Pero ngayon, dapat isipin ko naman ang pamilya ko. Hindi naman porke wala akong alam ay mananahimik na lang ako sa isang tabi.


"Sabay na tayong mag-lunch. Sunduin kita later. Bye!" Mabilis lang akong hinalikan sa pisngi ni Clyde bago tumakbo papunta sa kabilang building.


Pag-upo ko ay niyugyog na naman ako ni Mariz. "Ibang level na talaga kayo ni Clyde! Di ko na ma-take!" Kilig na kilig na sabi ni Mariz.


Wala namang nakakakilig pero kinikilig siya. Kung alan niya lang kung ano pa ang ibangpinagsamahan namin nila Dwight at Clyde, baka mangisay na ang isang 'to.


I eyed Jess. Mukha siyang puyat tapos ay tulala pa. "Jess," untag ko at parang nagulat pa siya na naroon na ako. Tapos ay bigla siyang namula kaya napataas ang kilay ko. "Something happened between you and James, right? Huwag kang magkaila dahil kung hindi iyan maganda ay makokonsensya ako talaga." Nagpalit-palit naman ang tingin ni Mariz sa aming dalawa.


Lalong namula si Jess. "Eh kasi naman, gusto ko talaga siya, Amber! Pero please, sana walang ibang makaalam. Sa ating tatlo lang, okay?" Pulang-pula na ang mukha niya at hindi ko na kailangang itanong kung ano ang nangyari dahil obvious na obvious masyado si Jess.


"OMG! OMG! OMG! You and James --" nanlalaki ang mga matang impit na sabi ni Mariz. "You already did that?" Tapos ay sinabunutan nito si Jess. "Did you use protection? Kasi kung hindi, hindi ka papasang nurse, Jessibelle dela Cruz!"


Napailing nalang ako. Kung hindi pa dumating ang prof namin ay hindi pa talaga titigilan ni Mariz si Jess. I wonder if I will do the same thing as Jess did kung si Dwight ang naging boyfriend ko. Perhaps.


Napailing ako. Sobrang labo naman na na mangyari pa iyon. Dwight finds his match sa katauhan ng Irinea na iyon. I don't know how they started but the way Dwight looks at her, alam ko na espesyal siya. He can even recognize Dwight from Clyde and that's rare! Parang hindi matanggap ng sistema ko na may ibang babae, maliban sa pamilya nila, na kayang i-distinguish ang kambal.


Noong sumapit ang lunch break, sinundo ako ni Clyde tulad ng dati at habang palabas kami ng building ay nakita namin ang kumpol ng mga estudyante sa hallway. There, we saw Dwight, wearing only his tie, boxer shorts and socks!


Naka-ngisi si Dwight habang tila pikon na pikon si Rin sa harap nito. "What's going on here?" I whispered. Si Clyde ay tatawa-tawa lang sa tabi ko. Amused na amused sa ginagawa ng kakambal niya. Hindi ba 'to nahihiya? Parang siya na rin iyong nakahubad eh!


Nainis akong bigla. Ano ba'ngtrip nila Rin at Dwight? At ang Dwight na iyon, hindi man lang nahiya! Feeling ko tuloy, hindi lang katawan ni Dwight ang pinagpipyestahan ng mga estudyante kundi maging ang kay Clyde na rin! They're identical twins! Pati katawan ay halos magkasinlaki ng hubog!


"Para kang sira! Magbihis ka nga! Nakakainis!" Ani Rin at akmang tatalikuran si Dwight pero hintak ito ng huli at niyakap. Bakit ganoon? Parang iba sa pakiramdam na makita silang magkayakap. May ibinulong pa si Dwight rito.


I almost rolled my eyes when the crowd started to urge them to kiss.


Chasing Hearts (DH 6 || Completed)Where stories live. Discover now