Chapter 28 √

Magsimula sa umpisa
                                    

My sight became blurry because of the tears that formed in my eyes. I didn't bother to stop my tears from falling. I didn't mind kahit mabasa ng luha ang unan ko.

I'm sorry, Candy. Ate's heart is not really tough. It's breaking right now and it hurts so much, sweetie. I'm sorry for crying. But please don't hate Yuan, huh? He's a good man and ate likes him very much.

•••

Dahan-dahan akong dumilat at napaubo-ubo. I feel so thirsty.

"Wuy, okay ka lang?" Tanong ni ate Mary habang nakahiga sa tabi ko at nagbabasa ng libro ko.

"Yup." I replied and reached for the glass of water on my bedside table.

Agad itinabi ni ate Mary ang binabasang libro at tinulungan akong uminom. S'ya na rin ang nagtabi ng baso habang muli akong humiga at binalot ang sarili ko sa makapal kong kumot.

Idinantay ni ate Mary ang kanyang kamay sa aking noo at leeg to check my temperature.

"May sinat ka pa rin." Sabi niya.

"I'm fine na, ate. I feel a lot better. Pero baka mahawa ka, ha?" Nag-aalala kong sabi.

Ngumiwi siya sakin at saka pinagpatuloy ang pagbabasa. "Malakas resistensya ko no! 'Wag kang mag-alala."

"Ayokong mahawa ka syempre." I said with a pout. "Wala pa ba si Mommy?"

"Wala pa yata, eh." Sagot niya nang hindi inaalis sa binabasa ang paningin.

Nakatulog ako kanina dahil sa pag-iyak at pagkagising ko ay nasa kwarto ko na si ate Mary. Binilin daw ako ni Mommy sa kanya dahil may pinabili si Daddy kay Mommy. Mamaya ang uwi ni Daddy mula sa business meeting niya kasama ang tito ko sa Masbate. Sa isang araw pa dapat ang uwi niya but when he learned that I got sick, agad niyang kinansela ang ibang appointments niya for the next two days. I feel guilty tuloy. Parang nagiging burden pa tuloy ako. Ayokong nagiging pabigat even to my parents.

Ilang sandali pa ay may biglang kumatok sa pinto. Bumukas 'yon at sumilip si ate Karen.

"May mga bisita ka, Kisses." Sabi niya. Bakas ang amusement sa mukha niya na pinagtaka ko kung ano ang dahilan.

"Sino po?" Nagtataka kong tanong.

"Mga kaibigan mo yata. Sinabi ko na sa kanila na hindi pupwedeng umakyat dito sa kwarto mo kahit para dumalaw lang. Kaya mo na bang bumaba o sasabihin ko na lang sa kanila na bumalik na lang pag kaya mo na?" Tanong niya.

"Bababa na lang ako ate. Please tell them to wait. Mag-aayos lang ako." Nakangiti kong sabi.

"Kaya mo na ba?" Bulong ni ate Mary.

"Sure ka?" Paniniguro naman ni ate Karen.

"Yup. Kaya ko na." I smiled even wider to assure them that I'm fine.

Mukha namang nakumbinsi ko sila dahil napatango na lang si ate Karen at sinarado na ang pintuan habang bumalik naman sa pagbabasa si ate Mary.

I took a quick hot bath at mabilisang inayos ang sarili ko. I still look pale dahil sa masamang pakiramdam.

"Sino ba 'yang mga bisita mo?" Tanong ni ate Mary na bahagyang nakaalalay sa 'kin habang pababa kami sa aming hagdan.

I shrugged my shoulders, "I don't know. Wala naman akong alam na bibisita sa 'kin ngayon."

Their Kind of Love | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon