Act 29 (1)

1K 50 25
                                    


Just, Right, After

------------

News Flash:
Four days after the High Department Broadcasting Club 'scandal' the band still remain anonymous. The SCP and Broadcasting Club President still remains silent and tied lips.

Brought to you by:
HD Editor in Chief

------------

••nam's••

"Nowah paabot naman nun."

Inabot nya sakin ang music sheet.

"Nowah, nakita mo ang shoulder bag ko?"

Lumayo sya, nawala saglit, at ibinigay nya sakin ang shoulder bag ko.

"Nowah, may tissue ka ba? Or wipes? Lilinisan ko lang ang salamin ko sa mata."

Binigyan nya ko ng tissue, wipes, na may isinama pang alcohol.

"Nowah---

Hindi ko pa man nasabe ang dapat kong sabihin ay binigyan nya na ko ng mineral warer.

*lunok laway*

*nginig kamay*

Ramdam ko ang pagtindigan ng mga balahibo ko.

This is for real!

'A fine young lady does not curse out loud.'

Tang-juice.

'A fine young lady must always show gratitude."

Taeng pechay!

Nag-aangat ako ng tingin.

"S-salamat. H-hehe." with tilt head combination.

"You're welcome." anito at tumalikod na habang karay-karay pa rin si Chizu na wala na namang imik at hindi ko mabasa ang mukha.

Si Yelo iba na ata ang kanyang apelyido.

Sya na si Yelo Aunor. Walang himala!

Mali ata. Kasi may himala na naman!

Hindi ko alam kung bakit pero simula noong umalis sila ni Chizu at bumalik apat na araw na ang nakakaraan habang may dalang mga pagkain, sa mga sumunod na araw ay ganyan at ganito na ang mga inakto ni Yelo! At hindi nya na rin ako minumura! Patas na sya!

Ang kanina ko pa na mga hinihingi kay Nowah-ay lagi na lang sya ang nagbibigay!

Akala ko kay Chizu lang mangyayari ito. Pero bakit pati na rin sakin?!

Teka, kalma, hu ha, hu ha.

Dapat magdiwang ako pero nakakakilabot, nakakapanindig balahibo, at gusto kong pumalakpak ng isang daan.

Pasimple akong na pasign of the cross. Baka pwede na akong mag-appy sa pagiging santo diba? Dalawang magkakasunod nang himala ang nasaksihan ko. Ganoon yun di ba?

Oh my jee!

Napabaling ako sa gawi nina Nowah, at na huli ko na naman sila ni Blake na nag-uusap gamit ang sekretong lengwahe nila gamit ang mga mata. May ngisi sa labi ni Nowah habang nakabusangot naman si Blake.

"Panalo ako. 1k down." rinig ko pang sabe ng weirdong babae.

"Psh. Sinuwerte ka lang." kontra naman ni Blake rito.

I'm not a Gangster!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon