Chapter 3 - Keep off the devil.

850 53 16
                                    

A/N: Sorry po for the late update! Naging busy po kasi e.

Gusto ko lang pong linawin. Hindi po kapag naka-italicized ang word na 'siya' ay ibig sabihin nun ay si Death na agad ah? Pwedeng ibang tao pa ang tinutukoy sa 'siya' na iyon. Nasabi ko po kasi dati na kapag naka-italicized na 'siya' ay si Death din yun. My fault po, sorry po.  :-)

--

GREY'S POV

"Ang buhay na kinuha ay buhay din ang kapalit."


Nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga salitang narinig ko. Siya iyon. Kilala ko ang boses na iyon. Kakarinig ko pa lamang ng boses na iyon makalipas lamang ang ilang minuto. Hindi maaaring makalimutan ko iyon.. Lalong lalo na ang salitang iyon, hinding hindi ko malilimutan. Isang tao lamang ang alam kong nagsasabi ng ganoon. Pero bakit ganun? Parang... hindi pa ako sigurado. Nag-aalinlangan ako.

Dahil sa narinig ko, nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Mas nadagdagan ang takot ko dahil sa malamig na pag-ihip ng hangin. Nag-aalinlangan na akong buksan ang pintuang ito. Itutuloy ko pa ba?

"Sa lahat ng ginawa mo samin, ganoon nalang? Nakukuha mo pang maging masaya?!" nakarinig ako ng yabag ng paa mula sa loob. Ang buong akala ko'y wala nang napunta sa silid na ito pero nagkakamali pala ako. Pero sino nga ba ang mga taong iyon? Hindi ako makasiguro kung siya nga ba iyon o sino. Basta, nag-aalinlangan ako sa iniisip ko.

"Sa tingin mo, dapat ka pang sumaya?" narinig ko ang mahinang halakhak mula sa babaeng nagsalita bago nagsalita siyang muli, "Naaalala mo pa ba ito?" at muli, mayroon uli akong narinig na tunog, ngunit ang nakakapagtaka rito, paano napasok sa paaralang ito ang instrumentong iyon? Hindi ba nila alam na matagal nang ipinagbabawal ang instrumentong iyon?

Hindi na sila dapat nagdala ng music box dahil malalagot sila.

"Anong pipiliin mo, ang buhay mo o ang buhay ng pamilya mo?"

"W-wag! W-wag mo silang idamay! Parang awa mo na!" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses na iyon. Siya ba iyon? Napailing ako. Hindi 'to maaari. Sana nagkakamali lang ako. Sana akala ko lang iyon... Sana nga.


"Paano kaya kung lahat kayo ay patayin ko na? Hindi ba't magandang panimula iyon para sa aking paghihiganti?"


Wala sa sarili kong binuksan agad ang pintuan, ngunit pagkabukas na pagkabukas ko nito'y wala akong nakitaㅡni isang tao o anino. Nakasisiguro ako. Ngunit bakit tila pakiramdam ko'y may nagmamasid sa akin? Mayroon nga ba?

Kung walang tao dito at may narinig akong nag-uusap kanina.... Hindi kayaㅡah, sana hindi. Sana nagkakamali lang ako. Nanginginig man ang aking tuhod ay pumasok parin ako at nilibot ang tingin sa buong silid. Napakadilim. Kinikilabutan na ako.

Her Name is DeathWhere stories live. Discover now