Act 17

1.2K 58 1
                                    

A mistake

••nam's••

"We're home" pakantang sabe ni Shun ng ihinto nya ang sasakyan sa tapat ng mansion.

Hindi ko na hinintay pang pagbuksan nila ng pinto at agad na akong imibis ng sasakyan.

Kelangan kong bilisan!
Ninja moves!

|tiptoe| |tiptoe| |fast walking|

"Nam san ka pupunta?" tawag sakin ni Haru nang nasa kalagitnaan na ko palabas ng gate at sila naman ay natigil sa pagpasok ng mansion.

O men.

Panu ko ba sa kanila sasabihin na...

"Ah.. ano.. ah-eh..." teka, ang hirap naman nito "Ah-eh.. kasi.. ah-eh-

"A-e-i-o-u. Ano irerecite mo na lang ba samin ang mga patinig na yan?" salansa sakin ni Yuki "Itry mo na rin ang Abc, maiba naman"

*death glare activated*

Di ko na napigil ang sarili ko na samaan ng tingin itong tsundere na to. Pakiramdam ko talaga may lihim na sama ng loob yan saakin. Lagi nalang sya ah! Hindi na sya tsundere! Sama na sya ng loob!

"Ano?! Loko ka ah! Akala mo kung sino kang magaling ah! Ano gusto mo away? Nakakaasar ka na ha! Porket malakas kayo kay mama ay magtitimpi nalang ako! Aba sumusobra ka na! Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay yung nagsasalita pa 'ko ay sasabat na! Oh ano ha! Punong-puno na ako sayo! Halika dito! Halika dito! Sasamain na kita!" yun sana ang gusto kong sabihin pero sa isip ko na lang naisigaw. Tch

Ugh. Focus Nam, focus.

Inirapan ko na lang sya "Hmp" at yan lang ang nasabe ko.

"Nam?" pukaw sakin ni Haru

Panu ko ba kasi sasabihin? Na..nakakahiya kasi. I'm not used to this.

Panu ba ang ordinaryong paraan para sabihin na dadalawin ko ang weirdong iyon dahil pakiramdam ko at tinutligsa ako ng konsensya ko na baka may masamang nangyari na sakanya.

Ganito ba?

a. May patay ata sa tapat na bahay gusto kong tingnan?

b. Naghihingalo na ata yung tao sa tapat na bahay gusto kong masaksihan?

c. May malubhang sakit ata yung weirdo sa tapat na bahay gusto kong pagtawanan?

Ugh. Ang hirap namang pumili. Lahat maganda. I mean tee-hee~

Pero may naisip din akong ibang paraan, ito yung katulad sa mga pinapanood ni Mama, yung kadalasang ginagawa ng mga babae

Yung mga ganito:

a. Ayoko na sa bahay na ito, aalis na ako! (sabay takbo sa gate)

b. Nakakasawa na, sobrang sakit na, ayoko na! (sabay takbo ng gate)

c. Hayaan nyo na ako, palayain nyo na ako! (sabay takbo sa gate)

d. Naghihintay sakin si Mauro, kelangan ko syang puntahan! (sabay takbo sa gate)

e. Pinatay nyo si Mauro, mga wala kayong puso! (sabay takbo sa gate)

f. Buntis ako, at si Mauro ang ama, pero wala na sya. Wala na sya! (napaiyak at na paluhod kaya hindi na nakatakbo sa gate)

Minsan talaga hindi ko maintidihan ang pinapanood nung matandang Diaz. Ang hihirap namang gayahin nun. Mas maganda yung mga una kong naiisip. Ano ba yan *sigh*

I'm not a Gangster!Where stories live. Discover now