"Oo na nga, hahaha!" Kaasar tong Chynna na to eh. Haizt.

"Pero maiba tayo tsong. Masaya ako para sayo, para sa inyo. Sana tuloy tuloy na yan. Sana maging masaya kayong dalawa. Andito lang ako para sa inyo karamay niyo. Hindi ko kayo iiwan at pababayaan"

"Salamat Chynna, isa ka talagang tunay na kaibigan. Halika nga rito. Payakap naman ako!" 

Maswerte talaga ako at nagkaroon ako ng kaibigan na tulad niya. Hindi ko siguro alam ang gagawin ko kung wala tong ungas na to. Kahit puro kalokohan ang alam atleast nakakatulong naman siya. Siya ang pinakapaborito kong kaibigan, nag iisa kong BFF.

"Ang korni mo tsong! Di bagay. Pero dahil mapilit ka oh siya sige!" Lumapit ito sa akin at niyakap ako. Haizt!

"Pero Chyns, kapag kinasal na ako, huwag mong asahan na magagawa pa natin yung pag punta natin sa mga bar. Hahaha. Siguro pamaninsan minsan na lang. Baka magalit si kumander eh" sabi ko sa kanya.

"Sus! Ander de saya ka kasi! Ngayon pa nga lang eh. Hahaha" 

"Katawa. Osige na susunduin ko pa si Rhian. I have something for her" may regalo kasi ako kay Rhian, at for sure matutuwa yun.

"Yan tayo eh. Hahaha, sige. Byers! Ingat ka sa pagdrive" 

"Oo naman, papakasalan ko pa si Rhian eh! Hahaha" sabi ko sa kanya.

"Ang korni mo!" Sigaw niya sa akin.

"Inlove lang tsong!" Sabi ko bago ako lumabas sa condo niya.

Sana magustuhan ni Rhian ang ireregalo ko sa kanya. Gusto ko matuwa siya. Gusto ko na maramdaman niya kung gaano ba siya kahalaga sa akin. Kung gaano ko ba siya kamahal.

Binilhan ko ng bahay si Rhian, gusto ko kasi kapag kasal na kami, dun na kami titira, dun na kami gagawa ng masasayang pangyayari sa buhay namin bilang mag-asawa. Sa bahay na yun, dun kami bubuo ng isang masaya at matibay na pamilya. Bubuo ng pangarap namin para sa isa't isa. Sa bahay na yun, dun namin ipapakita kung gaano ba namin kamahal ang isa't isa. Ipapamalas ko na, siya ang buhay ko. Na sa kanya ko lang ibibigay ang buong pagkatao ko. Mahal ko si Rhian, kahit anong mangyari hindi ko siya pababayaan. Mamahalin at mamahalin ko siya. Dahil ang tunay na nagmamahal napapagod din minsan, pero kailan man ay  hindi sumusuko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Saan mo ba ako dadalhin Glaiza? Kinakabahan ako ah" reklamo ni Rhian sa akin. Ipapakita ko na kasi sa kanya yung bahay na pinapangarap ko para sa amin.

"Basta makikita mo. You'll see. Just sit and relax. You'll love it" Sabi ko sa kanya habang nakatingin pa rin ako sa road. 

"Ok. Pero siguraduhin mo lang na maganda to ah. Kung hindi. Ililibre mo ko ng kwek kwek." Naku naman. Miss na talaga niya ang kwek kwen ni Mang Ben. Halos ilang araw na rin siyang hindi nakakain, kasi pinagbawalan ko rin. Hindi naman kasi pwede na lagi na lang street foods ang pinapapak nito.

"Don't worry ok. Bukas na bukas rin, pupunta tayo kay Mang Ben, ok ba yun?" 

"Yasss!" Tuwang tuwa ang loko.

Hindi na kami nag imikan hanggang sa pinasok ko yung sasakyan sa isang lote. Lote namin, kung saan nakatayo ang bahay namin.

"Glai. A-ano to?" Tanong niya sa akin ng nakababa kami sa kotse. Nakita niya ang ganda ng bahay.

Come Back HomeWhere stories live. Discover now