Chapter 29

87.8K 2.8K 298
                                    




          

Chapter 29:

Why?

"MOMMY?"

            Tumingin lang kay Patricia ang ina ngunit hindoi ito nagsalita. Umupo siya sa gilid ng kama at inabot ang kamay nito. "Mommy, gusto mong sa labas tayo mag-dinner. I heard of this new restaurant in Taguig. I want to try it."

            Umiling lang ito at binawi ang kamay. Bumalik ang artensyon nito sa photo album ng Daddy niya. Napabuntong-hininga na lang si Patricia. Kahit responsive na ang ina ay hindi pa rin ito nagsasalita. Kumakain ito ngunit ang hulog pa rin ang pangangatawan. At kahit kailan ay hindi na lumabas ang Mommy niya sa kuwarto nito.

            "Mommy... tutuloy pa ba tayo ng Sweden?" Their flight is just a week away.

            Hindi ito kumibo.

            "My OB said it's safe for me to take the long flight."

            Hindi pa rin ito umimik. Napabuntong-hininga na lang si Patricia. "Mommy, may buyer na ang bahay. Pero kung hindi tayo aalis, I have to turn down their interest. Will we stay?"

            "Alonzo..." sambit nito habang nakatingin sa picture ng Daddy niya noong college pa ang mga ito. Hinaplos iyon ng Mommy niya.

            Tumingin na rin siya sa photo album. May pumiga s apuso niya nang makita ang nakangiting larawan ng ama. She can never see that smile, again. Tanging sa mga larawan at alaala na lang.

            "I missed him, too, Mommy..." Natagpuan na lang ni Patricia ang sariling nakikibuklat na rin ng photo albums kasama ang ina.

            May katok buhat sa pintuan ang nagpalingon kay Patricia. One of their maids walked-in. "Ma'am Patricia, may bisita po kayo sa baba."

            Napakurap siya. Si Sandro na naman ba?

            Napatayo siya at sandaling binilin ang ina rito. Hindi alam ni Patricia ang pagmamadali habang bumababa ng hagdanan.

            "Alessan—" she stopped when she saw Storge, instead.

            Napalingon ito at nginitian siya. "Patricia."

            "S-Storge, you're here..." Is she upset that it's not Sandro?

            Lumapit sa kanya ang binata. "Pasensya na kung ngayon lang ako nakauwi. Hindi man lang ako nakapunta sa libing ni Tito. And I heard about what happened to Tita Paulina," his voice sympathetic. "It must have been so hard for you, love."

            Napalunok siya. "I-It was. Pero kailangan kong magpakatatag para sa baby ko."

            Marahan siya nitong kinabig para sa isnag mahigpit na yakap. That was somehow comforting for Patricia. Napapikit siya at yumakap pabalik.

            Sumunod ay nagkumustahan na sila nito.

            "Nakakapanibago pa rin na wala na si Daddy. Sa simula pa lang, alam naman naming na mangyayari 'to. We just didn't expect to be this soon. At si Mommy... hindi naging maganda ang response niya sa nangyari. But the doctor said to just give her time."

            "Ikaw? Kumusta ka?" Nag-aalala ang mga tingin nito sa kanya.

            "Well, I don't have any choice but to be strong. Mas madalas kong inaalala ay ang baby. I don't want another tragedy to happen. It's going to be to much."

Deliverance (DS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon