Act 14

1.1K 52 3
                                    

Nemesis

••nam's••

SCP? Hmmm.

Nakasunod parin ako dun estudyanteng lalakeng patpatin na may salamin (na napagpasyahan kong tawaging glasses bro) habang nagninilay-nilay kung ano nga bang ibig sabihin ng SCP.

SCP. SCP. SCP.

Imposible namang student council president yun di ba?

Naalala ko pa masyadong malawak ang creativeness at imahinasyon ng mga tao rito, halimbawa nalang yung Kings na akala ko royal bloods, yun pala mga hambog lang na bombilyang nakakasilaw. At ito pa, yung P.E.T?akala ko aalilain ako nung mga bombilyang kings na yun pala, may pa Pest Elimination Task pa silang nalalaman.

I, therefore conclude na yang SCP na yan isa na namang imbentong tunay ng mga estudyante rito.

SCP. Secret Criminal Pacifist? Pwede. Oh di ba ang sosyalin.

Pwede rin namang Suicide Case Planner? Damn! Kinilabutan ako dun sa naisip ko yun ah. May plano kaya silang itumba ako? Holy Pechay!

Oh 'di kaya Salvage Chained Prefect? Okay mukhang susunod na ang inyong lingkod sa mga yapak ng mga estudyante rito. Mukhang mali ata ang paaralang pinaglipatan sakin ni mama. At sa palagay ko, bago pa man ako makapagtapos rito ay isang na akong pugante.

Bago pa man ako makapag-isip ng kung ano-ano pang ibig sabihan ng SCP ay nakita ko namang tumigil na sa tapat ng isang pinto yung si glasses bro.


Ng makapit naman ako sakanya ay saglit ko syang tinapunan ng tingin at bumaling sa pinto na may nakalagay na.

Student Council President (SCP)
IN : OUT

Natigilan naman ako. Parang clinic lang! Mwa-mwahaha. Pero hindi lang yun ang nakakakuha ng pansin ko- damn! SCP, student council president lang pala! Asar! Ang kocool pa naman ng mga naisip ko! I'm so disappointed.

"Pumasok ka na"

"Okay" akma na sana akong papasok ng may maalala ako

"-ah ano palang pangalan mo?" tanong ko dito, sabe nga ni mama a fine young lady should always show courtesy. *flipshair* eat that mother!

"Ah-e... Joe" pagkasabe nun ay agad rin naman nya akong tinalikuran at umalis na. O..kay? Wala talagang manners. Tsk. Tsk. Tsk.

Kumatok rin muna ako sa pinto bago pumasok. Pagpasok ko roon ay tumambad sakin ang mga nagkalat na papel kung saan-saan. Malawak iyon, mayroong couch sa isang tabe at upuan, sa gitna noon ay mayroong table kung saan may naka-upong babae-na matamang nakatingin sakin.

Fine young-lady-Courtesy Action!

"Yo!--ahm I mean...hello?" bungad ko dito at kumaway. Habang nanatili lang syang nakatingin sakin. Mula ulo hanggang paa animo scanner yung mata nya. Yung tipong halos balatan nya na ko kaya mas pinaayos ko pa ang pagkakatayo ko. Yung tulad ng sabe ni tanda yung 'vest out, tuck in' ba yun? Naman oh.

Mag-iiling minuto na akong nakatayo dun bago ko narinig itong magsalita.


"Namika Diaz?" matamang tanong nya, may nahimigan ako sa tono nya pero di ko malaman kung ano.

Tumango naman ako at pilit na ngumiti. One word, suspicious

"Namika Diaz" anang nya na animo sa sarili nya din sinabe iyon.

I'm not a Gangster!Where stories live. Discover now