Chapter 22

88.9K 3.2K 467
                                    

Chapter 22:
Fierce

MASAYA si Patricia habang nakikitang nakangiti ang Daddy niya. Galak na galak ito habang binabasa ang end-month report ng kompanya.

"We didn't lose it..." gumaragal ang boses nito sa kabila ng ngiti. Tila nagkaroon ng sigla ang nanghihina nitong katawan.

"Yes, Daddy..." Tumikhim siya. "Mas maganda na ang operations ngayon. The company is financially stable. Unti-unti ay bumabalik ang mga private clients. Ang mga may angal dati ay unti-unti na ring nawala."

Tumingin sa kanya ang ama at ibinuka nito ang mga braso. Patricial hugged her father immediately.

"I'm so proud of you, hija. I love you."

"I love you too, Daddy." Kumirot ang puso ni Patricia. Nagawa niyang iangat ang kompanya nila bago pa bumagsak pero napakalaki naman ng kapalit.

Her heart.

Her conscience.

But at least, sa dalawang buwang nagdaan ay wala siyang narinig mula kay Sandro. Kasama siguro lagi nito si Yvette. Afterall, they are getting married. Baka nag-aayos ng kasal.

Napalunok siya. Bakit ba hindi na lang siya mamanhid sa sakit? Bakit kapag tungkol kay Alessandro, apektadong-apektado pa rin siya?

She should hate him!

"Daddy, I need to go. Marami po kasi akong gagawin ngayon."

Tumango ang ama at hinalikan siya sa noo. "Huwag kang magpapakapagod sa trabaho."

"Yes, Daddy."

Saktong pagkaalis niya ay nakasalubong niya ang ina. "I just talked to the doctor..." Mukha itong mahihimatay. "Hindi na umeepekto ang mga gamot sa Daddy mo..."

Napapikit si Patricia. When tragedy comes, there's just too much pain to handle.

"M-Mommy... let's just be stronger for Daddy. Be w-with him u-until we can..." Each word is harder to say.

Death is inevitable. Masakit man ay kailangang tanggapin. Hindi na alam ni Patricia kung paano pa siyang nakakatayo araw-araw.

Wala na yatang masaya sa buhay niya.

Nakatulala si Patricia buong araw sa harap ng monitor niya. She gave up doing work.

"Hi, love."

Agad siyang napaangat ng tingin at nakita ang malaking flower-shaped cotton candy sa harap niya!

Napangiti siya nang mula sa likod ng malaking cotton candy ay sumilip ang mukha ni Storge.

"There's your smile."

Napatayo siya. "H-Hindi ko namalayan na nakapasok ka..."

"Dahil malalim yata ang iniisip mo. Ayos ka lang ba?"

"Naiisip ko lang ang kondisyon ni Daddy. Hindi na kasi nagre-respond ang gamot at kahit anong therapy sa kanya."

"It was like counting the days, huh?" Napabuntong-hininga si Storge. "Ganyan din kami noong isang taon bago mamatay si Papa."

"Storge, how did you handle the truth when you know your father's going to die anytime soon?"

"It was hard." Binuksan nito ang cotton candy at kumurot ng malaking parte. "Hindi ko alam kung paano namin natawid na magkakapatid. Pero sama-sama kami. I think it's easier to cope up with pain when you know you're not alone healing it."

Wala siyang kapatid. But she have her mother with her.

Binigay sa kanya ni Storge ang kinurot nitong parte ng cotton candy. Kinuha niya iyon at kinagatan. Nang nginitian siya nito ay napangiti rin siya.

Deliverance (DS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon