalain na ganito pala kalaki ang bahay nina Ace na mula labas hanggang loob ay sumisigaw ng karangyaan.

"Ma, Pa," bati ni Ace nang makarating kami sa balkonahe. Doon ko nakita ang kanyang mga magulang na nakaupo sa isang magarang upuan at may kausap na sa tingin ko ay mga kaibigan o kamag-anak nila.

"Ace," nakangiting bati sa kanya ng kanyang ina at hinalikan siya sa pisngi. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti, "Heart? How are you sweety?" lumapit siya sa akin at hinalikan din ako sa pisngi.

"Okay lang po T-Tita Lana, kumusta po?" magalang na tanong ko. Hindi ako makapaniwala na ang bata pa rin niya tignan.

"Pretty fine." Nakangiti niyang sagot at humarap sa mga kausap niya.

"This is Heart, Ace's..." tumingin siya kay Ace na tila nagtatanong.

"Friend," nakangiting sagot ni Ace. Sinimangutan naman siya ni Tita Lana, "But soon to be my wife," biglang napangiti si Tita at Tito tapos ay marahang humalakhak. Namula naman ako sa sinabi niya.

"Hija," lumapit ako sa Papa ni Ace at ngumiti. Niyakap naman niya ako, "Long time no see." Tumango na lang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

A Wife's Point of ViewWhere stories live. Discover now