Chapter Two

10K 228 18
                                    

CHAPTER TWO

It's funny how someone can make your heart beat like a fast horse.

"Heart, andiyan ka na pala," sigaw ni Nanay mula sa loob ng bahay "Ace? Naku, Ace buti naman at napadalaw ka." Nakangiting dagdag ni Nanay nang lumabas siya at tuluyang makita si Ace. Ngumiti si Ace sa kanya at nagmano.

"Magandang araw ho, Tita Martha," nakangiting bati ni Ace.

"Magandang araw rin, pumasok muna kayo sa loob habang hinahanda ko ang hapunan. Sumabay ka nang kumain sa amin, Ace," nakangiting saad ni Nanay. Marahan namang tumango si Ace at ngumisi sa akin.

"Sige po, susunod na lang kami ni Heart. May paguusapan lang po kami saglit." Magalang na sagot ni Ace. Tumango naman si Nanay at nakangiting bumalik sa loob ng bahay. Tumingin sa akin si Ace at ngumisi, "Ano, naalala mo pa?" mahinang tanong niya. Ngumisi naman ako at marahang hinampas ang matikas niyang braso.

"Pinagti-tripan mo na naman ata ako eh. Ano ka ba, wala na iyon 'no." kinakabahang saad ko.

"Siguro para sa 'yo wala na iyon, well, not for me." Nagkibit balikat siya at pumasok na sa loob ng bahay namin. Napasinghap ako at nakahinga nang maayos ng mawala na siya sa harapan ko.

Mataman akong nakatitig sa bahay nina Ace habang inilalabas ang kanilang mga gamit at isinasakay sa isang malaking truck. Hindi ko alam pero nakakalungkot ang ideyang aalis na sila.

"Ba't nakasimangot ka? Mami-miss mo 'ko 'no?" nakangising tanong ni Ace na bigla na lang sumulpot sa tabi ko. Hindi ako sumagot. Tumingin lang ako sa kanya. Sino ba namang hindi malulungkot eh halos sabay na kaming lumaki? Kasalukuyan akong nasa first year high school, at ganoon din siya.

Napansin ata ni Ace na ayaw kong sumagot kaya sumeryoso rin ang mukha niya.

"Hindi naman por que lilipat na kami ng bahay ay hindi na tayo magkikita. Dito pa rin naman kami sa Tarlac. Atsaka papasok tayo sa iisang eskwelahan." Nakangiting saad niya.

"Kahit na. Iba pa rin kasi kapag andito ka at kasama kong nakatambay lagi kapag walang pasok." Sagot ko naman sa kanya.

"At maglaro ng taguan?" nakangising tanong niya. Ngumisi rin ako at umiling.

"Baka kurutin na naman ako ni Nanay. Malaki na raw ako at hindi na dapat makipaglaro."

"Sabi mo eh," tapos ay seryosong tumingin siya sa kanilang bahay. Pinapanuod ang mga lalaking nagbubuhat ng kanilang mga gamit na isinisilid sa truck.

"Sino nang titira riyan?" tanong ko. Saglit na tumingin sa akin si Ace bago umiling.

"Binenta na si Mama at Papa. Ayoko nga sana pero ang sabi nila nakabili na sila ng mas maganda," Marahan naman akong tumango sa sinabi niya. "Darating ang araw na bibilhin ko ulit ito." Marahan akong humalakhak sa sinabi niya.

"Mangarap ka. Ang tamad mo kayang magaral, tapos basagulero ka, tapos lagi mo pa 'kong iniinis," sumimangot si Ace sa sinabi ko.

"Akala ko ba gusto mo ng badboy type?" kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Nabasa ko iyong kwentong ginagawa mo sa notebook mo." Sinamaan ko siya ng tingin sa idinagdag niya.

"Nobela lang iyon. Atsaka hindi naman ibig sabihin na badboy ang hero ko ibig sabihin ay gusto ko na rin ng badboy. Paano nga pala napunta iyon sayo? Ang tagal kong hinahanap iyon akala ko nawala na." Ngumisi naman siya.

A Wife's Point of ViewWhere stories live. Discover now