Hindi nila maintindihan ang pinagsasabi ni Nicole kaya taimtim nalang silang nagdarasal na sana may isang himalang mangyari at makatakas sila sa lugar na iyon.

"Kung tumupad ka sana sa usapan hindi ko sana papatayin tong kapat---"

*BLAG*

Isang malakas na palo ang natamo ni Nicole dahilan para matumba ito at mawalan ng malay,ng tingnan nila kung sino ang gumawa nun..

"Aki?!"

"Grabe ang tagal niyang mag emote,kanina pa ako dun sa bookshelf nagtatago huh?!" - Aki

"Ano naman?!" pamimilosopang sagot ni Bianca

"Aist!" biglang naglabas si Aki ng kutsilyo at itinutok sa bibig ni Bianca,pero bago pa man niya magawa ang kanyang binabalak ay pinigilan agad siya ni Yzel sa pamamagitan ng pagsigaw

"WAG!!"

Natuon ang atensyon ni Aki kay Yzel at ngumiti ng nakakakilabot

"Hay~salamat kay Nicole,pinadali niya yung trabaho ko" ani to na nag-uunat pa

"Wag ka na ngang magdaldal pa diyan,kung gusto mo kaming patayin bilisan mo!ang bagal mo eh!" nasa piligro man ang buhay ngayon ni Bianca ay nagawa niya paring magmaldita

"Sandali lang!uunahin ko lang tong bestfriend niyo!" ani Aki sabay lapit kay Yzel

"Ano bang meron sakin huh?pati ang pagpatay sakin,pinag-aagawan niyo pa?" - Yzel

"Ganun talaga,madami atraso mo samin eh!" ani Aki na sinabayan niya pa ng isang malademonyong tawa

Hanggang ngayon hindi niya parin lubos maisip na magagawa ni Aki ang mga kademonyohang ito,mayaman si Aki,Ms.HVHU,matalino lalo na kapag pinag-usapan ang Science,nasa kanya na ang lahat,pero bakit?!

Napakunot ang noo ni Yzel at napansin agad yun ni Aki kaya bago pa man magtanong ang dalaga ay sinagot niya na agad ito.

"Madami atraso mo samin,bakit?Kinaaawaan niyo ako,lalo na ikaw!Pinagpalit ako ni Rhain sayo,galing!Kapag nagke-kwento ako sa family ko about sa mga achivements ko sa school,kahit hindi tayo pamilya ikino-compare nila ako sayo?at lalong dahil sayo,pumapatay ang demonyong ate mo!"

Hindi makuha ni Yzel ang sinasabi ni Aki kaya mas lalo siyang naguguluhan sa mga nangyayari.

Tulad ng ginawa ni Nicole ay pumwesto siya sa likod ni Yzel at yung kutsilyo ay sa leeg ng dalaga.Tiningnan ni Aki si Kirsten ng naka ngiti,yung ngiting tagumpay!

"Yang kaibigan niyo slash kapatid ni Yzel,siya lang naman ang pumapatay,sabihin nalang nating sidekick niya ako,pero,tch!sa ganda kung to,sidekick lang?!" natatawang wika ni Aki

"Anong kapatid pinagsasabi mo?!" - Yzel

"Kilala mo ba sarili mo Kirsten?" tanong ni Aki pero nakatitig ito kay Yzel,tumingin si Yzel kay Kirsten pero nakatitig ito kay Aki,ng tingnan naman ng dalaga si Aki nakatitig naman ito sa kanya

"Hindi Kirsten ang pangalan ko!" - Yzel

"Bakit?Kilala mo ba talaga sarili mo?Yang Mommy mo ba talaga ngayon ang nagluwal sayo?Huh?" - Aki

"Hindi ko maintindihan yang pinagsasabi mo!" mangiyak-ngiyak na usal ni Yzel

"Tama na" simula ng dumating si Kirsten ay ngayon pa lang ito nagsalita.Isinarado nito ang pinto at ini-lock.

"Tama na?Yung mga pinatay mo nga kahit anong sigaw na tama na,hindi mo nga sila tinigilan eh" natatawang usal ni Aki

Idinikit ni Aki ang kutsilyo sa leeg ni Yzel kaya napapikit nalang ito.

Imbis na malalim na saksak ang matamo ni Yzel ay nilaslas niya lang ang mahabang buhok nito kaya hanggang leeg nalang ang kanyang buho ngayon.

Nagulat ang lahat dahil akala nila ay katapusan na ng kaibigan nila.

"Natakot kayo no?" nag-iba bigla ang boses ni Aki,para na itong boses ng isang demonyo

"Itigil mo na yan" pakiusap ni Kirsten gamit ang kanyang mahinahon na boses

"AHHHHHH!" dahang dahang sinugatan ni Aki ang pisngi ni Yzel dahilan para mapasigaw ito sa sakit

"Sabing TAMA NA!!!" parang isang hanging lumipad ang pocket knife na kanina pa hawak ni Kirsten patungo kay Aki.Agad itong tumusok sa lalamunan ng dalaga na nag resulta sa maagang pagkamatay niya,sumirit ang dugo nito kaya natalsikan silang lahat sa paligid.

"Kirsten?" - Yzel

"Ikaw ba talaga ang pu-pu-pumapatay Kirsten?" - Ianna

"Oo"

"Bat mo to ginagawa?" mahinahong tanong ni Yzel rito,gusto niya ng masagot ang lahat ng mga katanungang matagal ng gumugulo sa kanyang isipan

"DEMONYO!" sa pag sigaw ni CrisMar. ay kasabay nun ang paglipad ng isa pang pocket knife na inihagis ni Kirsten patungo sa binata, agad itong tumusok sa noo nito.

"CRISMAR!!" sigaw ni Ianna

"Ngayong alam niyo na na ako ang pumapatay,dapat siguro may aminin ka rin samin Ianna?" seryosong usal ni Kirsten

"OO NA!KAMI NI CRISMAR.AY MATAGAL NG MAG JOWA!PERO DI KO SINABI YUN DAHIL NAG-AALALA AKO SAYO DAHIL MAGKAI IGAN TAYO!PERO NAGKAMALI AKO ISA KA PA LANG DEMO---"

"SSH!tumahimik ka na,ok na yun" - Kirsten

Nabalik ang atensyon ni Kirsten sa umiiyak na si Yzel

"Bat mo nagawang patayin ang mga kaklase natin?Bakit?" tanong ni Yzel na patuloy parin sa pag-iyak

"Mahabang kwento.." parang walang nangyari dahil sobrang hinhin ng boses nito

"Sabihin mo,makikinig ako"

"Baka hindi mo ko maintindihan"

"Pipilitin ko"

Umupo  sa sahig si Kirsten sa harap ni Yzel habang pinaglalaruan ang isang kutsilyo na hawak ni Aki kanina



"8 years ago.." panimula niya na nakapagpatahimik sa naghahagulgulang sina Yzel,Ianna at Bianca




















































































To be continued..

DEATH SCHOOL (Under Construction)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin