Act 30 |1 : B|

1K 44 39
                                    

Kulimlim

♜ •First Day• ♜
Gates Opened

Welcome! This way to the High Department!


••nam's••

"Let the gates be opened for all!"

Ang ganda. Tama si Nowah, para ngang mga bituin iyon.

Mga mumunting diyamante na magbibigay pag-asa sa mga kahilingan.

Patuloy pa rin ang pagbabagsakan niyon. Animo hindi nauubos. May ipanagtataka lang ako, saan kaya iyon nanggagaling? Wala naman akong nakikitang nagtatapon nun mula sa taas, at kung saan, paano kaya nagawa? Nakakamangha.

"Oh may nakasulat pala sa mga ito." rinig kong sabe pa ni Nowah, pero hindi ko pinansin.

"To the place we called home." sa gilid ng mata ko ay nakita ko syang sumalo ng ilang nalalag pa, at parang animo binasa pa isa-isa iyon,

"To hope."

Napaisip ako habang nakatingala, ano nga bang kahilingan ko?

"To dream."

Makapunta sa Mars at makameet ng royal bloods na Alien. Napangiti ako sa naisip. Magandang ideya. Pwede.

"To change for the better"

Bilang isang marikit na binibini at matuwa si tanda para matapos na ang lahat ng 'to.

"To find love."

I love cookies.

"To forgive."

Pinapatawad ko na si Yuki sa pagkain ng cookies ko nang ito ay nanood ng melodrama kahapon.

"For a better understanding."

Tama, tama. Alam nyo yung himala? Unti unti ko ng naiintindihan ang trip ni Yelo Aunor. O nakasanayan.

"Accept one's self."

Natigilan ako.

Accept one's self. Pero sino nga ba ako? Hindi ko na alam.

"To recognize flaws."

Yung dating ako, isa nga bang malaking flaw iyon?

"To live with fortitude and vigor."

Pakiramdam ko ano mang oras ay may tutulong kung ano sa ilong ko. Ang lalim.

"To remain genuine and sincere."

Sana nga. Sana nga ganoon lang kadali.

"To cherish tradition, and embrace modernazation."

Ibig bang sabihin change is coming?

"O my god. This is so cool! This idea is so amazing! Nam look! Ang galing."

Sa mga narinig ay mas namangha na naman ako. Lagi talaga akong na sunosurpresa ng sosyaleng paaralan na 'to. Magaling. Kahangahanga!

I'm not a Gangster!Where stories live. Discover now