Pagkatingin ko sa may bintana si Ella na pala. Magkakalapit lang kasi bahay naming tatlo nun tsaka ni Marianne si Faye naman, siguro isang sakay ng tricycle ang layo sa bahay namin.

Lumabas na ako ng bahay para pagbuksan sya ng gate.

"Bilis mo naman!" Sabi ko sa kanya.. Seryoso? Ba't ganun reaksyon nya parang gulat na nagaalala!

Pagkapasok nya bigla akong nagulat hinawakan nya tyan ko. Shemay😑

"Anyare sayo? Nabuntis ka? Ni V?"

"Sira head! Seryoso kasi!"

"Ba't di kayo sabay nung dalawa?" Dagdag ko ulit.

"Alam mo, nung bago ka magchat, naglalakad na ako papunta sa inyo binalak ko na talaga pumunta dito kasi boring sa bahay."

"Ahh ganun naman pala." Sabi ko.

"Tsaka baka nagbibihis pa yung dalawa dun!"

"Oh ano na ung sasabihin mong importante?!" Dagdag na tanong nya saken.

"Mamaya na atat ka masyado! Pagbuo na tayo! Haha! Tara pasok muna tayo sa loob!"

Pagkapasok namin sa loob nagsalita agad ate ko.

"Oyy hi ella! Kaka UD ko lang sa watty! Vote mo na dalii!"

"Ayy hahaha! Sandali lang ate Anj!"

Haaay nakooo!

Umupo na kami sa sofa at tiningnan ko naman ang cellphone ko na may message na galing sa gc naming magkakaibigan.

Faye: Rae, otw na kami ni Marianne! Nanjan na ba si Ella? Dadaanan namin sya kung wala pa.

-nandito na bilisan nyo na!-

Sabay may lumabas na maliit na box sa may screen ng phone ko dahilan para magulat ako.

From: Real Jimin

"Hi babe!😉"

"OMAYGHASH?!!!!!!" nagulat ako nang biglang magsalita si Ella sa tabi ko. shemay katabi ko pala to?! Diko alam ah! Nakita ko pa na napatakip sya sa bibig nya ..

Lumingon naman ako kay ate na nakangisi sa akin.

Ano na sasabihin ko?! Nakita nya na!

"Re-real J-JIMIN?!" Sabi ni Ella.

"Seryoso ka?!"

"Sya talaga yan?! Nako Rae wag ka magpapaniwala jan! Text text lang yan!" Dagdag pa nya..

"Pwede, mamaya ko na sasabihin kapag nandito na ung dalawa!"

"SI jimin ba talaga yan?!!"

"OO BASTAAA!" Hindi nalang sya nakaimik at ayun, ang reaksyon nya, haha! Di mo maipaliwanag!

Mahirap naman kasi paniwalaan kung ako ang nasa sitwasyon ni Ella, hindi rin ako makakapaniwala at siguradong kung ano ano na ang mga tanong na papasok sa isip ko.

Maya maya lang ay nagulantang kaming tatlo na nandito sa bahay sa sobrang lakas ng pag kalampag sa gate ng kung sino man ang taong nandun kala mo sisirain ung gate sa sobrang lakas ng pagkalampag eh!

"RAAEE LUMABAS KA JAN!" narinig kong boses ni Marianne.

"HOY RAE! ANO NA NANGYARE? NANGANAK KA NA BA??" sigaw naman ni Faye.

lintek na!

Agad agad naman akong lumabasat pinagbuksan na agad ng gate ang dalawa pa na may sira sa utak!

Shemay!

"HOY ANG INGAY NYO MUNTANGA KAYO! BAKA MAMAYA MAY MAKARINIG SA INYONG KAPITBAHAY EH KUNG ANONG ISIPIN SAKIN!"

"ayy sorry naman po." Sabi ni Marianne na nagpeace sign pa.

Napailing nalang ako sa dalawang to "O'sya pumasok nalang kayo! Baka kung ano pa magawa ko sa inyo!"

Agad naman silang pumasok sa loob ng bahay at pagkakita nila sa isa't isa..

"OMG HII ATEEE ANJJ!"

"UYY HERRO POO!"

"UYY ELLA BRUHA KA DIMO KAMI HININTAY!"

"KAYA NGA!"

"ANG INGAY NYO MGA BATA!"

ayan ayan ayan ... Ayan na nga ba sinasabi ko eh mababasag nanaman ang katahimikan dito sa bahay eh.

sandaling napaupo na agad kami sa sofa.

"Hhaaay grabe ang init sa daanan!" Sabi ni Faye na ginagalaw galaw pa ung damit nya sa bandang dibdib nya nagpapapaypay kunyare..

"Oo nga Rae! Ayusin mo nga ung electric fan hindi kami matamaan!" Marianne.

"Eh kung ihagis ko kaya sa inyo ung electric fan no? Para feel nyo ung pagtama sa inyo?" Sabi ko sa kanila.

Ganyan yang mga yan bawat may pupuntahang bahay feel at home sila mga walang hiya eh.

"So yun na nga, kaya ko kayo pinapunta dito ay--"

"May mahalaga kaming sasabihin ni Rae sa inyo!" Naputol naman ung sinabi ko kasi sumabat naman bigla si ate!

"Oh sige ikaw na magsabi sa kanila .. Ikaw na ha?? Mag c-cp nalang ako dito kayo nalang magkwentuhan jan!😑" sabi ko sa kanya.

Ngumiti naman sya sakin na kitang kita na mga ngipin nya  "hindi sige ikaw na, sorry huehuehue!"

"Ayy ikaw na pala te! Diko kaya sabihin diko alam kung saan ko sisimulan!"

"Kita mo!! Ako rin pala pagpapapiwanagin mo!"

"Hehe!"

At ayun nagsimula na si ate.

"Alam nyo naman siguro yung tungkol sa unknown number na katext ni Rae minsan no?"

Tumango naman sila na parang sabik na sabik sa bawat salitang bibitawan ni ate.

"At malakas ang kutob ni Rae na Si JIMIN DAW! ang may ari ng number na iyon? Tama ba?!"

"Ne! Minsan nga nakita namin nababaliw na yan kakaisip jan sa kung sino man ang katext nya." Sabi ni Marianne.

"Pwes, Yung may ari ng NUMBER na yun at si JIMIN ng BTS ay iisa .. Sya nga ang may ari ng number na yun!😊" sabi ni ate.

"ANO??!!!!!!" 😨😨😨😨

Lucky ARMY (continuation)Where stories live. Discover now