Chapter 14

89.3K 2.9K 222
                                    

Chapter 14:

Doubts

"PLEASE? Punta ka na, mahal..."

"Patricia, I'll think about it," inaantok pa na sagot ni Alessandro. Sinubsob nito ang mukha sa gilid ng kanyang leeg at mas niyakap pa siya nang mahigpit.

Kinukulit niya pa rin ito tungkol sa pagpunta sa business ball. It's been two days since they had a relaxing time in an exclusive resort club. Dahil hindi pa umuuwi ang mga magulang niya ay mas nilubos ni Patricia ang pagsama kay Sandro. Nag-overnight siya sa bahay nito.

At katulad ng mga pagkakataon na nagkakatabi sila sa kama ay sadyang natutulog lang sila at madalas ay naglalambingan.

"Malapit na iyon. You should make up your mind para alam ko rin kung maghahanda ba 'ko ng isusuot."

Humiga siya paharap dito at idinantay ang braso sa baywang nito.

"You really want to brag about me, huh?"

"I have a drug lord for a boyfriend, everybody!"

Nagkatawanan sila at mas lalong humigpit ang yakap nito sa kanya. Umangat ang ulo nito at kinintilan siya ng halik sa mga labi.

"You're so sweet in the morning, mahal..." aniya at saka hinaplos ang pisngi nito.

Pumungay ang nga mata nito at nagpakawala ng ngiting nakahuhumaling. "Can you stay here again tonight?"

"Kapag hindi pa umuwi sina Mommy, I will," aniya at saka sinubsob ang mukha sa dibdib nito. "We're going to be late for work."

Napabuntong-hininga ito. "This pajama feels comfortable."

Napangiti siya nang malapad. Kagabi ay napilit niya itong magsuot ng ternong pajama. At magkaparehas pa sila! Couple pajama!

Una ay ayaw pa ni Sandro dahil may mga bilog bilog na prints ang pajamas. At hindi nito gustong nakapajamas habang natutulog. Ngunit napapayag niya ito sa walang sawang paglalambing niya rito.

Magaan nang kasama si Sandro ngayon. Laging nakangiti sa kanya. Madalas ang pagtawa at paglalambing. Parang may kung anong nagpalaya sa nobyo niya. He's just... a free spirit when he's with her.

Ibang-ibang Alessandro ang nakakapiling niya. Tila natibag niya ang pader at heto na, nakamit niya na kung sino ang totoong Sandro.

"I love you..." she whispered.

Hinaplos haplos nito ang kanyang buhok. "Mahal din kita."

Kung puwede lang sanang huwag nang bumangon pa. But they both have responsibilities to do.

Nang nasa opisina na si Patricia ay inasikaso niya agad ang mga kailangang pirmahan at nagkaroon siya ng dalawang meeting sa araw na iyon. The courier business was doing well. Mas dumadami na ang nagpapadala sa kanila. Tuloy na tuloy na rin siguro ang pag-e-expand niya sa Visayan region.

"Ma'am Patricia."

Nag-angat siya ng tingin sa sekretarya. "Yes?"

"Ma'am, tumawag po ang mayordoma sa bahay niyo. Nakauwi na daw po ang parents niyo."

"Oh."

Hindi niya alam kung magiging masaya ba o manghihinayang. Masaya na nakabalik na ang mga magulang at posibleng ayos na ang mga ito. Panghihinayang dahil hindi niya makakasama ngayong gabi ang nobyo. Mag-isa na namang matutulog si Alessandro...

Hinanda na ni Patricia ang sarili pagkatapos ng trabaho. She called Sandro that her parents were home. Agad nitong naintindihan naman.

Pagkauwi niya ng bahay ay ngumiti siya ng makita ang Mommy niya.

Deliverance (DS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon