Chapter 13

269 15 6
                                    




Pinagmasdan ko ang mga papel na nakalatag sa ibabaw ng kama ni Erik. Mayroong drawing doon ngunit mas marami yung mga notes mula sa lessons. Irereview ko raw siya bago ako umuwi. Pumayag naman ako kase bakit hindi ako papayag di ba? Gusto ko na rin mag-advance reading. Umupo ako sa kama at pinadaan ng kamay ko ang malambot niyang kama. Simpleng kwarto ang meron siya. May mga posters ng sikat na basketball team, soccer team, at mga banda sa dingding ng kwarto niya. Puti ang kisame maging sa dingding nito. Simpleng kwarto ito pero kapag tinitigan mo ng mabuti ay yung tipong pangmayaman talaga. Kumpleto siya sa lahat ng gamit.

Akala ko nga ay kung lalaking straight, magulo ang kwarto. Nakakalat lahat ng mga underwears, medyas, at iba. Pero naging iba ang paningin ko sa mga lalaki dahil kay Erik. malinis siyang lalaki. Kaya swerte ng taong magiging karelasyon niya kapag nagkataon. Kumunot ang noo ko sa naiisip. O, ano na naman bang itong iniisip ko? Umiling na lang ako at kinuha ang isang notebook niyang kulay black ang cover pero may text, Playboy.

Nasa CR ng kwarto si Erik, naliligo. Ewan ko ba pero nanindig ang balahibo ko sa kaisipang nasa loob ako ng kwarto niya ngayon at siya ay naliligo. Kahit alam kong nagbibiro siya kanina, hindi pa rin mawala-wala sa isip ko na baka... alam niyo na... baka mangyari. Uminit ang pisngi ko sa kaisipang iyon. Bakit ko ba iniisip na may mangyayari talaga? Bumuntong-hininga ako. Erase, erase thoughts nga.

Binasa ko ang nasa notes ni Erik. May mga hindi ako maintindhan kase puro numbers yung iba. Maganda ang hand-writing ni Erik kaya yung mga definition nung mga naka-regular na sulat ay kuhang-kuha kaya naman hindi ko maiwasang mapangiti. Tinalo pa niya ako at ng mga babaeng classmates ko sa pagsusulat. Maski yung secretary namin walang binatbat. Umiling na lang ako. Maganda naman sulat ni Maris pero mas maganda talaga tong sulat-kamay ni Erik.

Humarap ako sa kamay niya at nagsquat. Nasa kudsyon na rin ang bag niya. Isa itong pink na galaxy bag. Maumbok siya. Nag-crawl ako para tingnan ang laman nun. Itinaas ko ang itaas na bunganga ng bag at sinilip ang loob nito. Maraming libro. May Math, Filipino, tapos iba pa. Inilabas ko iyon at maski yung mga papel sa loob at mga ballpen at iba pa ay inilabas ko. Hindi ko napansin na sa ganoon posisyon ako ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan sa CR kung nasaan si Erik. Napalingon ako sa kanya at kitang-kita ko kung paano siya matigilan sa paggalaw at titigan ako. Napaawang ang bibig ko nang mapasadahan ko ng tingin ang basang upper body niya. Halos hubad na siya kundi lang suot ang towel na puti na napulupot sa bewang. Napulunok siya.

Nanlaki ang mga mata ko nang may mapagtanto. Agad akong napatakip sa mga mata ko at napatili. "Ahhh! Erik, magtapis ka nga!" Tinanggal ko ang mga kamay kong nasa mata ko at sinampal ko ng sabay ang pisngi ko. "Oh shit! Maling-mali talaga na naririto ako habang naliligo siya kanina," bulong-bulong ko.

Narinig ko ang pagyapak ni Erik. Napakagat-labi ako at napapikit tapos hindi ko na maiwasang mapahilamos ng mukha. Relax, Ian. Walang gagawin sayo si Erik. Kunin mo yung libro niya para di mo matoon sa kanya ang tingin ko. Go!

Kukunin ko sana yung libro ng math nang maramdaman kong bumaba ang kudsyon hudyat na may umupo. Libo-libong boltahe ang naglakbay mula sa aking kamay patungo sa iba't ibang sistema ng aking katawan. Nanginig ako nang dumampi ang kamay ni Erik sa braso ko. Napaawang ang labi ko at di ko na rin ito napigilang manginig dahil sa pangyayari.

Malamig ang kamay ni Erik. Dahil kakatapos lang niya maligo at dahil na rin sa aircon kaya ganito. Napatingin ako sa mga daliri ko sa brasong hinahawakan niya. Pinasadahan ko ang mga maliliit na buhok sa akin kamay at kitang-kita talaga kung paano ako nagka-goosebumps. Jusko, ano ba tong nararamdaman ko? Bakit biglang kumulo ang tiyan ko?

"Ian," tawag ni Erik sa mahinang boses. Kinagat ko ang labi ko at biglang nablangko ang isip ko. Shit, shit, shit, what to do? What to do?

"Ian..." Napapikit na ako ng mariin dahil biglang lumapit ang mukha ni Erik sa akin. Ramdam na ramdam ko ang init mula sa kanya. Hindi ko na alam. Nanlamig lahat ng katawan ko. Ramdam na ramdam ko ang titig ni Erik sa aking gilid. Napalunok ako at hindi ko naiwasan na mapalakas iyon kaya hiyang-hiya akong napabitaw sa pagkakahawak niya sa braso ko. Aatras sana ako palayo sa kanya nang hawakan niya ulit ako. This time, napatili na ako dahil sa halo-halong nararamdaman.

Waiting ShedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon