Chapter 9

88K 3.4K 222
                                    




                 

Chapter 9:

Mahal din kita

HINDI magawang makalimutan ni Patricia ang anyo ng ina kagabi. Hindi niya akalain na may ganoong katauhan ang Mommy niya. For twenty-three years, her mother is that poised, classic, and fine woman. Istrikta ngunit malambing din naman. Siya ang nag-iisang anak at nadadama niya palagi ang pagmamahal nito.

            Pero halos hindi niya makilala ito dahil sa sobrang galit kahapon. Normal pa ba iyon? Oo, naiintindihan niyang matalik nitong kaibigan ni Ninang Ysabella. At siguradong labis na nasaktan ang Ninang niya nang malaman ang existence ni Sandro. Dahil sino ba naming matutuwa na may anak sa labas ang asawa?

            Patricia understood that her mother loves her Ninang as a sister. Kaya kung anong mga nakasakit kay Ninang Ysabella ay siguradong kasusuklaman ng ina. Pero bakit labis naman yata ang galit nito kay Sandro? It is because of the added rumors about him?

            Why is the world being unfair with Alessandro?

            "Patricia? Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?" tanong ng Daddy niya habang nag-aagahan sila.

            Umiling lang siya at pinatuloy ang pagtitig sa pagkain. Alam niyang gusto niyang kumain pero walang dating sa kanya ang pagkain sa harap.

            "Maybe she's tired from last night's dinner party," singit ng Mommy niya.

            Napasulyap siya rito at makahulugan ang mga tingin nito sa kanya. She wanted to cry again. Parang nag-ibang anyo na para sa kanya ang ina. She wanted to hate her. Ngunit lumilitaw din sa alaala niya kung gaano kalambing ang ina sa kanya. When she was still a kid, her mom was the sweetest. Niyayakap at lagi siyang hinahalikan. Kaya ang galit nito kahapon ang nagpagulat sa kanya ng sobra. Parang... hindi ito ang Mommy niya.

            Umiwas siya ng tingin sa ina. She tried hard to smile at her father, at least. Mukhang wala itong alam sa nangyaring "diskusyon" nila ng ina.

            "I need to go to work early, Daddy. Marami po kasing inaasikaso ngayon..." Tumayo na siya at hinalikan ito sa pisngi.

            "Won't you eat?"

            "Sa opisina na lang po."

            Tumango ito at matagal siyang tinignan bago ito bumaling sa Mommy niya. Her mom is still eating her breakfast delicately.

            "Bye, Mom..." Sinubukan niyang humalik ditto ngunit pasimple nitong iniwas ang pisngi.

            "Go home early, Patricia. Pagkatapos sa trabaho ay dumiretso ka nang uwi," istrikta nitong sabi sa isang matigas na tono.

            Napakurap siya. What is she? A kid? Katulad noong nag-aaral pa siya na palaging school at bahay lang ang ruta?

            Aapela sana siya ngunit nauna na ang Daddy niya. "Paulina? Our daughter's an adult, hindi na kailangan na dumiretso agad siya nang uwi kung may plano pa siyang lumabas."

            Tumaas ang kilay ng ina. "I need her home right after her work, Alonzo." Tinignan siya nito. "Right, Patricia Aurora?"

            Lihim na nakuyom niya ang mga kamay. Her mother wanted to make sure that she has no time to see Sandro.

            Tumango na lang siya at mabilis na lumabas ng mansyon. Agad siyang sumakay sa kotse at saka pinatakbo iyon paalis ng bahay na iyon.

Deliverance (DS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon