Chapter 12

268 15 9
                                    




Tulala ako habang inaalalayan ako ni Erik papunta sa bahay nila. Doon daw muna ako para kumalma bago umuwi. Baka kase kapag nakitang ganito ako nina mama at papa y siguradong magtatanong ang mga iyon kung ano nga ba ang nangyari. Tama siya. Magtatanong na magtatanong talaga sina mama kung ano ang nangyayari sa akin. At nakakatakot isipin na kapag sinabi ko ang mga nangyayaring ganito ay baka magalit sila sa akin. Tanggap nila kung sino ako pero kahit ganun ay alam kong may limitasyon. May limitasyon sa mga bagay-bagay na tanggap ng tao.

Pumasok kami sa tahanan ni Erik. Nang makarating sa sala ay nakita namin doon ang isang lalaki na nanonood ng action movie sa malaki at manipis na tv'ng nakasabit sa pader. Napatigil sa paglalakad si Erik nang mapansin niya ang lalaki. Nakatalikod ito sa amin at kitang-kita ko kung paano umangat at bumaba ang kanyang braso na tila kumakain. Bumaling ang tingin ko kay Erik at kitang-kita ko kung paano umawang ang kanyang labi sa lalaking nakaa-upo sa sofa. Maya-maya pa'y naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso at likod. Lumayo siya ng kaunti sa akin at humakbang papalapit sa taong iyon.

Pinunasan ko ang luhang lumandas sa aking pisngi. Inayos ko ang aking sarili bago ibigay ang buong atensyon sa mangyayari. Narinig ko ang pagtawa ng lalaki nang makitang may nakakatawang nangyari sa action movie na pinapanood niya. Humiwalay ang kanyang likod sa sofa at tumayo para kunin ang canned coke na nasa mesa. Uupo na sana siya pabalik subalit tumunog ang kanyang cellphone at kinuha niya ito sa dulo ng mesa. Kita ko ang gilid ng mukha niya. Maputi siya at pamilyar na pamilyar. Nakangiti ang lalaki at masasabi kong gwapo ito at parang may hawig dito si Erik. Natigilan ako nang may mapagtanto. Sino to?

Nang papaupo na ang lalaki ay napadako ang tingin niya sa amin. Napansin niya siguro ang mga titig namin kaya di na niya naiwasan. Napaawang ang bibig niya nang makita kaming dalawa ni Erik. Dahan-dahan siyang tumayo habang nakatitig pa rin sa amin ang lalaki. Maya-maya pa'y narinig kong may malakas na pagputok galing sa tv. Naglakad ako palapit sa tabi ng mariin at napatingin ng maayos sa lalaki.

"K-kuya..." pumiyok ang boses ni Erik at nakita ko ang paggilid ng mga luha sa mga mata niya. Sumilay ang ngiti sa labi nito at natatawang tumakbo sa kanyang kuya. Natawa na rin ang lalaki at iniabot si Erik at mahigpit silang nagyakapan. Napatulala ako sa eksena sa aking harapan. M-magkapatid sila. H-heto yung kapatid na sinasabi ni Erik na nagtatrabaho sa ibang bansa.

"Erik!" sigaw ng lalaki at ginulo ang buhok ng nakakababatang kapatid.

"Kailan ka pa umuwi, kuya? Sana sinundo ka namin!" sabi ni Erik at lumayo sa kanyang kuya. Iniabot siya ulit ng kanyang kuya pero sinapak na niya ito sa braso. Nagtatawanan sila habang ako ay nakaawang pa rin ang bibig. May humaplos sa puso ko.

"Kaninang umaga lang, bago ka pumasok. Wala ako kaninang hapon kase may pinuntahan ako. Tapos akala ko alam mo ng umuwi ako kaya di ko inaasahan na ganito ka magreak," tugon ng lalaki at inilagay niya ang kanyang braso sa balikat ng kapatid.

"Hoy, yung pasalubong kong sabi mo!" Sigaw ni Erik at tumingin sa kanyang kuya. Sa kanya lang nakabaling ang atensyon ko at sobra-sobrang saya ang nararamdaman ko ng makita siyang masaya na ganun. Sa wakas, sa mahabang panahon ay nagkita ulit sila.

Hindi sumagot ang kuya niya kaya napabaling ako rito. Kumapa agad ang kaba sa loob ko nang makita ko siyang nakatingin sa kanya. B-bakit ganyan siya makatitig? K-kaibigan ko lang po si Erik!

"May dinala ka palang kasama..." seryosong wika niya habang pinasadahan niya ako ng tingin mula sa ulo pababa sa paa. "Tawagin ko ba si manang para magpameryenda?"

Kumunot ang noo ni Erik at mukhang magsasalita pa sana nang mapatingin siya sa akin. Napikit-mata ako at ngumiti ng nahihiya. "H-hello po. A-ako po si K-kristian, I-ian..."

Waiting ShedWhere stories live. Discover now