Beginning

833 41 15
                                    




She kneels down as her tears fall down to her cheeks. Her heart is beating uncontrollably and her breathing is not normal. She can't take it. She cannot let him go. in their 2-years relationship, her life revolves around him. He gasped when she knelt down in front of him. Many eyes looked at them and that make him more irritated. He holds her in his arms and tried to pull her up but she just can't follow him.  If she did, it will be the end for the both of them.


"Please, don't leave," she begged. But he didn't listen. Instead, he shook his head and removes his hands around her.


"I'm sorry. I-I don't love you anymore." He is cold. And she can't take it.


"No," she whispers and tears almost choke her.


"I can't. I cannot love you anymore. I'm sorry,"


And with one last word, he left her. He left her in the middle of the crowd where eyes are staring at her like she has grown another head. And then and there, she feels unimportant. She feels she has no right to be happy. She feels like she doesn't deserve to be happy.


And it looks like destiny likes playing with her. That destiny doesn't want him to be happy.


Napahugot ako ng hininga sa nabasa ko. Inilabas ko ang panyo ko sa aking likod na bulsa at ipinunas koi to sa aking mga luha na lumalagaslas na parang gripo. Napakasakakit ang istoryang ito. Masaya silang nagmamahalan ng tunay pero sa isang babaeng nagbalik lang ay nawala ang lahat ng mga masasayang alaala. Na mas ginusto ng lalaki na sirain ang babaeng pinahalagahan siya kaysa masaktan ang babaeng iniwan siya para lang sa iba. Pumikit ako at itinago ang cellphone ko sa dibdib ko. Niyakap ko ng mahigpit ang bag ko at binuklat ang mga mata para lang pagmasdan ang pagbagsak ng ulan na nagpabasa sa daanan ng mga sasakyan.


Isang madilim at umuulang hapon ang araw na iyon. Katatapos lang ng examination at sa wakas ay makakapagpahinga na rin ako. Nakakadugo ng ilong at nakakapasakit sa ulo ang bawat pangungusap na inialay ng test papers. Mabuti na lang at nakasagot pa rin ako ng maayos sa mga tanong na madali sa akin dahil nabasa ko ito sa libro at sa mga notes ko.


"Ian, hoy!" tawag ng isang matinis na boses.


Ibinaling ko ang tingin ko sa kanan at sa paparating na babaeng chubby. Maputi siya at ang buhok at nakapony tail na ang dulo ay aabot lamang hanggang sa leeg niya. Pinagmasdan ko ang kanyang pagtakbo. Ang buhok niya ay umaalon at sumasabay sa pagpihit ng hangin. Naka-violet siyang t-shirt na may mukha ni barney at naka-jogging pants pa siya. Sa gilid nito ay ang acronym ng aming eskwela. Naka-payong siya ng kulay blue pero basa na ang suot nitong jogging pants. Tumayo ako nang makalapit siya sa waiting shed na kinalalagyan ko.


"Afrille, ikaw pala. Bakit ka nandito?" tanong ko at luminga sa suot nitong bag. "Hindi ka pa umuwi?"


Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. "Hindi pa ako umuwi. Nagpunta kase ako sa plaza. Alam mo bang may nag-aaway doon?" tugon niya.


Kumunot ang aking noo at umiling bilang sagot. "Ano ngayon kung may nag-aaway doon? Buhay naman nila iyon kaya bakit pa tayo makikiaalam?"


Umiling siya sa sagot ko at umirap. Sinara niya ang payong na hawak niya at umupo sagilid ng waiting shed. Pinagmasdan ko siyang idinikit ang likod niya sa pader na humahalili sa bubungan ng waiting shed.  Inilabas niya ang kanyang cellphone at may kinalikot doon. Pagktapos ay isang nakakabighaning tunog ang pumailanlang. Isang kpop song na sa tingin ko'y kinanta ng paborito niyang banda na BTS.


Huminga ako ng malalim at tiningnan ang cellphone ko. Bumuntong-hininga na makitang kakaupdate lang ng storya na binabasa ko noong nakaraang linggo. Pinindot ko ang penname na nasa kanan at agad na pinindot ang pangalan na TheWickedDreamer. Tinaas ko ang daliri ko para mapunta ito sa aking library na public sa mata ng mga kapwa readers at ilang napapabisita sa profile ko.


"Alam mo, hindi na ako nakakapag-update sa wattpad ko. Kakabore eh." Rinig kong sabi ni Afrille kaya napatingin ako sa kanya.


"Palagi ka naman atang nabobore kapag kaharap mo na yang wattpad mo eh," wika ko sa kanya.


"Whatever," sbi niya na lang at tinginan ang nasa harap niya. Ang waiting shed na kinalalgyan naming ay sa harap lang ng school. kaya kitang-kita talaga kung sino ang lalabas sa main gate. Kaya nga tinawag na waiting shed dahil dito maghihintay ang mga estudyante ng mga susundo sa kanila. Kung hindi man susundo ay mga karelasyon.


"Bes, alam mo si Taleng, may bagong bf na nama," natatawang sabi ni Afrille kaya kumunot ako ng noo.


"Hindi naman ata iyon nauubusan eh. Ikaw, may boy friend ka na noh? Panay tingin mo sa cellphone mo eh."


"Wala akong boyfriend," inis niyang sabi sa akin. Pumindot siya sa cellphone niya. "Nagpe-facebook ako, huwag kang magulo."


"Ah," I scoffed. "Facebook daw eh naririnig kong nagri-ringtone ang cellphone mo. Tanga."


"Kung makatanga 'to. Duh! Wala nga. Magulo ka. Manahimik ka na lang diyan." Sabi na lang niya at nagtuloy sa pag-scroll sa cellphone niya.


Inirapan ko na lang siya at sinulyapan ang mga sasakyang dumadaan sa harapan ng waiting shed. Tuloy pa rin ang pagbagsak ng ulan. May mga tumatakbong mga tao at yung iba naman ay nagpapabasa sa ulan. May nakapayong naman pero marami talagang nagpapabasa sa ulan. Nakarinig ako ng hiyawan sa gilid ko kung saan nakaupo si Afrille.


"Af, sino mga iyan?" tanong ko habang tumayo at naglakad papalapit sa kanya. Nakita kong kumunot ang noon i Afrille kaya mas binilisan ko ang paglapit sa kanya at pagtingin ko sa main gate ng eskwela naming ay doon ko napagtanto kung sino ang mga iyon. Ang grupo ng mga lalaki at babae na sa tingin ko'y may kung anong harot o kaya'y seryoso sa buhay. Basta, mahirapa idescribe sila.


Pero ang ikinabigla ko ay ang pagtitig sa akin ng isa sa mga lalaking kasama sa mga grupo na iyon. Hindi ko sinasabing seryoso yung pagkatitig niya pero tahimik na nakatitig siya sa akin. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay ngumiti siya at kumayaw sa akin. Napansin naman ito ng mga kabarkada niya kaya tumingin sila sa akin. Sa akin nga ba siya kumakaway?

 Sa akin nga ba siya kumakaway?

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.




"Hello Kristian. Bakit nandito ka pa?" tanong niya kaya nagulat ako.


Kilala ako ni Erik James?





----

Namimiss na kita. Huhuhu. Dedicate this to you, bb. LABYAH, LABYAH! :* :3

Waiting ShedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant